Chapter 53 May Himala

483 14 2
                                    

ituloy na natin ito  ,tutal ganoon din naman yun eh .hihi








Delfin's POV




  Sobra akong nagpapasalamat dahil sa mabilis na recovery ng aking anak ,tuna'y ngang hindi kami pinapabayaan ng diyos dahil dinidinig nya ang aming mga panalangin ,.Ang aking mga dasal na sana ay bigyan nga ng ibayong lakas ang aking anak upang malagpasan ang pagsubok na pinagdaraanan nya ngayon ,.Hiniling ko sa diyos na sana'y gumaling na ang anak ko at manumbalik na ang sigla ng katawan nito ..Naawa narin kase ako sa anak ko ,yung mga daing nya dahil sa madalas na pananakit ng kanyang katawan ,yung kawalan nya ng tiwala ,sa mga bagay na iyan ang unti unting dinudurog ang puso ko ,kaya naman sa mga dasal ko inasa ang lahat ..Naniwala at nagtiwala ako sa diyos ,dahil alam kong wala syang kayang gawin para sa ating lahat na nya ..

Nang malaman ko ang karamdaman ng anak ko ay sobra akong nasaktan para sakanya ,halos sisihin ko nga ang aking sarili ,dahil sa palagay ko'y wala akong kwenta ..Kung pwede ko lamang ilipat sakin ang lahat ng sakit na nararamdaman nya ,kung pwede lang na ako nalang ang magkasakit at wag sya ..Kase napakabata pa ng anak ko eh ,ang dami nyang pangarap at napakabuti nyang tao ,mapagmahal at mapagpatawad ,.Napatunayan ko iyon dahil sa ginawa nyang pagtanggap sakin sa kabila ng mga kasalanang nagawa ko sa kanila ng mama nya ..

Akala ko noon kasusuklaman nya ako at hindi mapapatawad ,pero nabaliktad ang takbo ng mundo ,dahil naunawaan nya ang lahat ,pinakinggan nya ako at pinatawad , .Binuksan nya ang kanyang puso para sakin ,at sya rin ang kumumbinsi sa mama nya na bigyan ako ng isa pang pagkakataon upang maiparamdam ko sa kanila na nagsisisi nako sa ginawa kong kasalanan,na gusto kong bumawi sa kanila at ipakita at iparamdam na mahal na mahal ko sila ,dahil silang dalawa ang buhay ko ..

Nang maging maayos na ang aming pamilya dahil muli itong nabuo ay umasa akong wala ng makasisira pa sa amin ,pero nangyari ang isang bagay na kailanman ay hindi ko inasahan ..Bigla na lamang bumagsak ang aking anak sa hindi ko malamang dahilan ,hanggang sa malaman nga namin ang totoo matapos syang ieksamin ng mga dalubhasa , nalaman namin na mayroon syang cancer ..

Isang sakit na hindi ordinaryo at maaring kumitil ng buhay ng simumang tamaan nito ,kaya naman sobra akong nasaktan noon ,gayon din ang aking asawa ,.Bakit kung kailan maayos na ang lahat sa aming pamilya ,kung kailan sinisimulan na naming gumawa ng matatamis na ala ala ay saka pa ito nangyari ,saka pa dumating ang isang napakatinding dagok sa aming buhay ,.kung pwede lang na ako nalang sana , na ako nalang ang nagkasakit at hindi ang anak ko ..Dahil ayaw ko syang makitang nahihirapan ,pakiramdam ko ay para akong dinudurog sa tuwing nakikita ko ang paghihirap nya ..

Noong umpisa ay awang awa ako sa anak ko dahil inilihim namin sakanya ang totoo ,nalaman ko kase mula sa aking asawa na mahina ang loob ni Monic ,na ayaw nyang nagkakasakit at hindi rin sya sanay umiinum ng gamot ,lalong ayaw nya ring iniinjectionan kaya gayon na lamang ang pagtatago namin sakanya ng kanyang sakit noong una .Pahirapan nga din kung paano sya tuturukan ng gamot noon dahil takot na takot sya ,kaya naman mas lalo akong nahabag sa anak ko ,hindi korin sya makayanang tingnan noong mga panahong iyon .

Hanggang sa lumipas ang isang buwan at sinabi narin namin sa kanya ang totoo ,dahil napakadami nya naring tanong at mukhang nakakahalata na sya ,kaya naman wala narin kaming nagawa kundi sabihin sa kanya ang totoo ,na mayroon syang cancer..multiple myeoloma ,kagaya nga ng inaasahan ko ay hindi nya ito matanggap dahil nasaktan sya sa kanyang malaman ..

Halos ayaw na ngang lumaban ng anak ko ng mga panahong iyon ,gusto na nyang sumuko dahil pakiramdam nya ay hindi nya kaya ,.Pero salamat nalang din talaga at nandyan si Tinay ,.Kailanman ay hindi nya iniwan ang aming anak ,inalagaan nya ito at pinabayaan , binigyan nya ito ng lakas ng loob para lumaban ,para hindi ito sumuko ,kaya naman sa bawat pagkakataon na iyon ay mas lalo nyang napatunayan kung gaano nya kamahal ang anak ko ,.na hindi nya ito iiwan kahit kailan ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon