Chapter 28 Ang Takot

785 19 2
                                    





hello readers ..alam ko medyo magulo yung last chapter ..haha pero ang malinaw naman ay panaginip lang ang lahat ,so hindi totoong  patay na si Tinay ..hmm

anyway ,tuloy na ho natin :))







Aomy's POV


Hanggang ngayon ay nakakaramdam parin ako ng kaba dahil na panaginip ko kahapon ,para kase talagang totoo ang mga pangyayari ,maski ang mga taong mahahalagang parte ng buhay namin ay bahagi ng masalimuot kong panaginip na iyon ..haaayyyy

Kaya nga dahil doon ay hindi kuna talaga maiwasang mabahala ,paano kung mangyari talaga iyon ??paano kung mawala sya sakin ..hindi ko iyon kaya ..hindi ko kakayanin na muling mawalan nang minamahal ..iniisip ko palang parang nasasaktan nako ..At isa pa ,ayokong bumalik iyong dating ako ,yung nagiging patapon ang buhay ko ..ayokong muling mapariwara ..Maayos nako eh ,nagbago nako mula nang dumating sakin si Tinay at natatakot akong mawala ang lahat nang iyon ..

Kaya naman gagawin ko ang lahat upang huwag syang mawala sakin ,aalagaan ko sya mamahalin at iingatan upang hindi sya mawala sakin ,lalo pa ngayon at alam ko sa sarili kong sobra ko syang mahal ,at mas lalo kupa syang minamahal dahil sa mga magagandang ugali na mayroon sya ..

Sa mga nakita kong maaring mangyari kapag nawala sya mas lalo rin akong nakaramdam nang pangamba ,dahil napakadami palang maaring maapektuhan kung sakali mang mangyari yun,hindi lamang ang carrer ko kundi maging ang buong pagkatao ko ,magiging miserable ako ,magkakaroon ulet kami ni daddy at maging ang kalusugan ko ay masisira kaya naman ayaw kunang mangyari ang lahat nang iyon ,kaya siguro iisipin kona lang na isang napakaimportanteng babala ang panaginip na iyon para sa kinabukasan nang mahalko .

"uhhmm wifey ,magcommute nalang kaya tayo ,..saad ko kay Tinay ..

"pwede ,kaso baka mahirapan ka eh ,hindi ka naman sanay. .sagot naman nya ..

" ehh pero natatakot kase ako eh ,paano kung ...sambit ko .

"hindi mangyayari yung panaginip mo okay ,sige ganito nalang kausapin natin si Mang Delfin kung pwedeng ihatid nya nalang tayo ..saad nya ..

" hmm sige ,tutal marami din tayong dala eh ,..sagot ko naman ..

"ehh kase naman ang dami mong biniling pasalubong ,hindi naman kailangang ganun ehh ,saad pa nya ..

" okay lang iyan anoh ,saka miss kona rin kase mga kapatid mo eh ,and gusto kolang silang mapasaya ..nakangiti ko namang sagot ..

"hmm ikaw talaga ,alam mo minsan ,hindi parin ako makapaniwalang ibang iba kana ngayon ,..samantalang dati wala kang ginawa kundi bwisitin ako at sirain ang araw ko ,pero ngayon ito ka ,..palagi mong iniisip ang makapagpapasaya sakin at sa pamilya ko ,salamat husbie ahh ..malambing nyang sambit sabay akap sakin ..

" wala iyon ang importante ,okay na tayo ngayon ..masaya tayo at mahal na mahal kita ..sagot ko naman sabay halik sa pisngi nya ..

  Haayyy ang sarap talaga sa pakiramdam kapag kaakap mo iyong babaeng mahal na mahal mo ,at masasabi koring napakaswerte ko dahil ako ang nakasungkit sa puso nya , .Sa totoo nyang napakaraming nagkagusto sa kanya eh ,bukod kay Jonas alam kong may iba pa ,kase sa ganda at bait nya ba naman sinong hindi magkakagusto sakanya diba ..Kahit nga ako na sinasabi nilang naging yelo ang puso mula nang maiwan ako ay napalambot nya ,dahil kase iyon sa ugaling meron sya na wala sa iba ..



Kinabukasan ay maaga kaming gumising upang nakapaghanda na para sa biyahe namin pauwing Nueva Ecija ,mabuti nalang talaga at nabigyan kami nang isang linggong bakasyon upang makapagpahinga ,hindi rin kase biro ang mga nakaraang offer sa amin eh ,bukod kase sa show at ilang movie na ginawa namin ay nagkaroon din kami nang ilan pang mga commercials music video na ginawa ,bukod doon meron ding mga guestings sa iba't ibang show ..Kaya naman wala talaga kami halos pahinga ..haayyy ...

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon