Chapter 37 Ang Pagpili

527 17 5
                                    

ayowwnn ang tagal nanaman ho pala mula nang last update ko ,medyo busy kase ehh .hmm

anyway medyo malapit narin pala itong matapos ,pero madami pang pwedeng mangyare sa bawat karakter ,kung sisipagin ako magtype baka bago mag may matapos na ito ,pero depende parin ho ;))

sya ituloy na po natin ..

Aomy's POV

Simula nang makabalik kami dito sa pilipinas mula sa isang linggong bakasyon nang mahal ko ay talaga namang napakadaming nangyari ,mula sa carrer namin ,sa takbo nang relasyon namin at sa mga personal naming buhay bilang indibibwal ..May kanya kanya na rin kase kaming daang tinahak ,yun bang medyo nagkalayo ang landas namin ..

Matapos kase naming gawin ang ilang pelikula at soap opera kung saan sumikat nga kami sa aming tambalan dahil tinangkilik ito nang marami ay kailangan din talagang dumating yung point na magkakalayo kami bilang magkapareha sa mga palabas at pelikula ,.Nagsimula nga ito nang minsang maitambal sya sa ibang aktor,well inaasahan ko naman talaga ang bagay na iyon ,tanggap kodin naman na hindi habang buhay ay sa akin lamang sya maitatambal ,magsasawa naman ang mga tao kapag ganun ,kapag puro mukha namin ang nakikita nila ,.saka isa pa bilang isang aktres ay kailangan nya ding maipakita sa lahat nang mga manunuod at mga taga suporta nya na handa rin syang maitambal sa iba ,na kaya nya ring makihanay sa mga artista na sumisikat ngayon,iyong selos at takot ,..siguro meron talaga iyon ,madalas oh kaya naman minsan kung kanino sya maitatambal ..

  Noong mga nakaraan kase naitambal sya kay Mark ,eh wala naman problema sakin doon dahil magkaibigan naman kami ni Mark kaya alam kong walang malisya sakanya iyong tambalan nila ni Tinay ,kahit pa nga sinasabi nang marami na kesyo baka daw magkadebelopan ang dalawa ,baka ipagpalit ako at kung ano ano pa na mga paninira na alam ko namang hindi kailanman mangyayari ,dahil may tiwala ako sa pagmamahalan namin ni Tinay ,at bukod doon kaibigan ko si Mark alam kong hindi nya ako tatraydurin ,saka isa pa may girlfriend sya na alam kong mahal na mahal nya ..

Tungkol naman sa carrer ko ay marami nga din nangyari ,naging permanenteng host kase ako nang isang travel program ,kung saan nagdodocumentary ako nang history or kung ano ano pang mga bagay or pangyayari sa isang lugar ..Sa totoo nyan isa rin naman talaga iyon sa gusto ko eh ,kaya naman masasabi kong dream come true talaga ,isa kase sa gusto kong gawin ay iyong magtravel ,or mag adventure ,yung pupunta ako sa isang makasaysayang lugar ,aalamin ko ang pamumuhay nila doon ,oh kung ano ba ang ipinagmamalaki nila ,sobrang malapit din kase talaga ako sa nature eh ,kahit sa nga beaches, oh kaya forest ,basta kahit anong lugar na masarap pagmasdan ..Piling ko kase nakakagaan ito nang pakiramdam ,at  bukod pa doon marami din akong natutuklasan ..

Bukod sa pagtatravel ay gusto kuding nakakakita nang mga wild animals or iyong mga hindi pangkaraniwan ,sobrang interisado din ako sa ibat ibang mga kasangkapan ,kasuotan at pagkain nang iba nating mga kababayan ,kaya nga nang inoffer sakin ang show ay tinggap ko talaga ito ,dahil sabi ko nga diba ,isa ito sa pangarap ko ..

Naalala kupa nga ang unang episode nang show ay kinuhanan sa Baguio ,well siguro sa iba common na iyon dahil marami na ang nakapunta at dumarayo doon pero sa pagsasaliksik nga namin ay marami pa kaming mga natuklasan na maari nitong maipagmalaki ,iyong hindi pa alam nang ilan ,well maski nga ako ay talaga namang namangha sa mga nalaman ko ,masasabi ko ngang sadyang magagaling talaga ang mga researcher namin dahil sila naman talaga ang naghahanap nang mga lugar na maari naming igawan nang documentary ..

Isa nga din sa napuntahan namin ay ang Nueva Ecija ,ang probinsya nang mahal ko na hindi ko naman inakalang may mga itinatago din palang mga likas na yaman na talaga namang napakasarap pasyalan ,sobrang interesting kase,mula sa view nang lugar ,sa nga pwedeng gawin doon ,sa mga exotic foods na ipinagmamalaki nila na hindi ko maimagine na matitikman ko. Kasama din kase talaga sa pagtatravel ko ang pagkain nang kanilang mga iba't ibang recipe ,kaya nga medyo tumataba narin ako eh ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon