Chapter 16 TIAOM ang Bagong Loveteam !!!

1.1K 30 4
                                    



hello reader's eto na ho ulet ako para bigyan kayo ng panibagong kabanata ..

alam ko sa chapter na ito marami ang matutuwa ,ayoko na kase patagalin pa mga bangayan nila ehh ..kaya lagyan naman natin sila ng kaunting asukal ..haha ;))

sya ito na po hihi <333



Aomy's POV





Ilang araw narin ang lumipas mula nang matapos ang prescon para sa gagawin namin na bagong soap opera kung saan isa ako sa magiging leadstar nito kasama ang babaeng kinaiimisan ko ,alam nyo naman siguro kung bakit diba ??hayysss ano ba kase itong pinasok ko ehh ..Mukhang sinasadya talaga nang kapalaran na magtagpo ang landas namin nang babaeng iyon ,lalo na ngayon parehas na kami nang mundong ginagalawan ,dahil artista narin sya kagaya ko at bukod doon palagi pa kaming magkakasama sa set dahil nga sya ang partner ko ..haayy kung may choice lang talaga sana ko eh ,pero wala ..sa ayaw at sa gusto ko kailangan kong makisama sakanya kagaya nang gusto at utos nila kuya Erick at direk Dom ..haayyy naku naman talaga ou ..

Anyway andito na nga kami ngayon sa location nang taping namin ,isang isla sa Batanes ang pagtetapingan namin,iyon daw kase ang nakalagay sa story ..Well ayaw din naman kase nila direk na may baguhin sa story kaya inaasahan kona na lahat nang nasa story ay kailangan naming gawin ..

Nabasa kuna nga rin pala yung gagawin naming kwento ,para hindi rin ako nangangapa diba ??Saka para maging pamilyar din ako sa mga magaganap sa kwento ,.well habang binabasa ko yun ay talaga namang nadala ako nang story ,.Maganda kase sya ..yung buong flow nya ..at mukha rin syang exciting at alam ko na maraming mga taga hanga ang magkakainteres sa kwento bukod kase sa nakakakilig ay may mga aral pang nakapaloob dito ..Minsan tuloy diko rin maiwasan maexcite sa mga eksenang gagawin namin ..

Ang kaso lang ,sa excitement na yun may halo paring kaba dahil nga diba hindi naman kami ganoon kalapit ni Tinay sa isa't isa ,so paano namin mapapakita sa mga tao ang expectations nila ,paano namin sila mahihikayat na sumuporta samin ehh hindi nga kami magkasundo .Dahil wala kami ginawa kundi magbangayan bago pa man mabuo ang aming tambalan ..

Sa katunayan nga nyan ay hindi rin kami halos nagpapansinan mula nang mag umpisa kami magtaping ,yung parang hindi kami magkakilala ,pero may mga pagkalataon na kailangan namin ipakita sa mga tao ,lalo na sa harap nang camera na magkasundo kami ,syempre konting lambingan sa harap nila ,pinapakita namin na we care for each other .,pero ang totoo nyan kapag wala nang media para na kaming hangin sa isa't isa ..

Minsan tuloy hindi namin maperfect ang ibang mga eksena ,kailangan pa nang ilang take para magawa namin ito nang maayos ,kase nga nagkakailangan talaga kami ..Kagaya na lamang yung unang eksena na kinunan samin ,yung nasa may sayawan kami ,noong mga oras na yon alam kong medyo nagkakailangan kami habang sumasayaw,simpleng eksena lang naman iyon pero nahirapan talaga kaming gawin ..May gusto kaseng makita si direk samin ehh ,.alam nyo yung dapat daw sa mga tinginan palang namin na iyon ay mapapaniwala na namin ang mga manunuod na may chemistry kami ..hmmm

Mahilig kase si direk Dom sa ganoon eh ,ganon din kase yung ginawa nya before sa tambalan nila Rhian at Glaiza ,maski yung kay kuya Tom at kuya Dennis .yung unang tinginan palang may spark na agad ..Iyon daw kase ang sikreto nang isang tambalan ,iyong dapat kakaiba ang dating nang eye to eye contact namin para sa una naming pagkikita sa eksena. Doon palang daw kase ay magkakaroon na nang interes ang mga manonood kapag nakita nila na may kakaibang glow saming dalawa ..

Noong una nahirapan talaga kami para magawa iyon ,pero dahil nga kailangan magpakapropesyunal ay inalalayan ko nalang din yung kaloveteam ko para hindi kami magkailangan at para din magawa na namin nang tama ang mga eksena ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon