yung iba dyan alam ko title palang kinikilig na hihi ..
pero mangyayari nga kaya ang inaasahan nyo ??or mahohopiya kayo ??hahawell tingnan nalang po natin ;))
Aomy's POV
Ilang araw narin ang nakalipas matapos ang tagpong iyon kung saan ang awkward ng pakiramdam ko sa pagitan naming dalawa ni Tinay ,hindi ko kase maipagkakaila na naging masaya ako noong araw na iyon ,dahil naging maayos na ang lahat sa pagitan naming dalawa ..Nakahingi na kase ako ng tawad sakanya ,nakapagpaliwanag nako at naunawaan nya naman ako sa bagay na iyon ,kaya naman napakagaan ng pakiramdam ko ngayon kase wala nakong iniisip na tensyon sa pagitan naming dalawa ..
Napagpasyahan din kase naming maging magkaibigang muli at kalimutaj nalang ang mga hindi magagandang nangyari noon ,.Pero sa kabilang banda ay hindi ko parin maiwasang isipin ang tungkol samin ng kapatid ko ,..Hindi parin kase kami nagkakausap eh ,kaya naman nakakaramdam parin ako ng kalungkutan dahil pakiramdam ko ay sarado parin ang puso nya para sakin ,siguro nga mahabang panahon pa ang hihintayin ko bago nya ako matanggap ..
Samantala ,ilang araw pa ulet ang lumipas at sumabak na nga ulet ako sa pag arte ,nag umpisa muna ito sa mga guesting ko sa mga true story na may temang heavy drama ,naging guest din ako sa ilang mga show at kung anu ano pa ..Hanggang sa dumating nga ang araw kung kailan muli akong ipinatawag ng management para sa offer nilang show kung saan magbabalik tambalan kami ni Tinay ..
Sa totoo lang excited narin ako para doon eh ,well wala pa kase akong idea kung ano ang magiging takbo ng story ,hindi kase nila ito sinabi samin para mas exciting daw ang dating kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng kaba noong time na iyon ,.Pakiramdam ko para bang baguhan lamang ako sa mundo ng showbiz tapos may makakaeksena akong mga bigating artista ..haayy ganoon pala ang pakiramdam kapag matagal kanang hindi umaarte ,tapos sa isang iglap bigla kana lamang ulet mapapasabak dito ..
Kaya naman ibayong paghahanda din ang ginawa ko ,syempre ayaw koring mapahiya ..Kaya naman muli akong sumabak sa acting workshop,kailangan ko kase yun lalo pa at matagal din akong hindi gumawa ng mga tv shows at pelikula ,.Natigil kase ako sa paghohost ng isang traveled show sa amerika ,.well may pagkakataon na namimiss ko paring magtravel pero napag isip isip ko kase na mas mahal ko parin ang pag acting ..
Noong nasa amerika ako oo aaminin ko nag eenjoy ako sa paghohost ko ,naging masaya nga ako sa ginagawa ko eh ,kung saan saan kase ako nakakarating at kung ano anong mga bagay ang natutuklasan ko,pero at the end of the day ay may mga pagkakataong hinahanap ko parin talaga ang pag arte. .Siguro ganoon talaga iyon ,minsan ang tao hindi talaga marunong makuntento ,minsan kung ano ang gusto mo at ang pangarap mo ay hindi parin pala talaga ito ang tunay na makapagpapasaya sayo ,.Kasi meron at merong kulang ..kahit pa akala mo abot kamay muna lahat pero hindi ka parin pala masaya ..
Kagaya nga ng sabi ko ay andito nako ulet ngayon sa opisina ni direk Dom ,dito daw kase namin pag uusapan iyong tungkol sa project ..gusto kase nya na maging aware muna kami sa magiging takbo ng story bago ito isapubliko kahit na alam na ng media at ilang mga taga hanga na muli kaming magtatambal .Kaya nga kamakailan lang ay pinag usapan sa social media ang tungkol noon at ginamitan nga nila ito ng hashtag TIAOM FOR REAL ,kaya nga sa bagay na iyon ay lihim akong napapangiti ,kinikilig at natutuwa dahil pala kahit paano ay may mga natitira paring mga taga hanga na nag aabang sa balik tambalan namin ..
Nang naglalakad nako sa hallway papunta sa office ni direk Dom ay nakasabay ko si Tinay ,.Sa mga oras na ito ay tila lalo syang gumanda sa aking paningin kahit simpleng blouse at fitted jeans lang naman ang suot nya ay umangat parin ang ganda nya. .Isa kase iyon. sa nagustuhan ko sakanya noon ,dahil napakasimple nya lang ,hindi kagaya ng iba na sobra kung manamit ..
BINABASA MO ANG
MAID for Each Other ( A Lesbian Story )
Romantikhello readers ,..another TIAOM story po ito kaya sana ay magustuhan nyo ,.. well bukod sa may nagrequest kase na gumawa ulet ako nang story na sila ang bida ay naging adik din sa kanila ang number one supporter ko ,kaya naman para sa kanya at sa i...