Prologue

19.3K 370 26
                                    

Napahikab ang dalaga na si Elica sa paraan ng pagtuturo ng boring nilang teacher sa Math na trying hard sa pag eenglish pero wrong grammar naman.

"Hay naku ma'am! Magtagalog ka nalang pinahihirapan mo lang ang sarili mo!" Naiinis na sabi niya sa utak niya na gusto niya ng iparating sa teacher nilang patuloy lng sa pagtuturo sa harapan.

"So class,this photo in you're front can serve as you're reviewing so take copy of this. Your now dismissal!" Sambit ng nagmamagaling nilang teacher na ikinatawa nilang lahat..ahh hindi! Lahat nagpipigil ng tawa ng tumalikod na ang kanilang guro.

"Hindi ko alam kung bakit nakapasa yang si Maam bilang teacher eh? Kaloka si Ma'am!" Napatingin si Elica sa kaibigan niyang si Kirsten dahil sa sinabi nito.

"Sus! If I know ginamit niya lang ang ganda niya kaya nakapasa siya pero...magaling naman si Ma'am eh!" At nagkatinginan silang dalawa.

"WRONG GRAMMAR NGA LANG!" Sabay na sabi nila at sabay ding tumawa ng malakas.

Lumipas ang oras at dumating na ang second teacher nila.

"Hays! Boring nanaman!" Bulong ni Elica na siya lamang ang nakarinig at kinuha ang cellphone sa bulsa ng kanyang palda at kumuha ng libro.

Pasimple niyang binuklat ang libro niya at itinayo ito sa kaniyang desk saka niya mabilisang nilagay ang cellphone niya sa loob ng mga libro niya.

Kunwari ay nagbabasa ito ng libro pero ang totoo ay pagbabasa ng isang wattpad story ang ginagawa niya.

At dahil siya ay nasa pinakadulo walang sinumang nakakita sakaniya. Nang biglang...

"HAHAHAHAHAHA!" Malakas na pagtawa ni Elica at napunta ang atensyon ng lahat sakanya pati narin ang kanilang guro na abalang abala sa pagtuturo sa harapan.

"Anong nakakatawa Miss Herrera? Maari mo bang ibahagi sa amin nang sa gayon ay baka kami'y matawa rin?" Mahinahon pero Ma-awtoridad na sambit ng kanilang History Teacher na si Mr.Carpio

Patuloy lang sa paghagalpak ang dalaga na para bang hindi niya naririnig ang sinasabi ng kanilang guro.

Lumapit sa kaniya si Mr Carpio at kinuha ang libro nito na ikinalaglag naman ng cellphone ni Shania.

Nagulantang si Elica at di niya na mabilang kung ilang lunok ang kanyang nagawa sa harapan ng kaniyang guro.

"Jusme! Para naman akong kriminal nito na pumatay ng sampung baboy,tatlong aso at dalawang pusa kung makatingin ang lahat ng madla sa akin" Sabi niya sa isip niya.

"Ahh! Wattpad pala ha? Sige maaari ka ng lumabas ng klase ko Miss Herrera!"

Agad namang tumayo si Elica at niligpit ang mga gamit niya.

"Edi lumabas! Mabuti nga yon eh makakapagwattpad pa ako. Di siya kawalan psh!" She murmured

"Yan kase wattpad pa ang nais mo ha?" Pang aasar ni kirsten na sinamaan niya lang ng tingin.

"Pakibilis Miss Herrera nang makapagsimula n kami"

"Opo sir! Salute" Sarkastikong sagot ni Elica at lalabas na sana nang magsalita muli ang guro nila.

"Uh no! Dumiretso ka sa section Hope" What the?

'Hope? Section Hope? Nandun yung crush ko ehh,pero teka?..' Sa isip niya.

"Pero Senior--"

"Wala. Akong. Pake. Go out or else"

"Oo na po eto na"

A/N: New strory again! Hope you'll like it.

My Senior Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon