4th Chapter

6.5K 212 1
                                    

Chapter 4

Eli Daniel POV (Elica's Brother)

Takang taka ako kanina nang biglang bumaba ang kapatid ko papuntang CR eh may CR naman siya sa kwarto niya.

Nagulat pa ako ng wala siyang suot na bra taena! Kasama ko ang buong basketball team dahil nagmeeting muna kami bago pumunta sa school may practice kasi kami ngayon at ako ang captain takte.

Bwiset na bwiset talaga ako pag naalala ko ung kanina.

"Sexy pala ng kapatid mo brad hahaha" Sambit ni Brian.

Tangna naman kasi! Pati ako nammroblema sa ginawa ng kapatid ko eh malilibog pa naman tong mga to.

Magsasalita na sana ako ng magsalita bigla si Red.

"Tumigil ka nga dyan Delos Reyes. Mahiya ka naman kay Daniel!" Bakas din sa mukha niya ang pagka inis. Teka nga bat ba siya naiiinis eh ako ang kuya dito.

Bago ko pa sila masermonan ay dumating na si mama galing kusina.

"Magsikain na muna kayo. Nak tawagin mo na ang kapatid mo sa taas" Tinaguan ko lng siya at umakyat na sa taas saka tinawag ung kapatid kong engot.

Naiinis ako hindi dahil sa bumaba siyang walang suot na ano kundi dahil sa mga malilibog kong tropa tangna!

Magmula kasi ng mawala si papa ako na ang tumayong padre de pamilya dito sa bahay namin kaya talagang sinisugurado kong safe ang kapatid ko.

Lalo na sa mga gunggong na kaibigan ko.

"Eli ang tagal naman ng kapatid mo" Bumalik ako sa diwa ko ng tawagin ako ni mama taragis! Sabi ko wag eli eh

Tinignan ko ang buong team na makakasama namin ngayon sa hapag at lahat sila nagpipigil ng tawa maliban kay Red kaya sinamaan ko sila ng tingin.

Tumikhim muna ako bago tumayo "Tatawagin ko lng po si Jane.

Elica POV

"Ayokong bumaba kirstennn pasabi may sakit ak--"

"Ano yun? Sinong may sakit? Wala bumaba ka don" Ma-awtoridad na sabi ni kuya.

Bat nandto nanaman siya hayss!

"Kuya namannn!"

"Baba muna ako beshy!" Sabi ni Kirsten at lumabas ng kwarto ko.

Lumapit siya sa akin at agad agad akong kinutusan.

"Aray kuyaaa! Hilig mong manakit!" Brutal masyado eh?

"Alam mo ba kung anong mga pinaggagawa mo ha?"

"Oo...ansakit!"

"Oo? Eh bat ka bumaba ng walang suot na--"

"Yaaaaa! Oo na kuya eh ihing ihi na ako eh!"

"Ayan yung CR oh!"

Napatungo nalng ako di talaga ako mananalo sa kapatid kong to eh.

"Tignan mo! Sa susunod ha! Last mo na to Elica Jane! Ayokong mauulit pa to! Kakakausap ko lng sayo kagabi ha umayos ka!"

"Opo kuya" Sarcastic tone.

"Umayos ka ELICA!" Paktay galit na naman.

"Bumaba na kayooo kakakain na kanina pa naghihintay ang pagkain..." Now I know alam ko na kung saan nagmana si kuya haha

My Senior Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon