56th Chapter

3.1K 69 6
                                    

Chapter 56

• ELICA POINT OF VIEW •

WALA pang pitong minuto ay dumating narin si Red. Tumayo ako at saka siya sinalubong. Agad niya naman akong dinampian ng halik sa mga labi ko. Adik talaga eh tss. Hinawakan ko ang kamay niya saka siya hinila papunta doon sa inuupuan namin dito sa Garden.

"Anong meron?" Tanong niya agad saakin. Nagkibit balikat ako dahil di ko rin naman alam kung anong meron lmao.

Nang makaupo na kami ay patuloy parin silang apat sa pagkkwentuhan habang si Red naman ay tahimik na pinagmamasdan ang kambal.

"Huy." Bulong ko saka siya tinulak ng konti gamit ang mga braso ko. Napatingin naman siya saakin.

"Why?" Tanong niya.

"Seryoso mo ah." Sagot ko.

"Seryoso naman ako lagi,pagdating sayo." Saka ako kinindatan. Jusme! Ano ba yan Red. Ang puso ko! Ohmy!

"Ewan ko sayo! Di mo ko madadaan sa mga paganyan ganyan mo tss!" Masungit na sabi ko sakaniya saka kinuha ang chips na nasa harapan namin. "Penge ah." Saad ko na tinanguan naman nila.

"Tch." Narinig kong bulong ni Red. Nang tingnan ko siya ay kulang nalang masugatan ako sa talim ng mga tingin niya saakin. May kinuha siya sa bulsa niya. Panyo. Anong gagawin ko sa panyo?

Inilagay niya yun sa mga lap ko saka ako muling tinignan ng masama.

"Too short tch." Bulong niya habang hindi inaalis ang mga tingin saakin.

"Wala namang short na mahaba,kaya nga short ang tawag diyan eh tss!" Bulong ko rin sakaniya habang ngumunguya at nakikipagtagisan ng tingin sakaniya.

Hinawakan niya ako sa kamay at akmang tatayo na sana nang pigilan ko siya.

"Where are you going?" I asked.

"Change your shorts. Mag pajama ka or jeans tch." Saad niya. "Masyadong revealing,buti sana kung tayo tayo lang ang nandito. Kung di pa ako dumating wala pang magtatakip niyang mga hita mo tch." Rinig kong bulong niya. Hello? Ang lakas kaya duh!

"Arte mo naman,ano namang masama sa shorts? Sa beach nga mga naka panty at bra lang tss! Mahaba pa nga itong shorts na suot ko eh aish." Pasigaw na bulong ko sakaniya. Totoo naman eh aish! Nababaliw na ko sa lalakeng to.

"Love,listen to me please." Maamong sabi niya. Hays! Ano pa nga bang magagawa ko? Eh mapilit eh.

"Wait lang guys,magpapalit lang ako." Sambit ko sakanila saka tumayo.

"Why? Maayos naman ang suot mo beshy ah?" Tanong ni Kirsten.

"Maiiksi daw eh psh." Sagot ko sakaniya saka tinuro si Red.

"Ayiiee! Sweet naman!" Tukso saamin ni Kirsten.

"Tse! Sige na,bihis muna ko babalik din kami." Nakangiting sabi ko sakanila at hinila na si Red.

"Arte arte kasi aish." Bulong ko kaya napatingin saakin si Red. Ngumisi siya saka nagsalita.

"May sinasabi ka?" Tanong niya.

"WALA!" Sigaw ko saka siya binitawan at naunang pumanik sa taas. Habang nakasunod siya saakin.

Pumasok na ko sa kwarto ko pero tumigil siya sa labas.

"Dito nalang ako,hintayin kita." Sambit niya. Wow! Gentleman si kyah!

"Sige na pumasok kana choosy pa eh. Sa banyo nalang ako magbibihis" sambit ko sakaniya. Aayaw pa sana siya pero wala narin siyang nagawa kaya pumasok na kami pareho.

My Senior Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon