75th Chapter

2.6K 65 15
                                    

Chapter 75

• ELICA POINT OF VIEW •

TAHIMIK ko lang na pinagmamasdan ang mga pagkaing hinanda ko para dalhin sa condo ni Red. Wala namang okasyon,wala lang gusto ko lang siyang puntahan.

3 months had passed,at maraming nagbago saaming dalawa. Lalo na ang pakikitungo niya saakin. I really don't know why he's acting like that. As far as I remember wala naman akong naaalalang may ginawa ako na hindi niya gustuhan. After ng anniversary namin ayos naman kami,sweet pa nga siya eh. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit simula nang umuwi na kami sa kaniya kaniyang tahanan namin ay bigla bigla parang naging cold na siya saakin.

Sa tuwing tumatawag ako sakaniya ay ramdam kong walang emosyon ang mga boses niya. Lagi niya ring kinakatuwiran saakin na busy siya sa mga thesis na pinapagawa sakaniya ng mga prof niya. Alam ko naman yun eh,at kahit ako busy rin pero Im still trying to call him,to talk to him pero parang ayaw niya naman. At kaya rin gusto ko siyang puntahan ngayon dahil gusto ko siyang kausapin kung ano na ba talaga ang status namin kung kami pa ba o wala na. Kasi hindi ko na ramdam eh..

Hay! Wag kang iiyak Elica! Para kang tanga! Aish!

Napatingin ako sa phone ko nang biglang tumunog yun,I checked it only to know that it was kirsten. Kinuha ko yun at tinapat sa tenga ko.

"Yes,hello?" Ani ko.

"Hello beshy? Can I come at your place?" Saad nito. Oh I forgot to tell you that I already have a condo and car actually. Iniregalo saakin ni Mama ang sasakyan na gusto ko, Top-down car. Yun ung pwede mong maibaba yung bubong ng kotse at pwede din na maibalik ito sa dati like normal car with roof.

Yung condo ko naman ay iniregalo saakin ni Kuya sa kadahilanang ayaw niya na daw akong makita dahil napakapanget ko daw psh! Baka siya ang panget duh -_-

"Uh,I dont think so kasi aalis din ako. Im going at Red's place din kasi..maybe next time nalang. Is it okay with you?" Nagpakawala siya ng isang buntong hininga sa kabilang linya, gawain niya yan tuwing nagtatampo eh. "Im sorry beshy,some other time nalang,babawi ako okay? As long as I want too but I can't. I need to talk to red din kasi about our status—"

"ANO?! BAKIT ANONG GINAWA SAYO NI RED?! TELL ME GEGERAHIN KO NA TALAGA NAM—"

"What the heck?! Can you minimize your voice nakakabingi ka,nahahawa kana rin sa virus ni Kuya aish! Huwag ka ngang oa pwede? Sige na. I'll call you later pag pauwi na ko. Babalitaan kita kung papupuntahin kita dito. Bye,I'll hang up love you!!" Then I ended the call.

Nakakaloka,nasobrahan sa pagiging OA to si Kirsten eh aish!

Nang makita kong naayos ko na ang lahat ng mga dadalhin ko ay agad na kong lumabas ng unit ko,ikinagulat ko pa nang bumukas din ang katabi kong room sa may right side. I was about to walk nang bigla akong tawagin nung nasa katabi kong room.

"Eca?" Binalik ko ang tingin sakaniya at nakita ko si Franco na gulo gulo pa ang buhok at mukhang kagigising lang. Hindi mo talaga maitatanggi na may magandang itsura din ang isang ito.

"Oh Franco,hi. D-Dito ka rin pala sa Greentown nakahanap ng condo. What a coincidence.." namamanghang saad ko.

"Oo nga eh at magkatabi pa tayo." Ngiting sabi niya saakin. "I was going to the fast food chain sa harap nitong building. Tinatamad akong magluto kaya naisip ko na kumain nalang sa labas,and good thing nakita kita,so pwede ka ba maaya magbreakfast?" Nakangiting sabi niya ulit. No wonder na mabait din talaga si Franco,napakaswerte siguro nang magiging girlfriend niya.

Aish! Bat ba kanina ko pa siya pinupuri?

"Uhm,sorry franco but I'll need to go at Red's place right now. Pasensya na. Next time nalang siguro." Saka alanganing ngumiti sakaniya. Naka smile parin siya pero nahalata kong parang lumungkot bigla ang mga mata niya unlike kanina.

"No it's okay,I understand. Sige na baka hinahanap kana ng boyfriend mo." He said. I waved my hand to him as saying goodbye. Nilampasan ko narin siya at nagsimula nang maglakad.

🔗🔗🔗

I WAS ABOUT to knock at Red's unit nang maalala kong alam ko na nga pala ang password ng unit niya so I pressed the number of his password and there bumukas na ang pinto pinihit ko ang doorknob saka pumasok.

Bukas ang tv kaya dahan dahan akong naglakad papasok nang maisara ko yun ay nakita kong wala namang tao sa sala,pero bukas ang tv niya? Ang lalakeng yun talaga masyadong burara eh aish!

Sinilip ko ang dalawang cr na narito pero wala naman siya doon. Nilapag ko muna yung pagkaing hinanda ko sa mesa saka tinungo ang kwarto niya dito sa unit. Dahan dahan ko yong pinihit at labis na lamang na nag-init ang mga dugo ko nang makita siya...at ang ex niyang haliparot na magkapatong sa kama na naghahalikan.

Ang kapal talaga ng mukha! Talagang dito pa sila naglandian? Di pa yata nila ako napapansin kaya lumapit na ako at hinila ang buhok ni Athena kaya naalis siya ngayon sa ibabaw ni Red.

"A-Ahh! Ouch! Bi-Bitawan mo ako! Ano ba nasasak—"

"Nasasaktan?! Boba! Mas masakit ang nararamdaman ko ngayon nang makita kayong naghahalikan! Gaga!" Puno nang hinanakit ang boses ko atsaka binitawan nang patulak ang buhok niya kaya tumama siya kay Red at agad naman syang nasalo nito. Nagtinginan pa silang dalawa. Lakas ng loob kyah? Nandito ako oh! Girlfriend mo!

"What the heck is your problem Elica?!" Sigaw nito.

"Huh?! My problem? Really huh?! Then I'll ask you the same question. What the heck is your problem?! Kaya ba nagiging ganyan kana saakin ha? Kasi—Kasi mahal mo parin yang ex mo." Pinipigilan kong wag umiyak sa harap niya,mataas na kung mataas ang pride ko pero wala akong pakealam.

"Oo tama ka,mahal ko parin siya. Narealize ko lang yun 2 months after na hindi pala talaga ikaw ang mahal ko. Im a playboy,a literally playboy. And no one can change me. Only Athena is the one I love,and the only one in my heart. At ikaw? Isa ka lang sa mga—" hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya saka siya sinampal ng malakas sa mga pisngi niya.

"Damn you! Napakawalang kwenta mong lalake! Walang hiya ka! Dapat hind—"

"A-Aray!" Narinig kong daing ni Athena habang sapo sapo ang tiyan niya kaya napatigil ako sa pagsasalita at napatitig sa maumbok niyang tyan.

"Fvck! What happened to our baby?!" Nag aalalang tanong ni Red sakaniya at saka siya hinila paupo sa couch.

"What happened to our baby?!"
"What happened to our baby?!"
"What happened to our baby?!"
"What happened to our baby?!"
"What happened to our baby?!"

Baby? W-What's going on?!

"A-Anong b-baby?" Kunot noo kong tanong sakanilang dalawa saka tinitigan ng masama si Athena. "B-Buntis ka?!" No,this can't be happen! Hindi siya buntis diba? At kung buntis man sya walang kinalaman si Red don diba?!

"Yes! Im 2 months pregnant,and Red was the father of my child."

Saad niya na dahilan nang pagtulo nang mga luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo. B-Bakit? P-Paano nangyayari to?

Is this a dream?! Kung panaginip nga lang to,please...please wake me up on this bad dream....

———————
A/N: Im crying while typing this huhu and a bit nervous too kasi malapit na talaga siyang matapos sooo,read it for you to know what would happen..please wag nyo ko awayin huehue yan ang nasa isip ko eh,sorry huhu. Enjoy reading iloveyah all <3

My Senior Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon