68th Chapter

2.3K 91 2
                                    

Chapter 68

• RED POINT OF VIEW •

Tumayo na ako at nagpaalam muna sa mga kaibigan ko,mas gusto ko pang maglangoy mag isa kaysa makita ung girlfriend ko na ineentertain ang kung sino.

Kanina pa ko nabbwiset. Di lang niya alam,kanina ko pa sila nakikita sa peripheral view ko na masayang nagkkwentuhan sa isat isa. Di man lang siya nagpaalam saakin na ipapagalaw niya kay Franco ang buhok niya. Bullshit!

Binibiro ko lang naman siya kanina na hindi ako marunong magtirintas tch! Marunong din naman ako,dahil dati nung magbestfriends pa kami ni Athena,ako lagi ang nagtitirintas ng buhok niya.

Nung una hindi rin ako marunong pero habang tumatagal ay natutunan ko narin naman.

"Where 'you going?" Tangkang maglalakad na sana ako palayo sakanila ng marinig ang girlfriend kong nagsalita. I thought she was busy..busy with Franco tch!

"Swimming." Simpleng sagot ko saka ngumiti ng mapakla at tumalikod na sakanila. Lumalayo na ang paglalakad ko pero wala na akong ibang narinig na salita galing sakaniya.

Tch! Di man lang ba niya ako pipigilan? Bahala siya! Magsswimming nalang akong mag isa tch!

• ELICA POINT OF VIEW •

Magsswimming daw siya at hindi man lang ako inaya? Tss! Nakakainis! Binibigyan ko na nga siya ng time na makipagbonding sa mga friends niya eh saka alam ko namang namimiss niya naring makisalamuha sa mga barkada niya that's why Im giving him time for his friends..

Hays! What would I do now? Samahan ko kaya magswimming? Kaso wag nalang pala,baka dedmahin lang ako non at hindi pansinin.

"Hey Elica? Look,kanina pa ko salita ng salita dito pero parang wala naman akong kausap aish!" Narinig kong saad ni Franco kaya napatingin ako sakaniya pero binalik niya rin ang ulo ko,nakalimutan kong tinitirintas nga pala niya ang buhok ko. "Huwag ka magulo,malapit na tong matapos." Saad niya pa. Tumungo naman ako saka pinaglaruan ang mga kamay ko.

"Sorry,may iniisip lang." saad ko sakaniya. Gusto ko magpakasaya ngayong araw dahil ito ang second day namin dito. Kaso mukhang nagtatampo si Red,hindi ako manhid para hindi maramdaman yon. Kilos niya palang ay ramdam ko na may namumuong kaunting galit at tampo sa dibdib niya.

Siguro dahil kasama ko si Franco,pero wala naman akong nakikitang masama doon. Besides magkakaibigan naman na kami lahat dito.

"Yan tapos na." Kasabay nang pagsambit ni Franco na tapos na siya ay biglang tumakbo papalapit dito saamin sila Ruther at Andrew na tila hingal na hingal na sa pagtatakbo.

Binawi muna nila ang mga hininga nila atsaka nagsimulang magsalita.

"Si Red.." Hinihingal na sabi ni Ruther habang nakaturo sa bandang dagat. Napakunot ako ng mga noo ko. "Nalulunod!" Biglang sabat naman ni Andrew kaya agad agad ay napatayo ako at tumakbo papuntang dagat.

Nakasalubong ko si Kuya na bitbit bitbit si Red. Tinuro ko ang buhangin na para bang sinasabi na ilapag na muna siya doon. Agad naman yong sinunod ni Kuya at nang mailapag niya ito ay agad akong lumuhod sa gilid ni Red saka pinump ang dibdib niya pero wala paring lumalabas na tubig sa mga bibig niya.

So I decided na I-mouth to mouth siya. Nang isagawa ko yun ay wala paring nangyayari kaya nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko. Nakapaligid lang saamin ang mga kaibigan namin dito.

Inulit ko nang tatlong beses ang pagmmouth to mouth sakaniya pero wala paring nangyayari,pinulsuhan ko siya. Tumitibok pa naman ang pulso niya kaya ang sunod ko namang ginawa ay pinump ko ulit ang mga dibdib niya. Pero wala parin. Napatingin ako kay Shine na para bang humihingi ng tulong.

Nurse ang kurso niya kaya alam kong may alam siya doon,tinulungan niya ako kay Red at nang immouth to mouth na ay siniko na niya ang braso ko kaya naman sinunod ko ang sinabi niya. Tumutulo na ang luha ko at hindi ko na alam ang gagawin.

Dapat pala sinamahan ko siya kanina magswimming para hindi to nangyayari ngayon,sana hindi ko siya hinayaang lumangoy mag isa. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sakaniya.

Kumunot ang mga noo ko nang bigla siyang tumugon nang gawin ko ang pagmmouth to mouth sakaniya. A-Akala ko ba nalunod siya at nakainom ng tubig mula sa dagat? P-Paanong nangyaring tumutugon siya..

Napadilat ako nang mga mata ko at nanlaki lalo ang mga mata ko nang makita kong nakadilat na siya. What the heck is happening right now?! The next thing I knew is he's laughing while looking at me.

What the hell is going on?!

Pinaghahampas ko siya sa mga dibdib niya habang patuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko. So ano yon? Joke time lang? Joke joke lang?! Pakshet! Hindi nakakatawa!

"Ano bang problema mo ha?! Hindi kana nakakatuwa!" Pahikbi hikbing sabi ko. "Bwiset ka! Hihiwalayan talaga kita makikita mo!" Biglang nanlaki ang mga mata niya at hinawakan ang kamay ko saka siya umupo kaya magkapantay na kami ngayon.

"What?! No! Sorry okay,sorry talaga I'—" pinaghahampas ko ulit siya at pinagtatatadtad ng mga mura. Akala niya ba nakakatuwa ang ginawa niya? Halos mamatay matay ako kung ano ang gagawin para lang magising siya tapos sorry?! Sorry lang ang matatanggap ko? Bwiset siya!

Tumayo na ako at naglakad papalayo sakaniya. Bwiset siya! Nakita ko sa peripheral view ko na nakasunod saakin si Kirsten. Nang maabutan niya ako ay agad niya akong hinawakan sa braso.

"Beshy..okay ka lang ba?" Tanong niya saakin at nagkibit balikat lang ako.

"Sinong magiging okay don? Akala ko talaga ay nalunod siya tapos un pala ay nagloloko lang siya? Bwiset! Nag aalala ako samantalang siya..hays!" Sunod sunod na sabi ko saka tinignan si Kirsten. Parang worried din siya sa nangyari saamin. Halatang nag aalala siya para saakin At nakikita ko un sa mga mata niya.

"Baka may reason naman siya doon beshy,talk to him. The best thing that you can do is to talk to him. Okay? You dont need to be mad. Everything happens for a reason ika nga nila,kaya wag kang magtanim ng galit kay Red. Isa pa 3rd Anniversary niyo na bukas,hindi naman magandang icecelebrate nyo ang Anniversary nyo tapos magkagalit kayo hindi ba? Talk to him,know his reason. It's okay, pagsubok lang yan at kayang kaya niyo yang lagpasan. Ngayon ka pa ba susuko? Kung kailan magtthree years na kayong dalawa? Huwag mong sayangin ang pagkakataon Elica,Im here for you as your bestfriend. Payong kaibigan lang,wag nyo nang papakawalan pa ang isat isa. Hindi dahil sa may nagawa siyang mali ay makikipaghiwalay kana. Think of it first..he loves you okay." And then she kissed me at my right cheek then left me dumbfounded.

Im very lucky to have her as my bestfriend,I guess she's right. Hindi dapat ako nagpapadalos dalos sa mga desisyon ko. Dapat ko yong pag isipan.

Napatungo ako at nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko. Ano nang gagawin ko ngayon?

——
A/N: VOTE BEFORE COMMENT POLICY TAYO. Kasi ang dami ngang nagccomment pero di naman nagvvote,nakakasad huhu. Charot,so yun lang. Please,Please,Please..cooperate po. 😊

My Senior Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon