Chapter 53
• RED POINT OF VIEW •
NAGLAKAD na ako palabas ng mansyon para sana puntahan si Elica sakanila nang makasalubong ko si Renzo na seryosong papasok ng bahay.
"Hey,san punta mo?" Tanong niya saka tumigil sandali sa harap ko sukbit ang bag niya sa balikat.
"Sa Girlfriend ko,misunderstood eh." Simpleng sagot ko na tinanguan niya lang saka siya pumasok sa loob.
"Goodluck!" Sigaw niya pa nang tuluyan na siyang makapasok sa loob. Binuksan ko ang sasakyan ko saka pumasok sa loob. Inistart ko ang makena saka pinaandar ang kotse ko.
Nagtext saakin si Daniel kanina na masama daw ang pakiramdam ni Elica kaya napag isip isip ko na bumili muna ng soup para sakaniya. Dadaan nalang muna ko sa malapit na resto sakanila.
💎💎💎
BINUKSAN ko ang pinto ng kwarto ni Elica at naabutan ko siyang natutulog sa kama niya. Lumapit ako sakaniya at doon ko nakita ang mala anghel niyang mukha. Napansin ko din ang mga luha sa mga mata niya. Pinunasan ko yun gamit ang mga kamay ko saka umupo sa tabi niya.
Kumilos siya ng konti saka dumilat. Nagulat pa ata siya nang makita ako. Nginitian ko naman siya at napakunot ang mga noo niya.
"What are you doing here? Galit ka diba? Bat ka nandito?" Papungas pungas na sabi niya habang kinukusot ang mga mata niya saka siya umupo at magkapantay na kami ngayon.
"Masama bang dalawin ang girlfriend ko?" Saad ko dahilan ng pag irap ng mga mata niya.
"Girlfriend daw tss! Girlfriend his ass!" Narinig kong bulong niya saka tumingin sa ibang direksyon.
"Why? Im your boyfriend and you're my girlfriend baka nakakalimutan mo tch!" Tumingin naman siya saakin saka ulit ako inirapan.
"Boyfriend? Talaga ba? May boyfriend pala ako,di ko kasi ramdam eh." Sambit niya habang humihikbi..fvck! Is she crying? Nakita ko ang pagpunas niya ng mga mata niya at saka siya tumingin saakin.
Her eyes was red. Umiyak nga siya. Magsasalita pa sana ako pero naunahan niya ako.
"Bakit ka ba nandito ha? Nagpapahinga ako tapos pag gising ko makikita nanaman kita." At tumulo ulit ang mga luha niya. "Bakit di mo puntahan yung ex mo. Mas inuna mo pa siya kaysa saakin na girlfriend mo. Di mo man lang inisip kung ano ba talaga yung nangyari. Mas pinaniwalaan mo pa siya?! Ano? Siya na ba ang bago mong girlfriend ha? Nagkabalikan na ba kayo? Ha?!" Sunod sunod na sabi niya habang pahikbi hikbi.
Fvck! I didn't know. I want to punch myself for hurting her. Oo nasigawan ko siya kanina. Pero hindi ko yun sinasadya. Nabigla lang din ako.
"Look,Im sorry okay. Hindi ko lang kasi matanggap na magagawa mo ang mga bagay na yon kay Athena. Oo ex ko siya pero kailanman hindi ko siya minahal. Siguro mahal ko siya oo pero hanggang kaibigan lang yon. Believe me Elica. You're my first love. Ikaw lang ang unang babaeng minahal ko." Seryosong sabi ko sakaniya habang hawak hawak ang dalawang kamay niya.
Agad siyang bumitaw doon saka muling umiwas ng tingin.
"Ayokong tingnan ka,dahil baka pag nakita ko ang mukha mo mapatawad kita agad. Not every 'sorry' deserves an 'it's okay' in return. Kaya wag kang pakasiguro dyan na papatawarin kita agad agad. Isa pa wala akong ginawa sa Ex mo o sa kaibigan mo. Oo nagkasagutan kami pero wala akong balak saktan siya physically. Magsama kayong dalawa! Punyeta." Sambit niya habang nakatingin sa bintana.
Tumayo siya kaya napatingin ako sakaniya.
"Cr lang ako." Saad niya saka pumasok sa cr ng kwarto niya. Nang makalabas siya ng cr ay sinamaan niya lang ako ng tingin saka bumalik sa kama niya.
BINABASA MO ANG
My Senior Crush (COMPLETED)
Teen FictionIn a simple flash of your camera,will you be that 'extra ready' if he notices you? What if that case happens? So let the story begin... My Senior Crush All Rights Reserved. Copyright (c) 2017 Started: (I really forgot) RANK ⭐️ #42 in TEEN FICTION