46th Chapter

3.4K 85 6
                                    

CHAPTER 46

• ELICA POINT OF VIEW •

AUGUST 14 2017

"Can you be my girlfriend Elica Jane Herrera?"

I was stunned. Im not expecting this,buong akala ko nga ay galit parin siya sakin pero wala din naman syang karapatang magalit eh,ako nga dapat magalit dahil may babae siyang tinatago tss! I still dont know the whole story pero diba nakakainis lang isipin na meron siyang nililigawan tas may babae pa siya. Syempre sa part ko may inis at galit especially selos ang mga naramdaman ko nung makita ko sila.

Hindi pa nga nagiging kami may babae na agad pano pa kaya in future na kami na diba? Hays! Pero nagsorry narin siya kanina which is di ko alam na marunong palang magsorry ang isang red na yan. Ang sungit sungit kaya nyan,nito lang naman yan naging mabait sa akin psh!

"Hey? Nakakangalay na,ikaw kaya dito hays! Whats your answer?" Tanong niya. Bahala siya dyan,sino ba may sabing lumuhod siya sa harap ng maraming tao diba.

Konsensya: Wow Elica ha? Ikaw na nga tong sinusuyo at nililigawan ikaw pa tong may ganang mag inarte dyan tss!

Hay! Ano ka ba namang konsensya ka bat ka ba nanggugulo sa isip ko,naguguluhan na nga ako eh.

Tumingin naman ako kay kuya na nagtatanong at agad naman siyang tumango,tinignan ko rin si beshy at ngiting ngiti din siyang tumango.

"Y-Yes,I-I can be your girlfriend" napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko nang bigla siyang tumayo at yakapin ako saka buhating pataas.

"Not knowing what it was
I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine"

"Yes! Yes! Sinagot na ako ni Elica! Girlfriend ko na siya!" Sigaw naman nito,at dahil doon ay napangiti na lamang ako saka binatukan siya ng mahina. "Aray naman! Ganyan mo ba iwelcome ang boyfriend mo at soon to be husband mo? Aish!" Sambit nito saka ako binaba.

Nagpalakpakan naman ang lahat ng mga tao dito ang iba nga ay naluha pa isa na don si kirsten. Cry baby talaga ang isang yon!

Napakabilis ng mga pangyayari,hindi ko alam na pwede palang mangyari ang mga ganitong bagay. Noong una ay pinapantasya ko lang siya,pasimpleng pinipicturan,pasimpleng tinititigan at lagi kong bukambibig pero ngayon? I cant still believe that My Senior Crush before was now my boyfriend and we're now officially couple.

Ganito pala ang feeling kapag sasagutin mo na yung taong nanliligaw sayo. Napakasaya lang sa pakiramdam. Yung feeling na napaka-unexpected ng mga nangyayari. Basta! Wish ko lang na sana ay maging perfect girlfriend ako for him,he's my first boyfriend kaya wala akong alam sa mga mag couples,should I research that later? Lol! Kidding at sana din maging perfect ang relasyon namin at wala ng humadlang pang kung ano o sino.

Nakangiting nakatingin sa akin si Red at parang hindi rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. I was about to speak pero naunahan niya ako at bahagyang hinawakan ang mga kamay ko kaya naman tumango nalang ako at hinintay syang magsalita.

"Ain't never felt this way
Can't get enough so stay with me
It's not like we got big plans
Let's drive around town holding hands
And you need to know
You're the only one, alright alright
And you need to know
That you keep me up all night, all night
Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad"

Napalitan nanaman ang music and now,Ilysb ang kanta.

"I still can believe that you're now my girlfriend. I promise...ah no! I can't promise to you that I'll be a good boyfriend for you,gagawin ko nalang. I love you!" nakangiting sabi niya sa akin. He's really sincere sa mga sinasabi niya. Ganito pala magmahal ang isang  Red Valmores.

"Yeah. Ako din hindi rin ako makapaniwala na gagawin mo ang mga ganitong bagay at ngayon tayo na. Hindi na kita sasabihan pa ng mahahabang messages dahil baka maiyak ka pa" at nagtawanan ang lahat ng mga tao na narito. Ganun din si red na napabulong lang ng "seriously?" Lol! "I love you too!" Dagdag ko pa at mukhang kinilig ang lahat.

"Ang bakla pakinggan pero kinikilig ako" He said and by that I pinched his nose.

Hindi ko inaasahan ang biglang paglapit ng mga mukha niya saakin. Is he going to kiss me? Napapikit na lamang ako ng mga mata at hinihintay na dumampi ang mga labi niya sa labi ko pero nakarinig ako ng sigaw kaya agad akong napadilat.

"Hoy Valmores ano yan? Sa lips agad aba! Ngayon palang kayo naging official na couple wag kang atat hays!" Naiinis na sigaw ni kuya. Hayy! Perks of having a protective brother.

Bumalik naman ang tingin sa akin ni red kaya napatingin din ako sa mga mata niya. Nagulat ako uli ng muli niyang ilapit ang mga mukha niya sa akin at ngayon nakatapat siya sa lips ko at konting galaw nalang ay mahahalikan niya na ako kaya muli akong napapikit pero walang labi na dumampi sa labi ko. Hindi ko na napansin na nahalikan niya na pala ako sa mga noo ko.

Bakit ganon? Parang nanghihinayang ako na hindi niya ako hinalikan sa lips. Parang gusto kong halikan niya ako. Ay! Ano ba yan Elica ang halay ng isip ah!

"That's it for now. Baka magalit pa ang kuya mo tch!" Sambit niya na ikinatawa ng lahat "Saka nalang kapag tayong dalawa nalang" bulong niya na ikinalaki ng mga mata ko kaya naitulak ko siya pero mahina lang.

"Red?!" Sigaw ko nang mahina sakaniya.

"Hahaha Just kidding love" nakatawang sambit niya.

"Love?" Tanong ko.

"Yeah! Love. From now on yan na ang tawagan natin sa isat isa" sagot niya na ikinangiti ko.

"Okay..L-Love" nakangiting sabi ko saka siya ikiniss sa cheek niya. Halata ang pagkagulat niya pero agad rin naman itong nakabawi.

• SOMEONE'S POV •

"Hindi ako papayag na kayo lang ang masaya. Nasa akin parin ang huling halakhak" bulong ko habang nakatingin sakanilang masayang nagyayakapan saka ako naglakad paalis at sumakay sa kotse ko.

For now lubos lubusin niyo nang happily and officially couple kayo pero in the near future sinisigurado kong mapaghihiwalay ko rin kayong dalawa Red and Elica.

My Senior Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon