43th Chapter

3.1K 87 3
                                    

CHAPTER 43

• ELICA POINT OF VIEW •

Hinihintay ko pa si Kirsten,sabi ko kasi sakaniya sabay kaming pumasok lalo na sa nangyari kahapon sa labas ng bahay namin.

Nakakainis naman kasi ung red na yun eh masyado eh,di ko pa nga siya sinasagot nakanakaw na agad ng halik. Argghh! Nabbwiset talaga ko tuwing naaalala ko ung mga nangyayari eh.

"Hey beshy! Lalim ng iniisip natin ah?" Bungad sakin ni kirsten pagkalapit na pagkalapit niya saakin,di ko man lang napansin na nandito na pala siya,masyado kasi akong nagiisip ng kung ano ano...hayy! Basta ayoko na ulit isipin un.

"Ah wala,tara na?" Sagot ko nalang sakaniya at naglakad na kami papasok ng school. Nandito kasi ako sa parking lot kasi nga nagpaiwan ako kay kuya dito nang makarating kami dahil sabi ko nga hihintayin ko pa si kirsten.

Nang makapasok kami ng room ay narinig ko ang hiyawan ng mga classmates namin. Bakit kaya sila naghihiyawan?

"A-Anong meron?" Tanong ko sakanila at nagsalita sila lahat,hindi ko maintindihan ang sinasabi nila dahil sabay sabay. Ang tanging narinig ko lang na mga sinasabi nila ay ang pangalan ko at pangalan namin ni red.

"Te-Teka nga muna! Pwede bang magsalita kayo isa isa hindi namin kayo maintindihan eh" bulalas naman ni kirsten sakanila at nang tumahimik sila ay binitawan ko na ang mga tenga ko saka taas noong nakatingin sakanila.

Meron namang babaeng tumayo at nagtititili muna bago nagsalita.

"Ahhh! Omg! Paano ko ba sasabihin to? Kasi elica ganto yan—"

"Hinahanap ka ni red at may ibibigay ata sayo! Itong si Jen ayaw pang diretsuhin si elica eh hays!" Sigaw naman ni rico. Pero ano ngang sabi niya? Hinahanap ako ni red? At may ibibigay pa? Ano naman kaya yun?

Siniksik ako ni kirsten na halatang kinikilig pero pinandilatan ko siya ng mata kaya naman agad siyang lumayo at umaktong parang walang nangyari.

"Bakit niya ko hinahanap? Saka anong..anong pinabibigay niya?" Nagtatakang tanong ko sila.

Nagkibit balikat lang ang mga ito at maya maya ay dumating narin ang guro kaya naman dali dali na kaming nagpunta sa kanya kanyang upuan namin.

Math ang subject na tinuturo ngayon ng teacher namin pero wala sakaniya ang atensyon ko. Naiisip ko parin kasi ung nangyari kahapon saka ung sinabi nung mga classmates ko.

"Miss Herrera,answer the algebra problem in front"

Bakit niya kaya ako hinahanap? Anong meron? Is it because of our kiss that happened? Hayy! Mababaliw ako kakaisip—

"MISS ELICA JANE HERRERA!" Naputol ang pag iisip ko nang tawagin ni maam ang buong pangalan ko kaya naman napatayo ako bigla at tumingin sakaniya. Pansin kong nakatingin na din lahat ng mga classmates ko sakin jusme!

"B-Bakit po maam?" Nauutal na tanong ko sakaniya.

"I said answer those problems!" Sigaw nanaman niya.

"Kailangan po ba talaga? Eh problema po ng iba yan bakit po ako ang sasagot—" bulong ko at nanlisik ang mga mata ni maam habang nakatingin saakin saka tinuro ang board.

"E-Eto na nga po maam eh hehe" sambit ko nalang at dumiretso na sa board para sagutan ung math problem na yon,di ko naman to dapat pinoproblema eh hays! Laking pahirap talaga ng math na yan sa mga kabataan tss!

"Yan maam okay na po" saka nilagay ang whiteboard marker sa lagayan ng mga ito.

"Is she correct?" Tanong nito sa mga kaklase ko. Ang iba ay 'yes' ang sagot at ang iba naman ay 'no' tinignan kong muli ang sinagutan kong problem sa board. At nakita kong mali ung isang letter pinalitan ko ung -y ng -x

"I am so good at Algebra that I could replace your x and you would not even know why" sambit ni wilbert habang taas babang kilay na nakatingin sakin.

I just look at him with my "huh? What are you talking about?" Face. And walk back to my chair.

Nang maicheck ni maam ang sagot ko ay lumabas narin siya agad at nagdismiss na. Lumipas ang oras at lunch na namin.

"Hi guys welcome again to my channel,so now we're going to cafeteria to eat lunch and after that we we're heading to office of this school to get Elica's package from anonymous person" sambit naman nito napataas nalamang ako ng kilay at saka umihip sa hangin kaya napataas ang mga bangs ko lol! "Say hi to my vlog beshy!" Dagdag pa nito.

"Hi to your vlog!" Sagot ko naman at ngumiti lang ng konti na tinawanan naman ni kirsten.

"Hi to your vlog daw hahaha.." inikot ko nalang ang mata ko sakaniya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Hindi ko ineexpect na makakasalubong ko pa tong si red. Tss! Taas noo ko lang siyang tinignan at saka nilampasan.

"Sana'y pag ibig nalang ang isipin ng bawat isa sa mundo" hindi ko inaasahang pagkanta niya ng lagpasan ko siya. Inferness ha maganda ang boses. Dagdag pogi points! Whatever nabbwiset parin ako sakaniya.

Tumingin naman ako sa likod ko at nakita kong nakalingon din siya sa gawi namin at kinindatan pa ako.

Tinaas ko lang ang kaliwang kilay ko sakaniya at napangisi naman siya saka nagflying kiss sakin. Seriously? Whats with him?

My Senior Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon