Chapter 74
NAKATITIG lamang ako sa yellow infinity dress na nakapatong sa kama at ang isang pares ng yellow doll shoes din at may mga kung ano ano pang accessorise. Ano namang gagawin ko dito?
Wala din si Red dito,nandon nakikipaginuman sa mga kaibigan niya. Bwiset! Anniversary namin ngayon tapos kasama niya yung mga barkada niya edi sana naman diba yung mga barkada niya nalang jinowa niya kung sila lang naman lagi niyang kasama aish!
Muntik na kong matumba sa kinatatayuan ko nang may biglang nagdoorbell. Sino naman kaya yon? Kasi kung si Red yun ay di na yun magddoorbell pa dahil may keycard naman siya ng room namin. Lumapit ako doon at bumungad saakin si Kirsten kasama ang dalawang sina Shine at Angel.
"Mayghad naman Elica Jane Herrera! Bakit hindi ka parin nakabihis?!" Sigaw saakin ni Kirsten pagkapasok na pagkapasok sa kwarto namin at saka ako hinila papasok. "8:00 dapat nandon na tayo! Alas syete na mayghad! Magbihis kana hay! Nakakastress talaga kayong dalawang magjowa eh!" Sunod sunod na sigaw niya saakin. Bumagsak naman ang dalawang balikat ko,di ko nga alam kung bat nila ko pinapasuot non eh aish!
"Eh para saan ba kasi yun? Wala namang okasyon ah? Saka mukhang di naman namin iccelebrate ni Red ung 3rd Anniversary namin dahil busy siya sa mga kaibigan niya hmp!" Thats the truth. Mukhang nagkakasiyahan na nga sila don eh bwiset!
"Basta wag kana nga maraming tanong! Magbihis kana kundi ako ang magbibihis sayong bruha ka!" Nandidilat matang saad niya saakin.
"Hays!" Bulong ko at saka kinuha na yung infinity dress na pinasusuot nila saakin. Nang maisuot ko yun ay lumabas na ako at naabutan ko silang inaayos yung make up kit na dala dala nila kanina. Like what the heck? Ano ba talaga meron?
Nang makita nila ako ay agad nangislap ang mga mata nila at sabay sabay na ngumiti saamin.
"Ohmy! You're so gorgeous beshy! Halika na dito,its much better kung...lalagyan ka namin ng light make up. And ofcourse your hair. Ano bang gusto mo? Straight? Or Beach waves curls?"
Nagkibit balikat lamang ako saka sumagot.
"Anything." At saka lumapit na sakanila sa may vanity mirror at pinaupo ako sa upuan doon saka sinimulang ayusan.
Hay! Nag eexpect ako na sana may pasurprise si Red saakin. Sana...
👗👗👗
"What?!" Sigaw ni beshy sa kausap niya sa telepono kaya agad akong napatingin sakaniya "Anong nangyari? Ok sge papunta na kami dyan." Saka tumingin saakin. "Beshy saglit lang ha dito lang.." Napakunot naman ang mga noo ko,itatanong ko na sana kung ano ang problema pero naiwan na nila akong mag isa dito sa Garden. Ang dilim dilim dito eh. Anong gagawin ko dito?
Nagulat ako nang biglang may mga paputok akong narinig,napatingin ako sa taas at nakakita ng ibat ibang kulay ng fireworks. Maganda sana..kaso ako lang mag isa ang nanonood non. Ang awkward kaya aish!
Nanlaki ang mga mata ko nang magform yung fireworks into words na nagsasabing "I LOVE YOU MY ONE AND ONLY LOVE."
Parang nanggigilid na ang mga luha ko sa mga nakikita ko, what's this? So pakana nanaman to nila Red? Aish! Tumulo na ang mga luha ko nang makita ang sunod na words na nabuo doon.
"HAPPY 3RD ANNIVERSARY ELICA MY LOVE." Ang nakasulat doon at yun din ang salita na narinig ko sa boses na nang gagaling sa gilid ko. Hindi ko maaninag kung sino ang naglalakad papunta saakin na may dalang isang bouquet ng bulaklak pero dahil alam ko ang amoy niya nalaman ko na agad na si Red yun.
Nang tuluyan siyang makalapit saakin ay agad niya akong niyakap. Isang mahigpit na yakap at napakasarap non sa pakiramdam na para bang ayaw mo nang kumawala pa doon. Nababalot nang puro paghikbi ko ang buong paligid, nakasubsob lang ang mga mukha ko sa dibdib niya habang hinihimas niya ang mga likod ko.
"Bakit ka ba ganyan Red ha?! Nakakainis ka talaga! Lagi mo nalang ako pinapaiyak eh!" Saka siya pinaghahampas sa mga dibdib niya. Tinignan ko ang mga mata niya,at nakita ko doon na parang may kalahating lungkot at saya ang nababalot sa mga mata niya.
"Mahal na mahal kita Elica." Saad niya. "Kahit anong mangyari lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita ha. Kahit kailan hinding hindi ka mawawala dito sa puso ko." Saka tinuro yung bandang puso niya.
"Ikaw at ikaw lang ang tanging sinisigaw ng isip at puso ko. Mahal na mahal kita love. Sorry sa lahat,sa lahat lahat nang—basta! Yun na yun,I love you."
Bakit ba ganyan siya magsalita? Umiiyak na nga ako mas lalo pa kong pinapaiyak eh.
He cupped my face and kissed my lips. Kasabay noon ang mga nagpuputukang fireworks sa paligid namin. God knows how I love this man so much. Ang ayoko lang ay ang dumating kami sa point na kailangan na naming maghiwalay. Yun ang pinaka ayaw ko na mangyari saaming dalawa.
Bumitaw na siya sa pagkakahalik saakin habang hawak hawak parin niya ang buong mukha ko at tinitignan ako sa mga mata ko.
"Mahal na mahal kita love alam mo yan. Tahan na wag kana umiyak. Tangna naiiyak din ako eh!" Medyo natatawang saad niya kaya natawa din ako nang kaunti saka pinunasan na ang mga luha ko.
"Sorry. Ikaw kasi eh,kung ano ano pinagsasabi mo para ka namang namamaalam eh." Saad ko. Kitang kita ko parin ang mga lungkot na bumabalot sa mga mata niya. I dont know what's bothering him at ayoko siyang tanungin pa dahil baka masira ang moment naming dalawa.
"Sorry din,tara dun tayo!" At hinila ako sa kung saan. Mayroong bandana na nakapatong doon sa grass at hinila niya ko pahiga doon. Parehas lang kaming nakatingin sa kalangitan habang hawak hawak ang mga kamay namin.
Biglang nagkaroon ng music ang paligid at 'ikaw at ako' by TJ Monterde ang tugtog ngayon.
"Love.." aniya kaya napatingin ako sakaniya. Nakatingin lang siya sa langit at kitang kita ko kung paano mang gilid ang mga luha niya.
"Hmm?" Tugon ko.
"I want to ask you one thing." Saad niya at hindi na hinintay pa ang sagot ko ay nagsalita narin siya ulit. "When I say I dont love you anymore,maniniwala ka ba?" Saka tumingin saakin kaya kinunutan ko siya ng mga noo.
"What kind of question is that?!" Asik ko sakaniya. "Of course not! Hindi ako maniniwala. You know how much we love each other right? Pero kung dumating man ang panahong yun. Sino ako para tumututol? Kung yun talaga ang nararamdaman mo edi sge I'll let you go. Pero mahirap gawin yun para saakin,so I will try to do anything for you to love me back again." If that situation happens,wala akong ibang gagawin kundi ang suyuin at ligawan siya kahit ako pa ang babae. At hindi ko hahayaang may ibang tao ang sumira sa relasyon namin. Ghad! 3 years kaming nagsama. Marami na kaming pinagdaanan at kaya naming malampasan ang lahat ng yon.
"And I will not let you to do that. Ayokong mahirapan ka. It would be better kung yung unang sinabi mo ang gagawin mo. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang mahirapan ka. So promise me na hindi mo yun gagawin."
"Ano ka ba? Ano ba naman kasing topic yan? It's our Anniversary today so please stop that topic! Bakit mo ba naiisip ang mga yan? Bakit? Hindi mo na ba ko mahal? Ayaw mo na ba? Tell me.."
"Of course not! I love you..very much!" Saad niya. "Everybody knows how much I love you. Kahit pa si Simi Simi tanungin mo kung sino ang mahal ko isasagot niya ang pangalan mo. Kahit ang Google pag tinanong mo ikaw din ang isasagot niya at kahit din si Siri ang tanungin mo tanging 'Elica Jane Herrera' lang din ang isasagot niya."
"And lastly,kahit pa naghihingalo na ang puso at isipan ko kapag tinanong mo ito. Ikaw at ikaw lamang ang isinasagot niya." My tears started to fall again. He's so sweet and caring. How I wish it would last for a lifetime. But who am I to say that? Only God knows if what will happen to us in the near future.
"I love you Red." I said out of nowhere. He looked at me and showed to me his ear to ear smile.
"I love you too Elica."
And this night,was sealed with a kiss.
BINABASA MO ANG
My Senior Crush (COMPLETED)
Ficțiune adolescențiIn a simple flash of your camera,will you be that 'extra ready' if he notices you? What if that case happens? So let the story begin... My Senior Crush All Rights Reserved. Copyright (c) 2017 Started: (I really forgot) RANK ⭐️ #42 in TEEN FICTION