65th Chapter

2.5K 71 1
                                    

Chapter 65

• ELICA POINT OF VIEW •

The next day... (DAY 1 @ BUENAVISTA'S RESORT)

NAPAMULAT ako ng mga mata nang maramdaman kong hindi na ako ulit makatulog. Agad na bumungad saakin ang mukha ni Red. Napansin ko pa na parang may mabigat sa bandang bewang ko,kaya tinignan ko yun at nakita ko ulit ang mga kamay niya na nakapulupot sa mga bewang ko.

Napangiti naman ako sa mga naiisip ko,masaya pala kapag ganito no? Yung gigising ka tapos makikita mo agad yung taong mahal mo at yung taong gusto mong makasama sa habang buhay.

Kumilos kilos siya at agad ring napamulat. Gising na siya. Mas lalong lumaki ang mga ngiti ko sa labi ng ngitian niya rin ako. Kinusot kusot niya pa ang mga mata niya dahil siguro medyo malabo ang paningin niya ngayon kasi kagigising lang.

"Goodmorning love." Nakangiti at papungas pungas na sabi niya.

"Goodmorning din." Sambit ko naman pabalik sakaniya saka lumapit ng konti at niyakap din siya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko pero agad rin namang nakabawi.

"Love.." Saad ko.

"Hmm?" Tugon niya habang nakatingin saakin,pero nakahiga ako sa malapit sa dibdib niya kaya di ko makita ang mukha niya.

"Huwag mo kong iiwan ha?" Saad kong muli. Naiiyak kasi ako sa tuwing naiisip ko yung panaginip ko. Ayokong mangyari yon. Dahil sobra akong masasaktan at baka ikamatay ko pa.

"Huh? Why are you saying those words? Of course love,hinding hindi kita iiwan. Napakatanga ko naman kung papakawalan pa kita diba." Saka hinimas himas ang mga braso kong hawak niya. Naka-akbay na kasi siya saakin ngayon at ako naman ay nakayakap sakaniya.

Magsasalita pa sana ako kaso may kumatok sa pinto,nagkatinginan kami ni Red at sinenyasan ko siyang ako na ang magbubukas pero pinigilan niya ko.

"Hayaan mo yun,baka yung kupal nanaman yun at mang gugulo nanaman tch." Saad niya. Kupal? Sino? Ahh si Caleb ata ang tintukoy niya.

"Si Caleb?" Paniniguradong tanong ko na tinanguan niya naman at mas lalo pa akong hinila pinalapit sakaniya at saka niyakap ng mahigpit.

Mas lalong lumakas ang katok kaya tumingin ulit ako kay Red.

"Baka may importanteng sasabihin?" Sambit ko.

"Aish! Okay fine,ako na ang magbubukas." Saad niya na tinanguan ko nalang at nang bumangon siya ay bumangon narin ako saka inayos yung hinigaan naming kama.

"What?!" Narinig kong saad ni Red pagtapos niyang buksan ang pinto. Nakatalikod ako sa gawi niya kaya hindi ko alam kung sino ang taong kumatok kanina.

"Bro pinapatawag kayo ni Caleb,magbbreakfast na raw. Kayo nalang ang hinihintay." Si Renzo pala,base sa rinig kong boses ng nagsalita.

Nang maayos ko ang ilang kalat sa kama ay humarap naman ako sa gawi nila,nakita kong napatingkayad si Renzo dahil mas malaki si Red sakaniya. Parang sinisilip yata ako,kaso ito namang si Red parang nang aasar din sa kapatid at mas tinatakpan pa si Renzo para di ako makita. Aish! Why so protective? Hayy.

Lumapit naman ako sakanila at hinawakan sa braso si Red saka tumingin kay Renzo.

"Hi Renzo,where's Angel? Di mo yata siya kasama ngayon ah." Pagbati ko sakaniya. Ngumiti naman ito kaya nginitian ko din siya.

"Hello Elica,Ah nandon si Angel sa resto kasama sila Kirsten. Nandon na lahat kayo nalang ang hinihintay." Saad niya naman na tinanguan ko nalang. "Paano? Mauna na ako ha? Sunod nalang kayo" dagdag niya pa.

"Bro." Saka tinapik ni Renzo si Red sa braso saka sinenyasan na mauuna na siyang bumaba. Sinara naman ni Red ang pinto at napatingin saakin.

"Huwag ka ngang nakikipagclose don kay Renzo tch!" Naiinis na sabi niya. Problema niya nanaman ba? Nakakaloka talaga ang ugali ng isang to eh!

"Bakit? Binati ko lang naman siya ah?" Sagot ko at ngumisi sakaniya at tinusok tusok ang tagiliran niya. "Why? Are you jelly?" Pang aasar ko pa sakaniya at mukhang naaasar na nga. Di na maipinta ang mukha eh lmao,uy achievement to para sakin no kasi naasar ko siya for the pers taym. Madalas kasi ako ang naaasar eh aish!

"Huh? Of course not." Defensive na sabi niya.

"Weh? Hindi talaga?" And I move closer towards him.

"Hindi." Iling iling na sabi niya.

"Talaga ba?" At tinulak siya ng kaunti kaya nausog siya pero kaunti lang dahil masyado siyang malaki at matikas ang katawan kaya di ko matulak ng sobra kahit anong lakas ko.

"Oo nga tch! Kulit naman eh!" Saad niya habang napapakamot sa ulo. Nabbwiset na siguro HAHAHA.

"Okay sabi mo eh!" Saka ko siya nilampasan. Madali naman akong kausap eh HAHAHA!

"Tch" napalingon ako sakaniya ng marinig nanaman ang pag-tch tch niya aish!

"Why?" Tanong ko.

"Akala ko naman kaya ka lumapit,kasi ikkiss mo ko tch!" Mahinang sabi niya na dinig na dinig ng mga tenga ko. Aish! Bat ba ang hilig niya sa kiss? Pero naisip ko okay narin kasi nagugustuhan ko rin naman charot!

"Kiss nanaman?" Tanong ko sakaniya at pumunta sa harap niya. Bigla siyang ngumiti ng nakakaloko na para bang may naisip nanamang kalokohan.

"Nga pala love. I forgot! Diba sabi ko kanina we were going to continue our kiss...na naudlot dahil sa pesteng Caleb na yon tch." At lumapit sakin para halikan ako pero tumalikod ako kaya muntik na siyang madapa lmao.

"Mamaya kana nagugutom na ako. Gusto ko nang kumain no."

"Ako nalang kainin mo love." Agad naman akong napatingin sakaniya at binato sakaniya ang damit na hawak hawak ko dahil balak ko sanang magpalit ng damit.

"Talaga bang sira na ang ulo mo ha?! Aish! Manyak! Bahala kana nga diyan!" At saka ko lumabas ng kwarto mag isa. Tss! Di na tuloy ako nakapagbihis. Okay narin naman ang suot ko kaya on second thought okay narin to.

Bwiset! Akala ko pa naman maaasar ko na siya tapos ang ending ako parin pala ang talunan aish!

🏊🏻‍♀️🏊🏻‍♀️🏊🏻‍♀️

"BRO,Red may tanong ako sayo." Saad ni Caleb pagkatapos tumawa. Nandito kaming lahat sa resto nitong resort,kumakain kaming lahat habang masayang nagkkwentuhan sa isat isa.

Halos mabingi na nga ako sa mga pagsasalita nila,eh paano ba naman kasi kung hindi sabay sabay magsalita eh tatawa naman ng malakas. Kaya nga itong si Red panay ang tanong sakin kung ayos lang ba ako kasi sa tuwing naiingayan ako ay minsan tumataas ang balahibo ko at parang kinikilabutan. Di ko nga alam kung bakit ganon eh,ewan!

"Ano yun?" Tanong ni Red habang ngumunguya.

"Kung mamamatay ka bukas,bakit hindi pa ngayon?" Saad ni Caleb at nagtawanan naman ang mga tao na narito.

"Tch. Atat ka masyado,gusto mo ikaw na mauna?" Sagot naman ni Red na ikinatawa at ikinahiyaw ng mga taong narito sa mesa namin. Long table kaya kasya kaming lahat.

"HAHAHAHAHA! SAVAGE!"
"BURN!"
"HAHAHAHA WALA KA PALA CALEB EH!"

Ilan lang yan sa mga pang aasar nila kay Caleb. Ako tawa ako ng tawa lmao. Nakakatawa naman kasi talaga,Lalo na nung sumagot si Red nang pabalang HAHAHA! Sakit ng tyan ko.

"Stop laughing tch! Mamaya kabagin ka dyan." Saad ni Red na nasa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kj eh? "Look,Im concern about you,kaya dont misunderstood what I've said." Saka ngumiti saakin na parang pinapakita na concern nga siya.

And again...I smiled. Nakakainis kasi eh aish! Masyadong nagpapakilig.

My Senior Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon