60th Chapter

2.8K 90 12
                                    

Chapter 60

• ELICA POINT OF VIEW •

MAAGA akong nagising dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana pero parang ayaw pa ng katawan kong iwan yung kama ko. Tinatamad akong bumangon.

Nakalimutan ko palang isara ang kurtina kagabi,inaantok na kasi talaga ako kagabi eh hays!

Kahit na tinatamad ako ay pinilit kong bumangon dahil nakakaramdam narin ako ng gutom. Agad akong pumunta sa may bintana at isasara na sana ang kurtina pero kumunot ang mga noo ko sa nakita ko.

"What the hell is he doing?" Nakaupo si Franco sa harap ng window glass na bintana niya habang maatim akong pinagmamasdan. Sunod kong nakita ang katawan niya..natakpan ko agad ang mga mata ko dahil naka boxer's short lang siya at sa itaas ay wala nang iba pang saplot. What the hell? Ano bang problema niya?

May tinatype siya sa cellphone niya at agad namang tumunog ang cellphone ko dahilan nang mas lalong pagkunot ng noo ko. Hayy! Aga aga nabbwiset ako ano ba naman yan!

Bago pa ko mairita sa pagmumukha niya ay sinara ko na ang bintana at umupo ulit sa kama ko saka kinuha ang phone ko sa sling bag na dala ko kahapon.

From: 09111111111
Hi Eca! Goodmorning! You're so gorgeous even if you're sleeping. <3

Wth? Eca? Im Elica and not Eca? Sino ba to?

I typed my reply to him/her..

To: 09111111111
Im sorry but who the hell are you?

Tatayo na sana ako para bumaba at kumain pero tumunog nanaman ang phone ko. So I checked it and this time it's from Red

From: Red My Love ❤️
Goodmorning love,how's your sleep? I want to see you. I fvcking miss you already.

He never fail to make me smile. Everytime Im receiving his message for me I cant help but to smile.

I typed my reply to him.

To: Red My Love ❤️
Goodmoring din love,ayoko pa sanang bumangon pero kailangan eh lmao. I missed you too. I love you :*

Hindi ko pa man nasesend ay may nagtext nanaman,napabuntong hininga nalang ako nang makita kong nang galing nanaman to sa unregistered number,like what the heck?

From: 09111111111
The first person you've seen earlier ;)

What? Si Franco? How did he get my number?

To: 09111111111
Where did you get my number?

Nababaliw ako sa lalaking ito argh! Bahala nga siya dyan. Sa kasamaang palad nga naman tumatawag si Franco hay! Ano pa bang gagawin ko edi sasagutin ko nalang ang tawag niya kaysa mangulit at mambwiset saakin the whole day argh.

"Hello?!" Pasinghal na sigaw ko sakaniya.

"Open your curtains,I wanna see your gorgeous face." Wth?! Srsly?

"Bakit ko naman gagawin yon? Sino ka ba sa akala mo ha? And where did you get my number by the way?" I asked out of nowhere. Tumataas na ang kilay ko sa lalakeng to ha,pati na rin ang dugo ko aish!

"Somewhere,I'll just got it somewhere. Pakalat kalat kasi eh." Saad niya na halatang may halong pang aasar. May saltik na yata ang lalakeng ito eh.

I ended the call at saka ko binuksan ang kurtina ko,nakita ko ang biglang pag ngisi ng mga labi niya at saka biglang tumawa tss! Baliw na nga may saltik pa argh!

Sinara ko ulit ang bintana saka ako dumiretso sa baba para kumain. Pagkatapo ay maliligo narin ako,wala kaming pasok ngayon dahil birthday ng president ng school namin kaya sa tingin ko ay buong magdamag nandito lang ako sa bahay,depende nalang kung may mag aya saakng lumabas.

My Senior Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon