Chapter 33
• ELICA POV •
Friday ngayon at nandito kami sa Statefields University,ngayon kasi gaganapin yung larong basketball. At isa doon sila kuya at syempre si daniel.
1 & any half months na ang nakalipas simula ng niligawan ako ni red. Naging maayos naman ang panliligaw niya sa akin. Halos every lunch break dinadalhan niya ko ng chocolates and 1 stem rose at dahil galing sakaniya,syempre iniipon ko ito at inilalagay sa vase ko doon sa kwarto ko.
Marami na siyang naibigay na roses sa akin. Iba iba pa ang colors may red,yellow,white,pink,blue and etc. At kung naitatanong niyo kung kami na ba,well hindi pa pero...malapit na.
"From his highlight dunks to his flashy moves madami ang bumibilib sa senior shooting guard na si Red Valmores." Ayon sa sabi ng commentator dito sa Statefields.
Agad nanaman akong sumigaw at muling tinaas ang banner na ginawa ko. Uy ah effort din to ah lol.
"Go Red!" Sigaw ko na ikinagulat ng mga katabi ko at tumingin pa sakin well i dont care anymore. Napansin kong tumingin si red sa paligid niya kaya itinaas ko ang mga kamay ko sa ere at kumaway.
"Over here my man" I shouted louder as I can and some students here was looking at me again. Pake ba nila? Aish!
At ayun na nga nakita na ako ni red. At hindi lang yun. Kinindatan pa niya ako at itinapat ang kamao niya sa kaniyang mga dibdib na parang sinasabi na "laban lang para sa school natin" just like that. Kinikilig nanaman ako hayy. Lalo na ng kindatan niya ako. It was my not my first time to see him wink maraming beses na rin pero kinikilig parin talaga ko everytime na nakikita ko siyang kinikindatan ako.
Ay harot mo elica!
"Valmores was passing the ball to Herrera and there! The way they dunk makes are audience cheer louder and louder. Mukhang may mga inspiration ang mga ito kaya sobrang ginaganahan sa paglaro. Talagang kakaiba ang Stonehust University mukhang matatalo tayo ngayon ah hahaha" Sambit muli ng commentator and this time si kuya daniel naman ang naka shoot.
Nagulat naman ako nang sumigaw ang katabi ko. It was kirsten,nandito na pala ang bruha nag cr kasi siya kanina hindi ko na napansin dahil siguro na kay red ang buong atensyon ko.
"Nakakabingi ka naman beshy" sambit ko pero patuloy parin siya sa pag sigaw.
"Go my loves! Kayang kaya mo yan!" Malakas na sigaw ni kirsten kay kuya at mukhang narinig ito ni kuya kaya napatingin siya sa gawi namin. Alam nyang dito kami nakaupo dahil siya ang naghatid samin kanina dito sa upuan. Paano sobrang protective sa girlfriend eh.
Kung si red ay kinindatan ako,si kuya naman ng flying kiss kay kirsten. Agad itong sinalo ni kirsten at inilagay sa labi niya at nakita ito ni kuya kaya napangiti ito at nagpatuloy na sa paglalaro.
"Harot ah" sambit ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Palibhasa kasi wala kang lovelife kaya di ka makarelate HAHAHAHA" aba atup to ah. Gaya ng ginawa niya sinamaan ko rin siya ng tingin. Magsasalita pa sana ako pero nakita ko ung babae na kinakaladkad ng isa pang babae sa bandang baba at palabas sila ng court.
Hahayaan ko na sana ito pero siya ung babaeng nakita namin sa sinehan. I guess kilala niyo na siya. Si popcorn girl.
"W-Wait lang beshy,mag ccr lng ako" sambit ko na tinanguan niya. "Excuse po,excuse" sabi ko sa mga katabi namin habang naglalakad ako papalabas. Nang makarating ako sa dulo ay binilisan ko ang takbo pababa.
Nang makalabas ako ay dahan dahan akong naglakad. Di ko alam ang pasikot sikot dito pero may nakikita akong mga anino,mga lima ata sila parang babae. Kaya sinundan ko ito.
"A-Aray nasasaktan ako,ano bang kasalanan ko sainyo hazel" sigaw ng isang babaeng sobrang pamilyar ang boses.
"Manahimik ka nalang,kundi masasaktan ka sa amin" sambit naman ng isa pang babae.
Binilisan ko ng konti ang lakad ko at nakita kong pumasok sila sa isang classroom. Agad naman akong sumunod doon at sinilip sa nakabukas na pinto kung ano ang ginagawa nila.
Nagsisisigaw parin ung babae,siya ung nagtapon ng popcorn kay red. She's telling that it was not her fault and she's begging..na pakawalan na siya ng mga ito.
Should I come in now? Alam kong maling manghimasok sa isang tao,pero ano bang gagawin ko? Hindi ko naman hahayaang panoorin lang ang mga ito habang may sinasaktan na ibang tao.
Pumasok na ako at sumigaw kaya napatigil sila sa ginagawa nila. Mukhang nabigla rin si popcorn girl.
"Stop it! You dont have the rights to bully a person who doesn't have a sin to you..guys" Sambit ko habang itinaas ng bahagya ang isa kong kilay.
BINABASA MO ANG
My Senior Crush (COMPLETED)
Novela JuvenilIn a simple flash of your camera,will you be that 'extra ready' if he notices you? What if that case happens? So let the story begin... My Senior Crush All Rights Reserved. Copyright (c) 2017 Started: (I really forgot) RANK ⭐️ #42 in TEEN FICTION