• ELICA POINT OF VIEW •
At ayun nga,naiwan na kami nito ni miles buti na lamang at hindi mahirap pakisamahan itong si miles at tumigil narin siya sa pag iyak.
Binuhat ko naman ito mula sa couch saka ito hinalikan sa pisngi na ikinahagikgik naman niya.
"Ano? Tinatawanan mo si tita ha? Tinatawanan mo si tita?" Sambit ko at tumawa nanaman siya.
Hay nako ang cute cute ng batang ito. Nagulat na lamang ako nang magvibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ko kaya binalik ko uli si miles sa couch.
"Teka lang baby ha. May tumatawag kay tita." Sambit ko at agad na kinuha ang cellphone ko.
Si red tumatawag? Ano naman kaya ang kailangan o sasabihin niya sakin? Sinagot ko na lamang ito at bumungad sakin ang napakagwapo niyang boses.
"Hello elica? Can I come over in your house?" Sambit niya mula sa kabilang linya.
"S-Sure" sagot ko naman. Total mag isa lang naman ako at itong si miles na nandto sa bahay eh kaya pwede naman siguro kong tumanggap ng bisita ano? Isa pa..kaibigan naman siya ni kuya.
"Okay then papasukin muna ko sa bahay nyo" sambit niya and I can feel that his smirking habang nagsasalita.
"W-What do you mean?" Tanong ko. So it means nandto na siya sa bahay namin at talagang sigurado syang papapasukin ko sya dto sa bahay? Nagulat nanaman ako ng may biglang nagdoorbell.
Agad kong binaba ang phone call at pumunta sa gate bitbit tong si miles. Pagbukas ko...
"Hi elica buti naman at—W-What the fuck is that! Who is that child?" Naguguluhang tanong niya habang napakapit sa gate. Muli nanamang humagikgik itong si miles kaya natawa din ako.
"A-Ano ba wag ka ngang magmura. Tara pasok ka sa loob kkwento ko sayo" sambit ko.
Tumango naman sya saka sinara ang gate. Agad kaming pumunta sa salas at umupo sa couch saka ko kinwento sakanya ang buong istorya.
"The heck akala ko may anak kana ng hindi ko nalalaman eh" sambit niya na ikinatawa ko.
"Sira. Wala pa kong planong mag asawa no at lalong wala pa kong planong mag anak. Study is life pa rin" ngisi ko sakaniya.
"So wala ka pa palang planong pakasalan ako?" Ano dw? Dko narinig ang hina kasi saka parang binulong niya lang ang mga sinabi niya.
"A-Ano yon?" Tanong ko.
"W-Wala sabi ko buti pumayag kang maiwan sayo yang pamangkin mo" sambit niya. Saka ko tinignan si miles sa mga kamay ko.
"Aba'y syempre naman pamangkin ko to eh saka sino ba namang tatanggi kapag nakita itong napaka cute at napaka gandang batang ito" nakangiting sabi ko.
"Saya mo ah"
"Syempre nandito ka eh" bulong ko habang nakangiti. Di niya naman siguro yon narinig no?
"Huh? May sinasabi ka ba?" Tanong niya.
"May naririnig ka bang di ko naririnig?" Tanong ko naman din sakaniya.
"Wala naman may binulong ka kasi eh" sambit nya.
"Huh ako may binulong? Wala kay—" kasabay non ang pag iyak ni miles. Tumayo naman ako at hinile sya.
"Hey miles dont cry okay? Tita will be taking care of you okay?" Sambit ko kay miles.
"Baka nagugutom?" Sambit ni red at saka tumayo din.
Kinuha ko naman ang gatas nya at isinubo ito sakaniya pero iniiwasan niya.
"Ayaw eh?" Sambit ko.
"Baka nag poopoo?" Sambit ulit ni red.
Agad naman akong umupo kinapa ang diaper niya. Nako eh mukhang nag poopoo nga siya. Binuksan ko naman ito. Saka lumantad sakin ang sandamakmak nyang poopoo.
"Teka kukunin ko muna ang bag nandon kasi ang diaper niya dito ka muna alalayan mo baka malaglag eh" sambit ko at pinaupo si red sa may paahan ni miles. Wala naman syang nagawa kaya umupo nalang din sya don.
Kinuha ko naman ang bag malapit sa cr. Nag cr muna kasi si camille kanina bago umalis nalimutan niya yata itong bag dahil sa pagmamadali niya.
Papalapit na ko sakanila bitbit itong bag nang makita kong si red na....
• RED POINT OF VIEW •
Kinuha muna ni elica ang bag na may laman nitong diapers ni miles kaya iniwan niya muna ko sa paahan nito ni baby.
"W-What the fuck?!" Halos pasigaw na sambit ko. Eh paano ba naman kasi itong si miles inihian ako grabe naman ung ihi niya inabot pa sa mukha ko at hindi lang yon tumawa pa siya pag katapos niya kong ihian sa mukha. Hay shit! What's happening in this world?!
Nang mapalapit si elica ay hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sakanya. Bigla na lamang siyang tumawa ng malakas ganon din si miles kaya mas lalo kong nabwiset!
"Hayy! Ano bang tinatawa tawa mo dyan ha?" Sambit ko at halos mamatay na sya kakatawa kaya napaupo sya sa sahig. God! Ano bang nakakatawa?
"Eh kasi—Eh kasi—HAHAHAHA!" What the?! Ano bang nangyayari sakaniya?
"Hey?! What's funny?"
"Ikaw. HAHAHAHA. Bukod sa mukha mo? Ano pang nakakatawa? Hahahahaha" hay! Ano bang gagawin ko sa dalawang to nakakainis naman!
"Ewan ko sayo tch!" Sambit ko saka kinuha ung tissue na nasa center table at pinunasan ang buong mukha ko. Fvck! Ang panghi ng mukha ko.
Dumiretso naman ako sa cr at naghilamos may facial wash for men don siguro kay daniel to at pareho ito sa ginagamit ko kaya kinuha ko yun at ginamit sa mukha ko para makapaghilamos ako.
Nang matapos ako ay bumalik na ako kung san naroroon sina elica. At habang nagpupunas ako ng mukha ko gamit ang face towel ay nakita kong kinakausap niya ang bata habang pinupunasan ang bandang pwet nito ng baby wipes. Tawa naman ng tawa si miles kaya napangiti ako.
I assure that elica would be a great mother and wife if she will have a child...with me.
![](https://img.wattpad.com/cover/85994150-288-k204787.jpg)
BINABASA MO ANG
My Senior Crush (COMPLETED)
Teen FictionIn a simple flash of your camera,will you be that 'extra ready' if he notices you? What if that case happens? So let the story begin... My Senior Crush All Rights Reserved. Copyright (c) 2017 Started: (I really forgot) RANK ⭐️ #42 in TEEN FICTION