18th Chapter

5K 149 7
                                    

• ELICA POINT OF VIEW •

Lumipas ang araw at ngayon ay si kirsten at kuya na. Paano nangyari? Well magulong istorya wag niyo nang usisain pa.

"Am I not enough?" "You dont like me?" "Why? Ano bang mali saakin? Ano bang meron siya na wala ako?"

"Gusto mong malaman elica? Because of your attitude! Maghiwalay na tayo!"

At nanlumo na ako saka nagsimulang umiyak

"OKAY CUT! Perfect! Magaling magaling! At dahil dyan magwaterbreak muna kayo" Sabi ni direk

Oo acting lang yun at kapartner ko si red. Para to sa event sa gaganaping thanksgiving para sa mga teacher dito sa stonehust university teachers day eh.

Napangiti na lamang ako nang makitang papalapit sa akin si red.

"Muntik na akong maiyak sa acting mo kanina" saka siya lumagok ng tubig napatingin naman ako sa adams apple nya nang paglunok niya ng tubig. Ugh! Heaven ay eh harot mo elica!

"Haha mabuti na un atleast natuwa si direk after how many tries na ginawa natin" sambit ko

"You're good at acting,may sense ka rin pala kahit paminsan minsan" tinulak ko siya ng mahina

"Grabe ka naman sakin" magsasalita pa sana siya pero tinawag na kami ni direk.

"Okay po direk" sabay na sabi namin ni red at sabay rin kaming pumunta don

Matagal na kaming ganito na magkasama lagi wala naring hiyaan na nagaganap saming dalawa kumbaga close na rin kami di nga lang super close pero atleast diba may communication kami ng crush ko kahit na walang kami.

Awts elica! Hayss

"Kung yan ang gusto mo eh siguro nga mas mabuting maghiwalay nalang tayo"

"Talaga!" At may kinuhang box "nandiyan na lahat ng mga binigay mo sakin at isinusuli ko na sayo ang lahat ng yan total di naman na magwowork tong relationship na to eh" sabay walkout

At napaupo na lamang ako habang tinitignan ang laman ng box na yon habang umiiyak.

"Cutttt! Very good Miss Herrera! Your acting was very nice. Maaari na kayong umuwi. You're too good Mr Valmores thank you sa participation" at tinapik siya ni direk david sa balikat

"Salamat po direk" sabay na sambit namin ni red na ikinatingin namin sa isa't isa.

Kinuha ko na yung gamit ko at aalis na sana pero tinawag ako ni red.

"Wait lang sabay na tayo" tinanguan ko na lamang siya at saka huminto para hintayin siya

"Congrats!" Nakakagulat na sabi niya

"Same to you" at nginitian siya

"Dahil dyan you deserve to watch a movie,lets hang out matagal na tayong di nakakalabas dahil busy sa pag aacting" omg totoo ba to? Inaaya niya kong lumabas? Ibig sabihin mag ddate kaming dalawa "Ano game?" Tanong niya ulit

"Game ako diyan!"

"Tara?"

"Sige ittext ko lang si kuya na wag na akong sunduin" sambit ko habang patuloy kaming naglalakad.

"Okay take your time" then she patted may head na parang aso

"Ano ba ginawa mo nanaman akong tuta niyan eh!" At tumawa lang siya na ikinainis ko pa. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin hanggang sa natanaw ko na ang sasakyan niya saka kami sumakay

Such a great day!



A/N: Have a nice reading! Lovelots! Xoxo! Comment naman kung may nagbabasa pa nitong story ko para malaman ko kung ititigil ko na ba ito o hindi but since gusto kong mag update so I will update kahit walang nagbabasa hoho. Thanks!

My Senior Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon