Hey! So first of all,this chapter was dedicated to the 'Readers' of this story,kung wala kayo hindi uunlad ang ekonomiya—I mean yung story na to lmao. Kaya salamat sa pagppromote sa friends nyo. Thank you din sa mga FBreaders ko na puro 'next pls' lang ang comment HAHAHA hindi charot lang,so yon I just wanna say thank you to all of you na kahit wrong grammars at puro kacornyhan ang mga sinusulat ko dito at nagbabasa parin kaya THANK YOUUU <3
Le start'
EPILOGUE (LAST CHAPTER)
• THIRD PERSON POV •
NANONOOD lang ng isang movie si Elica sa dorm na tinutuluyan niya nang bigla ay naramdaman niya nalang na nanunubig na pala ang mga mata niya. 3 years had passed at miss na miss niya na ang pamilya niya sa pilipinas,at yun din ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon.
Tumayo siya saka tinungo ang kitchen para puntahan ang Fridge,pinunasan niya muna ang mga luha niya saka binuksan ang fridge. Halos mapatalon siya sa tuwa nang makita ang 1.5 gallon ng vanilla ice cream. Kinuha niya ito saka kumuha ng isang spoon.
Nang makuha niya yun ay agad siyang bumalik sa sala at saka sumalampak sa sahig,sa carpet to be exact. Meron naman siyang couch pero di niya feel umupo doon. Nagsimula nanamang tumulo ang mga luha niya nang makita ang magkapatid sa pinapanood na palabas na nagyayakapan dahil matagal silang hindi nagkita. Naiiyak siya sa isiping miss na miss niya na ang kuya niya,lalo na ang mga pang aasar nito sakaniya.
Napaiktad ito nang marinig na bumukas ang pinto ng dorm niya,hindi kasi pangkaraniwan ang dorm sa States. Gaya ng mga condo unit ay may mga pass code rin ito. Hindi na ito lumingon pa sa likod niya dahil alam niya naman na kung sino ito.
"Hey! Why the heck are you crying again?!" Sigaw nito nang tuluyang makalapit sakaniya ang binata. Umupo ito sa couch kaya napatingala si Elica sakaniya.
"What would you expect? Na magtatalon ako sa tuwa habang nasa malayong lugar ang mga pamilya ko? *sniff*" tumayo ito at saka umupo rin sa couch,sa tabi ni Franco. "Miss na miss ko na sila eh." Umiiyak na saad parin nito.
Napabuntong hininga ang binata at saka inakbayan si Elica kaya napatingin ito sakaniya.
"Dont worry sweetie,malapit na. 2 years nalang,saka nandito naman ako. Pasalamat ka nga may gwapong nilalang ang tumitingin sayo di—ARAY!!" Paano ba naman kasi ay nakatanggap nanaman ito ng kurot sa mga braso nito. Sanay naman na siya sa ganyan,na kahit masakit ay tinitiis niya para lang sa babaeng mahal niya.
"Sorry,ikaw kasi kung ano anong kasinungalingan nanaman ang lumalabas diyan sa bibig mo eh aish!" Saad ng dalaga saka sumubo ng isang kutsara ng ice cream. Napansin niyang nakatingin ang binata sakaniya kaya binalingan niya ito ng tingin. "Bakit?"
"Penge naman,di man lang nag aalok. Nakakatampo kana talaga sweetie." Nagtatampong saad nito dahilan ng pagtawa niya at saka kumuha ng isang kutsarang ice cream at sinubo sa binata.
Nakasanayan ng tawagin ni Franco na sweetie si Elica. Pumayag nalang ang dalaga dahil makulit ang binata at ayaw talaga magpapigil. Wala namang sila. 'More than bestfriends but less than lovers' yan ang status nila ngayon. Walang kahit na ano pero may nag iisang pinakaimportante sakanilang dalawa ngayon na hindi pwedeng maipagpalit sa kahit na ano o sino.
"Nga pala matulog kana." Saka pinatay na ng lalake ang tv na pinanonooran ni Elica. "May pictorial pa tayo bukas ng 7am sharp,bawal ang late kaya mamayang 5:00am tatawag ako sayo para gis—"
"What?! Ang aga non! Gawin mo namang 5:30 aish!"
"No! 5:00! Kilala kita napakabagal mo kaya kumilos kaya wag mo kong artehan di ka maganda tch!" Asik naman sakaniya pabalik ng binata. Maya maya ay biglang ngumisi si Elica at lumapit sa mga mukha nito kaya nanlalaking matang tinignan niya ang dalaga.
BINABASA MO ANG
My Senior Crush (COMPLETED)
Ficção AdolescenteIn a simple flash of your camera,will you be that 'extra ready' if he notices you? What if that case happens? So let the story begin... My Senior Crush All Rights Reserved. Copyright (c) 2017 Started: (I really forgot) RANK ⭐️ #42 in TEEN FICTION