Chapter 27 (Baby Sitter)
Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Nakalimutan ko palang isara yon kagabi dala narin ng pagkapagod ko sa date namin ni red.
Agad akong bumangon at sinara ang bintana. Natabig ko naman ang side mirror ko dito sa kwarto ko. Pagtingin ko sa itsura ko ay labis na lamang akong nagulat.
Anyare sa mukha ko? Halos kalat kalat na ang make up ko kaya dali dali akong pumunta sa cr dito sa kwarto ko saka ko naghilamos at nag toothbrush.
Kumuha naman ako ng damit sa cabinet ko,napili ko ung shirt na black na may nakasulat na "be mine" at saka shorts lang na color white. Pinusod ko naman ang buhok ko.
Maya maya na ako maliligo. Sunday ngayon at wala naman akong masyadong gagawin kaya dito nalang siguro ko sa kwarto.
Nagulat naman ako nang may biglang kumatok. Si mama pala.
"Anak bumaba ka nandiyan si camille. Pinsan mo" sabi ni mama. Napangiti naman ako,nandiyan si camille yey! Buti naman dahil wala akong magawa.
"Sige po bababa na ako" sambit ko. Pansin kong naka pang alis si mama. Aalis kaya siya?
"Kasama niya nga pala si miles yung baby niya" sambit uli ni mama.
"M-May anak na siya?" Tanong ko. Halos ilang taon narin kasi kaming hindi nagkikita nun ni camille hindi ko inaakalang may anak na pala siya.
"Oo kaya bumaba kana" sambit ni mama at bumaba na. Sumunod narin ako pababa at sinalubong ako ni camille bitbit ang 8months old na baby girl niya. Agad ko siyang niyakap. Miss na miss ko na talaga siya.
"Camille...kamusta kana? Di ko alam na may baby kana pala" at bahagyang hinimas ang ulo ni baby na kaunti palang ang buhok.
"Ayos naman. Oo nga eh hindi ko rin akalain na dadating tong si baby." Saka niya tinignan ang baby niya.
"Maswerte ka at nagkaroon ka ng napakacute at napakagandang anak" sabi ko habang pinagmamasdan ang baby. "Ang papa niya pala nasaan?" Tanong ko.
Lumungkot ang mukha niya saka umupo sa couch kaya umupo narin ako doon.
"Yun nga eh. Tuwang tuwa siya na may baby na kaming dalawa pero ung lola niya sa LA nagkasakit kaya minabuti niyang puntahan muna ang lola niya doon kaya naiwan kaming dalawa ni miles (baby)" Nakakalungkot naman.
"Ah ganon ba. Pasensya na nabanggit ko pa." Sambit ko magsasalita pa sana siya pero dumating si mama bitbit ang juice at dalawang slice ng black forest cake.
"Kumain na muna kayong dalawa." Sabi ni mama. "Nga pala anak,aalis muna kami ni manang ha magggrocery at magsshoping nadin. Isasama ko na muna si manang. May pagkain na don sa fridge initin mo nalang. Ang kuya mo umalis din dahil may date sila ng kaibigan mo. Magbonding muna kayo ng pinsan mo" dagdag pa ni mama.
Tumango naman ako sakaniya..
"Ah eh tita,hindi rin po ako magtatagal dahil may pupuntahan ako. Dinala ko lang po si miles dito para sana iwan kay elica di ko po kasi to pwedeng dalhin doon sa pupuntahan ko isa pa walang magbabantay sakaniya sa bahay kaya dinala ko nalang si miles dito" sambit ni camille. Napanganga naman ako.
So ako lang mag isa ang maiiwan dito kasama itong si miles. Naku! Kakayanin ko kaya?
"Ganon ba iha. Eh kayang kaya naman yan ni elica. Diba anak?" Baling ni mama saakin. Wala akong nagawa kaya napatango naman ako.
"Aba'y oo naman yakang yaka ko yan no" saka binuhat si baby mula kay camille.
Kaso...umiyak ang baby.
"Bakit? Ayaw mo ba kay tita? Ha?" Sabi ko kay baby pero umiiyak parin. "Naku eh nagugutom yata ito" sambit ko kay camille at kinuha ko ang gatas mula sa kanya.
"Ito na baby dede na ang baby hehe" pero ayaw parin niyang tumigil sa pag iyak. Kahit na ung gatas ay ayaw niyang ipasok sa bibig niya.
Naku parang hindi ko yata ito kaya. Kinuha muli ni camille si miles sakin saka sya tumayo at hinile ito.
"Baby stop crying okay. Aalis lang si mama saglit nandyan naman si tita. Hindi ka pababayaan ni tita okay?" Sambit ni camille kay miles habang hinihile ito.
"Oh siya aalis na kami ni manang ha" sambit ni mama saka tuluyan ng umalis. Kaming dalawa nalang ni camille ang natira dito.
Naku! Mukhang magiging baby sitter ako ngayong araw ah? Kakayanin ko kayang alagaan ang baby na to. Hay! Pamangkin wag mo kong pahirapan ha.
![](https://img.wattpad.com/cover/85994150-288-k204787.jpg)
BINABASA MO ANG
My Senior Crush (COMPLETED)
Novela JuvenilIn a simple flash of your camera,will you be that 'extra ready' if he notices you? What if that case happens? So let the story begin... My Senior Crush All Rights Reserved. Copyright (c) 2017 Started: (I really forgot) RANK ⭐️ #42 in TEEN FICTION