Chapter 23
• ELICA POINT OF VIEW •
Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw,paglipas ng gabi
Kung di pipilitin ang di pa para sa akin
Baka sakaling maibalik 🎶Nakakaiyak naman tong kantang to lalo na't ngayong di kami nagkita ni red.
*door knocks*
"Pasok!" Sambit ko saka ibinaba ang earphones ko mula sa tenga ko.
"Anak" sambit ni mama
"Yes?"
"Nandiyan si red sa baba basang basa dahil naulanan kanina pa pala siya sumisigaw sa labas hindi ko narinig agad dahil nagluluto kami ng hapunan ni manang. Mag ayos kana at saka ka bumaba"
"Ano?!" Naulanan siya? Eh paano kung magkasakit siya. Agad agad akong bumangon saka ako bumaba.
"Bro may extra shirt ka ba,naulanan ako eh" narinig kong sabi ni red mula sa hagdan. May kasama ba siya?
"Oo saglit lng" si kuya pala.
Pagbaba ko ay nakasalubong ko si kuya at tinignan niya ko ng maatim tss problema nito.
"Red" sambit ko nang makaharap ko siya
"Sorry hindi ako nakapunta" Sambit niya.
Tumaas naman ang kilay ko tss nakakainis ka red alam mo ba yon! Hayss
"Alam kong galit ka pero sana mapatawad mo ko baka bukas nlng tayo uli magkita sa park..ah hindi susunduin nalang kita para sure at hindi kana mag antay pa." Sambit niyang muli.
Magsasalita na sana ko uli pero si kuya naman biglang binato ung shirt kay red. Hays papansin talaga.
"Sa labas na tayo mag usap" turo ko sa labas at may bubong naman don kaya paniguradong hindi kami mababasa ng ulan. May wood chair din don na pang love seat at doon kami uupo.
"Teka lang palit lang ako" saka niya tinungo ang cr. oo alam niya na kung saan eh minsan napupunta yan dito kasama ang buong team kaya ayun alam niya na ang pasikot sikot dito sa bahay namin.
Pagbalik niya ay lumabas na kami. Si kuya naman ay umakyat na buti naman noh.
"Sure ka bang makakapunta ka? Baka maghintay nanaman ako sa wala" Sambit ko.
"Oo promise." Sagot niya "Sorry talaga ha promise babawi ako."
"Siguraduhin mo lang tss." Saka ko siya tinarayan.
"You're cute even when you're like these oh" tapos ginaya ung pagtataray ko.
"HAHAHAHAHA NYETA KA"
"First of all wag mo kong minumura dahil ginagaya lang kita" nakangiting sabi niya
"Psh! Loko loko!" Sabi ko
"Loko loko talaga ako...pagdating sayo"
"Ha?" Di ko narinig ung huli niyang sinabi tumingin kasi siya sa ibang direction saka biglang lumakas ung ulan.
"Wala" sabi niya.
Wala dw eh may sinabi siya kanina eh ano kaya yon?
Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto.
"Kakain na..Oh nandito pa pala si red,dito kana magtanghalian iho may hinanda akong sinigang" sabi ni mama. Alam ko un ang paborito ni red eh at paborito ko narin dahil alam kong paborito niya un gaya gaya lang haha.
"Exacto po paborito ko un tita haha" sabi ni red kay mama.
"Tara na pasok na kayo sa loob" sabi uli ni mama.
"Sige po susunod na kami" sambit ko
"Basta ung usapan natin red ha baka ikaw nanaman ang makalimot at di sumipot" sabi ko sakaniya na may halong paninigurado.
Bigla niya kong inakbayan na ikinagulat at ikinapula ng pisngi ko.
"Makakalimutan ba naman kita. Kung kanina eh di ako nakapunta dahil may nangyari bukas sinisigurado kong di ko makakalimutan yon noh haha"
Di na ko nakasagot dahil di parin ako nakaget over sa pag akbay niya sakin.
"Tara pasok na tayo sa loob"
"S-Sige" at pumasok na kami sa loob
Jusme kinikilig ako. Nakaakbay parin siya sakin until now. Binitawan nya lang ako ng makasalubong namin si kuya dahil panigurado akong tatalakan kami nito. Eh pano parang babae yan kung makaratatat eh haha.
Umupo na kami at sabay sabay na kumain. Im so happy dahil nandito si red di man siya nakapunta sa date namin pinuntahan niya naman ako dito kahit na umuulan ng malakas.
BINABASA MO ANG
My Senior Crush (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsIn a simple flash of your camera,will you be that 'extra ready' if he notices you? What if that case happens? So let the story begin... My Senior Crush All Rights Reserved. Copyright (c) 2017 Started: (I really forgot) RANK ⭐️ #42 in TEEN FICTION