✴ Chapter 1

50.4K 695 54
                                    

Harley Stillford

Napamulat ako dahil sa mumunting halik sa aking pisngi at ang magandang mukha ng girlfriend ko ang una kong nakita. Hinawakan ko ang braso niya at hinatak siya pahiga sa tabi ko para yakapin.

"Bangon na po at baka lumamig pa ang breakfast na inihanda ko."

"Two minutes." Request ko dahil inaantok pa talaga ako.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakahiga at nakayakap din sa akin. Ang sarap talaga yakapin ng girlfriend ko.

"Tapos na ang two minutes, kapag hindi ka pa bumangon itatapon ko ang mga album ng One Direction mo."

Bigla akong napaupo at binato siya ng unan sa mukha. Kapag tinatamad pa akong bumangon ay laging iyan ang ipinapang-blackmail niya sa akin. Natatawa naman siyang lumabas ng kuwarto kaya bumangon na ako at lumabas na rin. Dumiretso ako sa bathroom para maligo.

"Babe, bilisan mo na baka ma-late tayo!" Sigaw ni Karen sa tapat ng bathroom door.

Every morning ay laging pumupunta rito si Karen para sunduin ako at paglutuan ng agahan. Marunong naman akong magluto pero makulit ang girlfriend ko at gustong siya lagi ang magluluto. May duplicate rin siya ng susi sa condo ko kaya hindi na niya kailangan pang mag-buzzer.

After kong mag-shower at mag-ayos ay naabutan ko siyang nagtitimpla ng kape kaya yumakap ako sa kanya mula sa likod.

"Kain ka na at safe pa ang mga album mo." May ngisi sa labing paninigurado pa niya.

"Subukan mo lang talaga." Banta ko pa.

Sabay na kaming kumain at nung matapos ay umalis na rin agad. Habang nasa biyahe ay napag-usapan namin ang tungkol sa Women's Basketball Club. Tinatanong niya kung papayag na raw ba akong sumali sa team. Sa totoo lang ay hindi pa talaga ako sigurado lalo na't Student Council President ako. Mayroon pang isang dahilan, hindi gusto ni Mom na sumali ako sa sports club. Modeling ang gusto niyang pasukin ko.

Nang maiparada niya ang sasakyan at patayin ang makina, lumabas na kaming dalawa. Sinalubong kaming dalawa ng mga kaibigan niya. Sina Ellen De Guzman, Jaz Soriano at Danielle Lorenzo.

"Good morning Captain and miss President!" Masiglang bati ni Jaz.

"Good morning." Nakangiti rin na balik ko sa kanya.

Lumapit sa akin si Jaz para sana yakapin ako pero humarang agad si Karen na ikinatawa ni Ellen.

"Ikaw talaga pati girlfriend ko balak mo pang sulutin."

"Yayakap lang naman eh."

"Tara na Harley, iwan na natin ang dalawang tukmol na yan." Tumango ako kay Ellen kaya nauna na kaming naglakad kasama si Danielle. Sumunod din agad sina Karen at Jaz sa paglalakad namin.

Nasa hallway na kaming lima at nandito na naman ang mga fangirls at fanboys nilang apat.

Hinatid na muna nila ako sa room bago sila pumunta sa kani-kanilang klase.

"May meeting daw tayo sabi ni Prof. Mendoza."

Kakaupo ko pa lang ay ayan na agad ang ibinungad ni Margarette sa akin. Vice President siya sa Student Council.

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon