Soundtrack: Iron by Within Temptation
Her POV
If I would list the things that I don't like and makes me furious, well, here are the two of them. One, I highly don't like bitches. The feeling of being back stabbed boils my blood. Second, I hate it when someone messes with my privacy. I have my rights and my personal space should never be invaded by any uninvited creature.
Nanatili akong tahimik na nakatingin sa pinto ng aking silid. Sino ang walang modong pumasok rito?
"Sister, you need to transfer to a new room." Tiningnan ko ang kapatid kong nag aalala na rin. Nahihiya ako dahil mukhang hinintay niya pa akong makauwi at inabot na ng hatinggabi. Dapat sa kanya ay nagpapahinga na kasama ang propesor ngunit nanatili parin siya para maabutan ang pagdating ko. At ngayon ay mas lalo pa siyang naabala dahil sa pangyayaring ito. Tipid akong ngumiti sa kanya habang ang dalawang lalake naman ay tahimik na nagmamasid.
"You can transfer to my room so that you'll be safe. Malcolm, you stay with the reaper" may awtoridad nitong utos. Mabilis na tumango ang propesor habang ang aking tagabantay naman ay tahimik parin nguit alam kong hindi naman siya tumututol.
"That's it then. Go to sleep now" Nagsimula nang maglakad papunta sa kanilang kwarto ang dalawang lalake ngunit bago sila tuluyang makaalis ay binigyan ako ng nag aalalang tingin ng aking tagabantay. Ngumiti lamang ako sa kanya bilang pagsiguro. Alam kong wala akong dapat na ikabahala dahil kasama ko ang aking kapatid.
"Let's go sister"
Halos kaparehas lang ng aking kwarto ang kwarto ni Nirvana. Nagkakaiba na lamang sa mga gamit dahil pareho silang dito tumutuloy ng propesor. Kumpara sa kwarto kong halos puro itim, her room has a shade of gray and white, fortunately. Nakita kong panay ang ayos niya ng kanyang silid pati na rin sa restroom.
"Do you need anything? Would you want to take a warm bath before sleeping or do you want to eat something first?" sunod sunod nitong tanong sa akin habang sinisigurong nakasarado ang malalaking bintana ng kanyang silid. Itinabing niya na rin ang malalaking kurtina rito upang matakpan ang kanyang kwarto mula sa labas. Ngumiti ako sa kanya bago umiling.
"Nirvana, I'm sorry for making you stay this late. You should take a rest now. I can handle myself" paninigurado ko. Natutuwa akong malaman na ganito ako kaimportante sa kanya. Ang swerte swerte ko sa mga taong nakakasama ko dahil sobra sobra ang pagmamahal nila. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking kamay bago kami umupo sa kanyang kama.
"Sister, it's my responsibility to look after you. And it's not even a burden to me. I just want to be the best 'ate' for you" ibinalik ko ang ngiti niya at tumango sa kanya.
"You have already done your part, Nirvana. I am the one in charge of this family now. Please, give yourself a break. Spend time with the professor"
Alam kong matagal na silang mag asawa at sa tingin ko maging sina ama at ina ay naghihintay ng rin ng bagong myembro ng pamilya. Mukhang hindi lamang ito napagtutuunan ng pansin ng aking kapatid dahil sa marami siyang inaalala, at isa na ako doon. I promised to give her the happiness that she deserves and I think this is already the right time for her to start a family and settle down.
BINABASA MO ANG
Unbroken
Action[TAGLISH] When the mafia boss took her reign........ Mysterious. Aloof. Silent. She was Perrie Holstein. The famous university scholar and bestfriend of the elite heiress Alexandria Morfell. In a world where everyone picks on lone ladies, she was...
