Her POV
                              
                              Nirvana showed me the picture sent to her by an anonymous idiot. It was a picture taken from a building and it showed a huge transparent window. At sa labas ng bintana ay ang eroplanong nakahanda na para sa pag alis nina ama. You've got to be fcking kidding me. You've got to be really fcking kidding me.
                              
                              "I'll track the IP address of the sender."
                              
                              I grabbed my phone and tried calling them. But there was no connection at all. 
                              
                              "Someone's messing with the communication lines, sister. I can't track them down. Maging ang una mong kalaro ay hindi ko na masundan kung nasaan." 
                              
                              We're doomed. Alam kong sa mga oras na ito ay malapit na sina ama at ina sa airport. Kung pupwede ko lamang paliparin ang sasakyan na ito ay gagawin ko. I should have called Trione and anyone for backup, but the communication lines were jammed. 
                              
                              We have no choice right now. Narinig ko ang bawat galaw ni Nirvana. She's prepping, not her guns, but her blades. May inabot siya sa likuran ng sasakyan at may kinuha sa ilalim ng upuan. I was surprised when she showed me two Katanas. 
                              
                              "Choose one sister."  
                              
                              Reapers and their blades sometimes scare me. Umiling ako sa kanya at nagbalik ng tingin sa daan. 
                              
                              "Let's split. I'll head for the one who sent me the threat and you take care of mom and dad." 
                              
                              Hindi ko na makuha pang intindihin ang sinabi niya dahil sa kaba. If it could have been of any consolation, natatanaw ko na ang airport. Ngunit mas lalo kong ikinagimbal nang makita kong malawak ang pagkakabukas ng harang at sa loob ay nakaparada na ang mga sasakyang ginamit ni ina. Limang itim na sasakyan. Limang sasakyang halos wasak na at basag basag ang mga bintana. At sa paligid nito ay nakahandusay ang aking mga tauhan.
                              
                              I immediately pulled up and went out of the car not thinking that someone might assault me or my sister. I saw Nirvana ran towards the building with her guns and her Katanas. Agad kong hinanap ang sasakyang ginamit nina ina at nakitang bukas ang mga pinto rito. Wala sila rito. Lahat ng mga bantay ay wala nang buhay at hindi ko alam kung nasaan sila. It was an ambush. Bago pa man makarating sina ama rito ay nauna na ang kalaban.
                              
                              Halos matumba ako dahil sa panghihina nang marinig ang mga tawa ng isang babae. Iniangat ko ang aking tingin at sa di kalayuan, kung saan nakaparada ang eroplano, nakatayo ang apat na tao habang nakaluhod sa harap nila ang isa pa. Nakayuko ito at sa tingin ko ay wala nang malay. Ang babaeng nakaluhod ay duguan ang ulo. Itinayo ng isang lalake ang duguang batang babae gamit ang buhok nito. I heard Harper whimper out of pain and I immediately pulled my gun.
                              
                              "Oops, not yet, Lord Third. Her head will surely explode if you pull that trigger." malamig na pahayag ng babae na sa tingin ko ay ang pinuno ng tatlong lalakeng kasama niya. Idiniin ng lalake ang kanyang baril sa sintido ng batang babae. I tightened my grip on my gun. Hindi ko kilala ang mga taong ito at nasisiguro kong hindi sila tauhan ng kalaro ko. They must be the new prey that Nirvana was talking about.
                                      
                                   
                                              BINABASA MO ANG
Unbroken
Action[TAGLISH] When the mafia boss took her reign........ Mysterious. Aloof. Silent. She was Perrie Holstein. The famous university scholar and bestfriend of the elite heiress Alexandria Morfell. In a world where everyone picks on lone ladies, she was...
 
                                               
                                                  