Chapter 29 Vision

174 7 0
                                    

Cary Hiroyuki Tagawa as Sebastiano Genpou.



Her POV

Everytime this man goes to this house, I can feel the tension. I am aware that he is the monster of all monsters, but it still creeps me out. How can he inflict so much fear in everyone, even in his family? Sa tindig pa lamang niya ay nagbibigay na ito ng nakakatakot na awra. Ang kanyang mga singkit na mata ay mas lalong nagbibigay sa kanya ng ma-awtoridad na pagkatao. Kahit na matanda na siya ay hindi mo maikakaila ang kanyang galing at talino. Ang kanyang pagiging respetadong tao sa mafia at pagiging makapangyarihan ay kasama niya kahit saan siya magpunta.

"Malcolm, go back to our room and continue with your work. We'll have the vacation next time"

Malamig ang mga tingin ng aking kapatid sa ginoong nakangisi sa propesor. Kadarating lamang nito at halos hindi pa nakakapasok ng mansyon dahil sa nagkasalubong sila ng aking kapatid. Ilang araw rin itong hindi nagpakita. Hindi ko alam kung saan ito tumutuloy kasama ang kanyang mga tagapagtugis. We respect each family's privacy.

"Pero mahal, wala naman---"

"Love, please." Nagpipigil ng galit si Nirvana dahil sa kulit ng propesor. Ngayon nakatakda ang pag alis nila para sa kanilang bakasyon ngunit mukhang hindi iyon matutuloy. I motioned Raijin to go with the professor and keep him in his room. Nang makaalis na sila ay mas lalo paring tumindi ang nararamdaman kong kaba ngunit itinatago ko na lamang iyon.

"I am a bit hurt that you never introduced me to your husband, dearest Nirvana" pahayag ng ginoo bago tinungo ang upuan sa sala. Sinalubong ito ng binatang nagsilbi kong alalay at nagbigay galang rito.

"Forgive me Sebastiano but I have to keep him safe." Naupo ang aking kapatid sa tapat ng ginoo at tumabi naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit naririto ang unang boss ngunit sa tingin ko ay may kinalaman ito sa mafia.

"Don't make it sound like I am his predator." Sagot ng ginoo. Ramdam ko ang inis ng aking kapatid dahil sa hawak niya ang aking kamay at mahigpit ang pagkakapit niya roon. I calmed her down before speaking.

"What brought you here, Sebastiano?" I asked.

Nag iba naman ng timpla ang mukha nito. Mula sa pagiging mabangis na hayop ay ngumiti ito ng malawak.

"I just want to congratulate you, Curran. You have passed my tests. Killing the reapers in front of their masters, and inside Pentagon was not what I was expecting."

I knew it. It was his reaper. Alam kong ang tagapagtugis niya ang pumasok dito sa bahay at inilagay ang listahang iyon sa aking kwarto. At alam ko kung sino ang partikular na tagapagtugis na iyon. Her unusual hair color was visible in my black carpet. They tried to threaten me, thinking that I would take careless actions.

Marahan itong pumalakpak sa akin bago nagsalitang muli.

"I am pleased to know that you didn't go with the traditional practice of a Sullivano."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya habang ang kapatid ko naman ay tahimik paring pinapatay sa isip niya ang matanda. Nakatayo rin sa tabi ng ginoo ang aking alalay na nakikinig lamang.

"What are you talking about?"

"The usual Sullivano practice. You know, when you found someone worth dying for, you become weak. That's what history reveals about your family. Beside you is a clear example." Malamig nitong pahayag bago tiningnan ang aking kapatid.

"I am happy that there is no 'someone' that's blocking you from unleashing your devils. Keep it up, Curran" pagpapatuloy nito.

I see. He was disappointed with my sister. Nirvana was the monster princess tamed by the weird professor. She was once the number one Reaper of Octagon, but her reign was cut short when she fell for the man. And because my sister loves him so much, she gave up being a Reaper and remained as the Lord Viktor's right hand man. She did it all because of the professor. She's the real lady in love, I could tell.

UnbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon