Chapter 21 Perfect Melody

251 7 1
                                    


Trione's POV

Abala ako sa pagmamaneho habang ang aking katabi ay nanatiling nakatingin sa daan, nakangiti at para bang may inaalala. Ang ginoo naman na nakaupo sa likuran ay tahimik na inaasikaso ang kanyang negosyo, the legal one. We are headed to Pentagon which is approximately an hour from Toledo kaya malayo ito mula sa mansyon at matagal ang byahe. Nais makausap ng ginoo ang mga traydor at ngayong malapit na kami sa lugar na iyon ay nararamdaman ko na ang tensyon. Ano kaya ang maaaring mangyari?

"Lord Viktor, hindi po ba masyadong delikado na hinayaan nating lumabas ang mag iina?" narinig kong tanong ng kapatid ko sa ginoo. The Queen and her daughters insisted that we don't join them in their "date". Sa tingin ko naman ay walang masamang mangyayari dahil kasama nila ang panganay na Sullivano at ang pinakabatang tagabantay. Isa pa, marami ring tauhan ang mga nakabantay sa kanila maliban sa sampung kasama nila. Hindi lang sinabi ng ginoo dahil alam niyang hindi papayag ang kanyang asawa. Ayaw nito ng sobrang atensyon.

"Kaya namang protektahan ng aking mga anak ang kanilang ina, kasama pa ang babaeng Ulyanov." Nakangiting pagsiguro nito sa aking kapatid. Tumango lamang si Raijin ngunit alam kong nag aalala parin siya.

"Nabalitaan ko ang nangyaring pagdukot sa aking anak at sa iyo Raijin. Maari ko bang malaman kung sino ang nagsanay sa aking anak?" tanong ng ginoo.

"Ang kanyang nakatatandang kapatid, ginoo" tumango tango ang ginoo at ngumiti ito ng malaman niyang nagkakasundo ang kanyang dalawang anak. At bakit naman hindi? Kahit na ang posisyon sa pagiging boss ng mafia ay inihabilin sa batang Sullivano, hindi ito naging dahilan para mainggit si Nirvana. Isa pa, si Nirvana rin ang humiling na ibigay na lamang ito sa kapatid niya.



-----

Agad naming tinungo ang selda ng mga traydor at hinanap ang mag amang Montgomery. Nasa pinakadulo pa ito ng silid. Nang marating namin iyon ay nadatnan namin ang mag amang tahimik na nakaupo sa sahig at nakatingin sa kawalan.


"Kapatid"


Nang marinig iyon ng ginoong Arthur ay agad itong nag angat ng tingin, ganun rin ang kanyang anak. Raijin and I stepped backwards and watched in silence while Lord Viktor opened the metal cell and entered. Nakita ko ang takot sa mga mata ng batang Montgomery."Tss. Wifey. Insane" narinig kong komento ni Raijin at alam ko kung bakit ganun na lamang ang pagkainis niya. He is a possessive man and he doesn't like it when someone messes with what belongs to him. At alam kong abot abot ang inis niya nang marinig niya ang tawag ni Logan sa batang Sullivano. It also irritates my ears. Damn wifey.


"Hindi ako hihingi ng tawad sa iyo Viktor, kung iyon ang ipinunta mo rito." Matalim na pahayag ng ginoong Arthur habang nanatili ang tingin sa sahig ngunit kalmado ang boss. He is really a man of honor. Tahimik lamang ang anak nitong nakamasid. Maya maya ay naibaling nito ang tingin sa aming dalawa ni Raijin at ngumisi. He then mouthed something."Where's my wifey?" tanong niya ng walang tinig na lumalabas sa kanya. Nakita ko ang pagkainis sa mukha ni Raijin at alam kong pinipigilan niyang sugurin ang baliw.

"Chill brother. He's a lunatic man. Understand him" pagpapakalma ko sa kanya ngunit umiling iling lamang ito habang nanatili ang inis sa kanyang mukha.

"I don't care if he's insane. I want him dead. Freakin' wifey. Tsk. He even dared to touch her face" napangiti na lamang ako sa kung gaano siya naapektuhan sa maliit na bagay na iyon. Kahit siguro munting insekto ay papatulan niya kapag nakita niyang dumapo ito sa kanyang minamahal. Nakakatawang isipin na kahit hindi niya tahasang ipinapahayag ang nararamdaman niya sa batang Sullivano ay kabaligtaran ito ng inaakto niya. Actions speak louder than words, brother.

UnbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon