Chapter 45 Happy Ending

147 6 6
                                    

Soundtrack: Almost Home by Alex and Sierra

We know how this ends
Fade into forever

The road is wild
We're holding on for life
Like a child
Who's not afraid to cry
We're escaping to a place they'll never know
Just you and me love
We are almost home

Her POV

I faced the rays of the sun with my naked eyes before closing them.

"You can't look at the sun directly, idiot Perrie." I said to myself. I leaned on the old tree and felt the warm breeze of the summer air mixed with a cold one. The night is soon to come. Lumalamig na ang hangin at nararamdaman ko na rin ang unti unting pagkawala ng init ng araw. Nanatili akong nakapikit at pinakiramdaman iyon.

Nandito ako sa paborito kong tambayan sa tabi ng aming mansyon. Ang punong kahoy na ito ay halos sampung metro ang layo sa bahay ng mga Holstein. Mula dito ay sampung metro rin ang layo ng bahay ng mga Trivago, ang pamilya ni Kaelan. Si Kaelan ay ang batang lalakeng palaging kalaro ni Diana, ang bata mula sa ampunan na palaging tumatakas. Silang tatlo nina Alexandria ay halos hindi mapigil sa katatakbo doon sa park. Habang ang dalawang batang babae ay naghahabulan, pinagmamasdan lamang sila ng batang lalake na may ngiti sa mga labi.

Isang beses ay naitanong ko sa kanya kung bakit hindi niya kasama ang kanyang mga kapatid. Si Trione lamang ang nakikita kong madalas na inihahatid si Kaelan sa park para maglaro. Hindi ko pa personal na nakita ang isa pa niyang kapatid. Bakit kaya hindi iyon lumalabas ng bahay? Ang kwento ni Kaelan ay mahilig raw iyon magbasa at mag aral. Hindi raw iyon nakikipaghalubilo sa mga tao dahil sa wala itong interes. Mas pipiliin raw nito ang magbasa ng isang makapal na aklat kaysa sa sayangin ang oras sa paglalaro. Hindi ba siya nalulungkot? Mas masaya ang maglaro kasama ang mga kapwa mong bata.

Natawa ako ng mahina dahil sa iniisip ko. Maging ako man ay nagmamasid lamang at hindi nakikipaglaro. Bakit? Hindi ko alam. Siguro ay dahil sa wala akong nararamdaman. Parang may hinahanap ako at hindi ko magagawang magsaya hanggat hindi ko iyon nakikita.


Nakarinig ako ang isang mahinang kaluskos dahilan para imulat ko ang aking mata. Ang dapat na madadatnan ko ay ang tanawin ng madilim nang kalsada ngunit hindi. Sa pagmulat ko ay isang pares rin ng mga mata ang nakatingin sa akin. Malamig ang mga tingin nito at sinisalamin nito ang aking mga mata. Ilang minuto kong pinagmasdan ang mga nakakalunod na pares na iyon bago ko napagtantong nakalambitin siya sa puno. Tumingala ako at nakitang ang dalawa niyang binti ay nakasabit sa malaking sanga ng kahoy habang ang kanyang mga kamay ay magkahawak sa kanyang batok.

"Bakit ka tumatawa ng nakapikit?" kunot-noong tanong ng lalake.

Kung gaano kalamig ang kanyang mga titig ay ganoon rin ang kanyang tinig. Hindi ko sinagot ang kanyang tanong at sinuring muli ang kanyang mukha. Matangos ang kanyang ilong at mapupula ang kanyang mga labi. Ang maiksi niyang buhok ay mas lalong nagbibigay sa kanya ng kagwapuhan. Sa tingin ko ay mas matanda siya ng dalawang taon sa akin. He might be fourteen years old, if that's the case. May itsura ang lalake at hindi ko iyon maikakala. Sa tingin ko ay maraming nagkakagusto sa kanya na mga babae sa kanyang paaralan.

"Bakit mo ako tinitingnan?" tanong niya na parang biglang nahiya. Nanatili parin siyang nakalambitin ng pabaliktad sa puno. Hindi ba siya nangangalay? Bakit siya naririto? Ngayon ko lamang nakita ang lalakeng ito rito.

"Masama bang tumawa ng nakapikit?" balik tanong ko sa kanya gamit ang malamig kong boses.

Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha nang marinig niya ako. Saglit niya akong sinuri at para bang kinikilala ako. Mukhang pareho kami. Parehong malamig ang aming mga titig at pananalita. Pareho kaming tipid ang mga ngiting ibinibigay. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod kong nakita at mararamdaman.

UnbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon