Chapter 55 Unbroken

294 7 6
                                    

Soundtrack: All I Need by Within Temptations

Warning: Rated SPG--Super duper to the extreme and highest level of parental guidance is needed. :) Scenes may not be suitable for those who have fear with... blood. :)


Her POV

Halos mapako ako sa aking kinatatayuan habang nakatulala sa sahig. Ang dalawang tagabantay ay gulat paring nakatingin sa entabladong hindi ko magawang lingunin. Even Harper cannot find the right words to comment on what just happened in front of them. More likely, she cannot believe on what she saw. The professor, I wasn't able to protect him.


Ang mga pinuno ng bawat pamilya ay hindi makapagsalita at nanatiling bihag ng mga tagapagtugis. Ang dalawang magkapatid ay para naging estatwa na lamang habang nag iisip ng paraan upang makatakas. Trying to stand still, my eyes became watery. Nangingilid na ang aking mga luha habang pilit na iniiwasang tingnan ng aking mga mata ang babae. The number one reaper is here. My sister is here.


"Nirvana." Nagsimula akong magsalita, nanginginig parin ako at ang boses ay nanghihina. Hindi ko parin tinitingnan ang entablado kung saan naroroon ang propesor na sa tingin ko ay wala nang buhay. 


"I'm sorry, Nirvana" bumuhos na ang luha sa aking mga mata at napaluhod na lamang ako. "I'm sorry." Gustuhin ko mang lapitan ang aking kapatid ay wala akong mukhang maihaharap sa kanya.


Narinig ko na lamang ang kanyang boses na nagtatanong. "What are you saying, sister? Bakit humihingi ka ng tawad?"


Umiling iling ako bago paulit ulit na humingi ng tawad sa kanya. Hindi ko alam kung sapat ba ang paghingi ko ng tawad para sa buhay ng kanyang asawa na sa tingin ko ay hindi niya pa nakikita. Hindi ko alam kung ano ang maaaring gawin niya sa akin gayong ako ang dahilan kayat nawala na ang kanyang pinakamamahal na propesor. I was planning to give her a happy ending but I failed again. Everytime I try to protect them and give them the happiness that they deserve, I always end up hurting them. Mom and dad, why did you even named me Curran? Hindi ko man lamang mapanindigan ang aking pangalan.


Nang maintindihan ni Nirvana ang tinutukoy ko ay nagpabalik balik ang tingin niya sa entablado at sa akin. Bigla na lamang ay tumawa ito dahilan para mapatingin ako sa kanya at matigil sa pag iyak.


Looking past me, at those creatures on the platform, Nirvana ordered. "You can let go of that moron now, Alexandria Morfell and Kaelan Trivago."


What?


Hindi ako nakapagsalita. Para akong nabuhusan ng tubig na malamig at mas lalo akong nanginig ng marinig ang boses ng propesor na akala ko ay wala na. Isang malalim na hininga ang hinugot noon bago nagsalita.


"Jusmiyo! Ang hirap naman huminga kung dalawang bubwit ang pumipigil sa ilong ko at bibig! Ang sama mo mahal!"


Unti unti ay tumayo ako at buong lakas na nilingon ko ang entablado. "Baka pwede niyo na rin tanggalin ang pagkakagapos at pagkakapiring sa akin eh no? Nakakalalaki na!"


Sa harap ko ay ang propesor na akala ko ay pinaulanan na ng bala. Nakatayo parin siya at nakapiring ang mga mata habang may gapos ang kanyang mga kamay. At sa kanyang tabi ay ang dalawang taong tinukoy ng aking kapatid.

UnbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon