Chapter 44 Escape from Alcatraz

115 6 0
                                    

Her POV

"Mom, dad" I called them. I can't believe that I am seeing them. My mom and my dad were both smiling at me. But where am I? This place looks really bright. Lumapit sa akin ang aking ama at niyakap ako. Sunod naman ang aking ina. Kumpara sa aking ama, mas mahigpit ang pagkakayakap niya. Gaano ba sila katagal na nawala? Gustong gusto ko ang pakiramdam ng niyayakap. Parang nabibigyan ako ng seguridad na hindi ako nag iisa. Na kahit gaano kasakit ang pinagdaraanan ko, magiging maayos ang lahat. Na kaya ko.

I hugged my mom tightly. Suddenly, I heard her sobs. Paunti unti ay lumalakas ang paghikbi niya hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagkabasa ng aking damit sa may balikat. Tiningnan ko ang aking ina at luhaan ang kanyang mga mata.


"Mom, why?" I asked her but she kept on crying. Umiiyak siya ng sobra sobra at kitang kita ko ang pagdadalamhati niya. Pagdadalamhati? Bakit? I took a glance of my dad to search for an answer. But then, he was looking at me strangely. His dark eyes buried my soul. He looks disappointed.


Unti unting nawala ang paghikbi ng aking ina at nagsimula na itong lumayo sa akin. At habang papalayo silang dalawa at unti unting naglalaho, nakita ko ang kanyang mukha. Ang mukha ng taong naging simula ng lahat. Ang kanyang halos puting mga mata ay nababasa ng mga luha. Bakit? Bakit siya umiiyak?

"Sebastiano"


Napabalikwas ako ng maalala ang mukha ng matanda. Halos naghahabol ako ng hangin at mabilis ang tibok ng aking puso. Kinapa ko ang aking mukha at basa ito ng mga luhang hindi ko namalayang bumuhos na pala. Nanaginip ako. I looked around and I was on my room. At sa tabi ng aking kama ay ang lalakeng natutulog sa mahabang itim na sofa. Did I pass out? Why?

And then memories of what happened flashed into my mind.

Another seal was broken.

Just like that, my floodgates went open once again. Sunod sunod ang pagbuhos ng mga luha ko at hindi ko na mapigilan pang umiyak. Bakit? Bakit hindi ko nagawang protektahan siya?

"Lord Third."

Pinunas ko ang mga luha nang maamlipungatan ang lalake. Nagdadalawang isip siya kung lalapitan niya ba ako o hindi. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkaawa. At hindi ko mapigilang muling maiyak.

"I killed him Trione. I killed the old man." I said in between sobs. Muli nanamang bumaha ang aking mga luha. Although my visions were blurry, I saw him immediately walked into me and gave me a comforting hug.

"Ssh. No, you didn't kill him Curran. Wala kang kasalanan." He said, trying to comfort me. Umiling iling ako sa kanya. Hindi ko na kayang pigilan ang aking mga luha. Bakit ganito? I was trying. I was trying to protect everyone but I end up losing them. My name screams it all, that I should be everyone's hero. But what did I do? I lost them. I lost another one.

"I am useless. I caused their deaths. I am a failure as a boss, Trione." Hinigpitan niya ang kanyang pagkakayakap kaya naman nabawasan ang sakit sa aking puso. Ngunit hindi ko magawang pigilin ang aking mga luha.

"Hindi iyan totoo. Hindi mo kayang kontrolin lahat ng bagay, Curran. But I can see how much you are trying to be strong. You are not a failure. The Lord First is surely proud. Even your king and queen are. " pagkumbinsi niya sa akin.


Hindi ko parin matanggap. Hindi ko kayang tanggapin na ganoon na lamang ang nangyari sa matanda. And I feel guilty. I feel guilty for hating him. Itrinato ko siya na parang isa siyang halimaw na dapat kamuhian. Isang halimaw na dapat nang mawala. And I guess, the heavens are punishing me for resenting him. I deserved it. I deserved every pain that I am feeling right now.


UnbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon