Epilogue

577 7 7
                                        

Soundtrack: Unbroken by Ashes Remain (forgive me for using this song again but damn! It was really awesome having this song played while I envision their happy ending. :)


I started this with their point of views so I'll end it the same way.



Trione's POV


Ten years passed like a blur. Parang kailan lamang ay nasa madilim akong mundo. Puno ng kalungkutan at paghihirap. If a little bit of happiness visits your dim lighted cave, a thousand pain will surely come after. The world that I once lived in created so many deaths. Some of them are caused by me. However, now is different. And I owe it to her. And to him.


Ang akala ko ay iniwan na ako ng aking kapatid. Ang akala ko ay hindi ko na muling makikita ang naging kadamay ko sa lahat ng bagay. Ngunit naalala ko parin ang gabing iyon. Ang gabing nagtapos ang lahat. Nangyari iyon dahil dumating siya. When the lady was losing all the sanity left in her, thinking that she failed to protect her beloved sister's heart, he came back. He came back and took down those men in a snap.


Alam kong kahit kalian ay hindi ko mapapantayan ang aking kapatid. Curran was right. I wanted to compete with him. Gusto kong makipagkompetensiya sa sarili kong kapatid dahil ayokong napag iiwanan. I was left by my parents in an orphanage and it drowned me. Baka kaya nila ako iniwan ay dahil sa hindi ako ang pinapangarap nilang anak. I envied the person whom I treated like my brother, thinking that I should be like him. A genius. An expert in any field. A strong reaper. But then again, I will always be just Trione Trivago while he will stay as Raijin Cole Trivago.


"Trione."


Narinig ko ang maliit na tinig ng isang batang babae. I turned around to look at her. She has a round but pretty face and chubby cheeks. Ang kanyang mga pilikmata ay masyadong mahaba at maitim. Ang kanyang mga mata ay bilugan at kasing itim ng kadiliman. Ang kanyang labi ay nanatiling nakatikop at hindi ngumingiti. How old is she to act like this? Eight. She's eight years old. Ngumiti ako sa batang babae bago inilahad ang aking mga kamay para buhatin siya. Habang nanatili ang kanyang mga blankong tingin ay lumapit siya akin at nagpabuhat.


"What is it, my princess?" I asked. Saglit nitong tiningnan ang aking mga mata. Her eyes are just like that of her mom, cold and freezing.


"Tell me about your brother. Your brother who loved mom so much he died for her."


Saglit akong natahimik. Ang aking kapatid at ang kanyang ina. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing inaalala silang dalawa. I knew from the very start that I wouldn't stand a chance at the young lady's heart. Simula pa lamang ay sila nang dalawa at kahit na pagbali baliktarin ko ang mundo, Raijin Trivago will always own Curran vi Sullivano's heart. But still, I am happy.


Tiningnan ko ang batang babae. Ang pamamaraan ng pagsasalita niya ay hindi na nababagay sa kanyang edad. She acts like a grown up kid. And why would that surprise me? It's in her blood. It runs in her body. Ngumiti akong muli bago ginulo ang kanyang buhok. Magsasalita na sana ako ng may humila sa dulo ng aking damit.


"Trione."


Isang batang lalake. Halos kamukha niya ang batang babaeng hawak hawak ko at magkasing edad sila. Nakakunot ang noo nito at para bang may gustong itanong. Ang batang babae namang karga ko ay nakatingin lamang sa kanya at tahimik na nagmamasid.

UnbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon