"When you lost too many and your heart have been emptied, that's when you become a monster. Darkness will take over and revenge is the only thing that will keep your sanity forever"
                              --Anonymous
                              
                              Her POV
                              
                              Nagising ako dahil sa lamig na nararamdaman ko. Para akong nasa loob ng kwartong masyadong mababa ang temperatura. Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at ang una kong nakita ay ang maliwanag na puting kisame. Inilibot ko ang aking paningin at napagtantong nasa ospital ako. Sa isang kanto ng silid ay ang ilang taong nakabantay sa akin at nag uusap. Mukhang hindi pa nila alam na gising na ako. 
                              
                              Muli kong naalala ang huling pangyayari bago ako napunta rito. My mom and dad died. Sebastiano died. My Vanguard died. In a span of a week, I lost so many people. I cried so many tears and cursed so many angels. I grieved for all of them but I was done doing that. Ngayon ay wala na akong maramdaman. Galit. Poot. Paghihiganti. Pagkamuhi. Pagdadalamhati. Kalungkutan. 
                              
                              Wala. Wala ni isa sa mga iyon. O sadyang pinipigilan ko lamang?
                              
                              "Never mention his name. Especially you, moron"
                              
                              "Pramis. Hindi ko babanggitin mahal."
                              
                              "She will surely wake up on a fcking berserk mode. The fcking enemy must pay for this."
                              
                              "Harper, tone it down."
                              
                              Rinig ko ang pag uusap nila. Maingay. Ang iingay nila. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ngunit napabalik sa aking posisyon. Mukhang masyadong napinsala ang aking katawan. Pinakiramdaman ko ang aking binti. Paniguradong nagamot na iyon at maaari na akong maglakad. Sinubukan kong muling bumangon. Malakas ang pagkakakapit ko sa puting higaan upang ituon ang aking katawan at makaupo. I didn't make a sound. Or maybe, I refused to hear anything. 
                              
                              Nang makabangon na ako ay tiningnan ko ang aking katawan. I was wearing the hospital gown and a hose was connected to my body. Marahas kong tinanggal ang ang karayom na nakatusok sa akin at patapon iyong binitawan. Rinig na rinig ang tunog ng pagtama ng karayom sa puting marmol na sahig ng silid. Natawag ang atensyon ng mga taong nandito at sabay sabay silang tumingin sa akin. Dalawang lalake, dalawang babae. Matagal ko rin silang hindi nakasama at nakita. Walang umimik sa kanila at tanging ang tunog lamang ng mga aparato ang nanatiling maingay. Tinitingnan nila ako na para bang hindi alam kung ano ang dapat na asahan. Ang isang lalake ay kitang kita ang panginginig habang napakapit sa babaeng katabi nito. Ang kanyang asawa. 
                              
                              "Ilang araw?" tanong ko. Wala akong direktang taong hinihingian ng sagot kaya nagkatinginan sila. Ang batang babae ay halatang gustong magsalita ngunit natatakot. Ang isa namang lalake na nasa hiwalay na upuan katapat ng batang babae ay nanatiling tahimik at yumuko. Ang propesor na nanginginig ay sinisiko ang kanyang asawa, ang aking kapatid. Tiningnan ko ang kapatid ko na halatang halata ang pag aalala. Halos namumula na rin ang mata niya. Iiyak. Gusto niyang umiyak. Naalala kong nasa estado siya ng pagiging marupok at ang pag iyak ay naging libangan niya na. Hindi niya alam ang gagawin niya pero nabasa ko sa kanyang mga mata na gusto niya akong lapitan. At tama nga ako. 
                              
                              Tumayo ang aking kapatid at tinungo ang kinaroroonan ko. Sinundan ko lamang ng tingin ang bawat galaw niya. Hinawakan niya ang kamay ko kung saan bakas ang karayom na itinusok rito. Hinaplos niya iyon bago ako tiningnan. 
                                      
                                   
                                              BINABASA MO ANG
Unbroken
Action[TAGLISH] When the mafia boss took her reign........ Mysterious. Aloof. Silent. She was Perrie Holstein. The famous university scholar and bestfriend of the elite heiress Alexandria Morfell. In a world where everyone picks on lone ladies, she was...
 
                                               
                                                  