Chapter 30 Overprotective

172 6 0
                                        


Her POV


Hinihintay kong magsalita ang aking tagabantay na nanginginig sa takot habang ang tatlong kambal naman ay nagpipigil ng tawa. I glared at the Del Fierro brothers which made them stand still and keep their eyes on the floor. Nang makita kong wala siya rito sa kwarto niya ay pumasok ako. Nilibot ko ang buong silid at wala namang kakaiba ngunit nang matapat ako sa malaking cabinet ay nakita kong nakaawang ito at gumagalaw. Agad kong kinuha ang aking baril at binuksan ang pinto noon. Those triplets were too big to fit inside a cabinet.

"I was on a secret mission tonight, Mrs. Trivago" he answered with a slight smile, trying to hide his fear. Itinaas ko ang isa kong kilay at ipinakita ang aking kamay sa tatlong lalaking nakayuko habang nanatili parin ang baril sa sintido ng aking tagabantay.

"Hey triplets, do you see any ring on my finger?" malamig kong tanong dahilan para umangat sila ng tingin at tingnan ang aking mga daliri. Sabay sabay silang mabilis na umiling at nagbalik ulit ng tingin sa sahig.

"I'll kill all of you. Tss" rinig kong bulong ni Raijin habang matalim ang tingin sa magkakapatid.

"There is no Mrs. Trivago here, Mr. Trivago. Only a Sullivano. Now, would you tell me what your secret mission was?"

"Calm down my lady. I'll tell you about the mission but please, remove that deadly thing, will you?" pakiusap niya sa akin. Agad ko namang inalis ang baril sa kanyang sintido at narinig ko ang sabay sabay nilang pagbuntong hininga. Come on Curran, don't be too scary. Nakita kong itinataboy niya palabas ang tatlong lalaki na dali dali namang tumakbo. Kinuha niya mula sa akin ang baril at isinukbit iyon sa likod niya bago ako iniupo sa dulo ng kanyang kama. Naupo siya sa tabi ko habang hawak parin ang aking mga kamay.

"Start now"

Nanatili akong blankong nakatingin sa kanya pero nakangiti lamang siya. Bigla niyang tiningnan ang aking mga kamay at hinaplos iyon.

"Gusto mo na rin bang makasuot ng singsing?" tanong nito habang nakangiti.

"Raijin."

"You should have told me. I can buy you a ring at this hour. What kind of ring do you want?" He continued, not telling me about what he's supposed to.

"Raijin Cole Trivago!" I said, calling him with his second name, while glaring at him.

"Ok! Fine! I'll tell you! Just don't call me that name." pakiusap niya kaya tumango na lamang ako. Huminga muna siya ng malalim bago ako tiningnan sa mata at nagsalita.

"I really can't tell you about it."

"Rai-"

"Trust me, you have nothing to worry. I just can't tell you about it" he continued. Nakita kong seryoso siya sa sinasabi niya at mukhang hindi ko nga siya mapipilit.

"Ok fine. Just make sure that you won't get hurt. One more thing, you can tell me if it's a secret mission. Just don't go missing in the middle of the night. Hindi pa man tayo ay naglalaro ka na ng apoy. Tss"

Nabigla siya sa sinabi ko kaya naman binigyan niya ako ng mapagbirong ngiti. Tumayo na ako at tinungo ang pinto ng kanyang kwarto.

"No goodnight kiss for me?" he asked. I glared at him before closing his door. He gave me a confused look but I just moved towards his bed and slipped under his warm blanket.

"I don't want you to sneak around once more. I'm watching you Vanguard." I said to the man who has his wide eyes at me. Hindi yata siya makapaniwalang dito ako matutulog sa kanyang kwarto. Bigla namang nag iba ang kanyang ekspresyon at ngumisi ito. Tumabi rin ito sa akin at nakangiting nagsalita.

UnbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon