Soundtrack: Everybody Lies by Jason Walker
Her POV
You cannot choose who you will be. But, you can choose what you will be. I was born from this family and I cannot choose who they would be. A Sullivano and a Genpou. They chose the wrong path in life, they made mistakes. They killed. They took away souls. But, I had a choice whether to take the same road. I had the steering wheel at my grip and I was the driver of my own car, my own life. Dapat sana ay hindi ko na pinili ang pamumuhay na ito.
If I didn't let my curiosity, my inner demon take over, I would never be this dark. Hollow and broken. If I didn't choose to let my self pride come before my rational judgement, I wouldn't be this type of a sinner. Unforgivable. What if I had refused to take the position? What if I had the courage to tell dad that I didn't want this world? That I never wanted to be the mafia boss?
I only have the what if's right now.
Ngumiti ang lalake sa akin bago nagpalingalinga. Iniisip kung ano ang sasabihin, iniisip kung ano ang ginagawa ko rito.
"My sister." I pointed at the door which made him bring back his gaze, "She needs to confirm few things." Tiningnan niya ang pinto at binasa kung anong klaseng bagay ang dapat na makumpirma ng aking kapatid. Nang malaman niya kung ano iyon ay saglit na gumuhit ang gulat sa kanyang mukha.
Nauutal na nagtanong ang lalake. "Is s-she? Is Lady Ni-Nirvana.."
Tumango ako sa kanya habang may ngiti sa aking mga labi. "Yes. I think she is."
He showed his perfect white pearls, his smile almost reaching his eyes. "Congratulations. Your family must be rejoicing. "
Ibinuka niya ang kanyang bibig na para bang may gusto pang sabihin ngunit mabilis niya iyong itinikop. Nagdadalawang isip kung ano ang dapat na idugtong sa kanyang sinabi. Hinahanap ang maaaring naging mali niyang pahayag. "I'm sorry. I was a bit insensitive."
Napakunot ang noo ko. Imbes na agad na sumagot ay tinanong niya kung maaari ba siyang maupo sa bakanteng upuan na katabi ko lamang. Tumango lang ako sa kanya habang dali naman niyang tinungo ang upuan sa aking tabi. He took the seat, one chair away from me. I just met a conservative nerd.
"I might be late but I still want to extend my condolences, young lady." pahayag nito habang nakatingin sa akin. Ngayon ay naiintindihan ko na ang paghingi niya ng paumanhin.
Isang payak na ngiti ang naging sagot ko sa kanya bago ibinalik ang tingin sa pintuan. Ganon rin ang ginawa niya. Ilang segundong katahimikan ang dumaan. Walang nagsasalita sa aming dalawa at tanging ang yabag lamang ng mga dumadaang pasyente at nars ang naririnig. Ang ilan sa kanila ay yumuyuko ng marahan bilang pagbati sa akin at sa doktor na aking katabi.
I watched the man.
Nang may mapadaang pasyenteng matanda, tinulungan niya iyong makabalik sa silid. Ilang ganoong pangyayari pa ang nasaksihan ko. Hindi ko maiwasang isipin kung kapatid niya nga ba ang kaaway ko.
BINABASA MO ANG
Unbroken
Action[TAGLISH] When the mafia boss took her reign........ Mysterious. Aloof. Silent. She was Perrie Holstein. The famous university scholar and bestfriend of the elite heiress Alexandria Morfell. In a world where everyone picks on lone ladies, she was...
