Chapter 32 Losing It All

154 5 6
                                    

Soundtrack: How To Save A Life by The Fray


Her POV

I have known this girl for more than a month. She was immature and a cussing machine but that didn't wash away her innocence. Nakikita ko sa kanya ngayon ang batang babaeng nagustuhan ni Kaelan noon. Ngunit hindi si Harper ang babaeng iyon. Magkaiba sila. I didn't notice their resemblance at first because of Harper's strong demeanor. But seeing her right now shows how much they are connected. Diana was her twin. Her insecure and envious twin. 

The telephone rang. 

Habang yakap ko ang batang babae na may mahihina paring hikbi ay pinagdedebatehan ko kung sasagutin ko ang tawag sa telepono ng mansyon. Wala akong alam na pupwedeng tumawag sa akin ng ganitong oras maliban na lamang sa taong sinusubukan ang pasensya ko. 

Sinagot ko ang telepono at nagpasalamat ng malaman kung sino ang tumawag. 

"Nirvana."

I motioned Trione to calm the young girl and bring her to her room while Raijin said that he'll go after his jerk brother. Hindi dapat malaman ng aking kapatid ang mga nangyari ngayong gabi. Ayoko nang mamroblema pa siya. 

"I wasn't expecting for you to answer, sister. Why are you still awake at this hour?"

She's right. I should have been asleep by now. Paano ko ngayon lulusutan ang kapatid ko?

"I was just having deep thoughts about ending the universe, Nirvana. Nothing serious." I said in my usual tone. I can picture her nodding at my answer, believing at my lies. It's a white lie, anyways. Gusto ko sanang hingin ang tulong niya ngunit ayokong maging makasarili. Ang pamilyang ito ay responsibilidad ko na ngayon. Tapos na ang panunungkulan niya kaya nararapat lamang na ako ang umayos nito. Hindi ko alam kung bakit siya tumawag sa oras na ito at sa tingin ko ay hindi niya naman balak magkwento tungkol sa kanilang bakasyon.

"I see. Anyway, I'll cut the call short. You need to rest, dear sister. Send my love to mom and dad and to the little evil."

"You too Nirvana. Keep safe." 

I went to my room and scanned the documents once more. Hindi ako makakatulog hanggat hindi ko nareresolba ang mga problema ko. Ilang ulit kong tiningnan ang papel na may lista ng mga transaksyon ng bangko na nakapangalan sa isang O-10. Maari ko itong itanong sa bangko mismo at nagawa ko na iyon. Ngunit ang sabi nila ay hindi rin nila kilala kung sino iyon at tanging ang unang boss lamang ang nakakaalam. I am having doubts whether I should ask Sebastiano about this. You can never trust anyone in this world.

Inilista ko ang dalawang posibilidad kung sino ang katransaksyon sa mafia. If Harper was right and this wasn't a code name, it could be something else. One, it might be another mafia organization. Maaaring kaalyansa ito ng Octagon. Ngunit bakit hindi ko ito alam? Imposibleng hindi nila iyon ipaalam sa akin kung kaalyansa namin sila. Kaaway? Maari. Ngunit bakit parang wala ni isa ang nagbanggit tungkol sa kanila? The first hunch has a low probability. The last one would be more realistic. Sa tingin ko ay iisang tao lamang ito. O-10 is a military grade.

I immediately get hold of the gun on my desk in reflex when I heard a light scratch. I scanned the room, with only the lamp shade on. What would that be? Tinungo ko ang malaking bintana habang hawak parin ang baril ko. Ang malaking bintana ng aking kwarto ay natatakpan ngayon ng isang itim na kurtina. Agad ko iyong itinabing at binuksan ang bintana. Una kong nakita ay ang malaking punongkahoy na isinasayaw ng hangin. Inilibot ko ang paningin ko sa kakahuyan at tanging mga munting alitaptap lamang ang nakikita ko dahil sa ilaw nila.

UnbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon