Chapter 3

3.2K 76 6
                                    





"Bakit ba ayaw mong sumama ako kay Trina sa boracay?"


Kung kanina ay panay pa ang ngiti niya dahil sa pag-aakalang tinutukso lang siya ng nobyo, ngayon ay napalitan na iyon ng inis at pagkadismaya. Kanina pa niya ito kino-convince na payagan siya sa plano nila ni Maja na magpuntang boracay.

Yes, she's independent. And yes she could actually do whatever she wants pero palagi pa rin niyang kino-consider ang sasabihin ng boyfriend niya. Noong bago palang kasi sila ay very supportive sa kahit na anong gawin niya si Aaron. Ito pa nga ang nagsa -suggest na i-try niya ang mga bagay na hindi pa niya nasusubukan. Minsan ay kasama niya ito sa mga out of town vacations niya. Nakapag Singapore na nga silang dalawa. At plano nilang sa London sila magsi-celebrate ng 1st year anniversary nila. Pero buhat ng maging sobrang busy na ito ay medyo nababawasan na ang kanilang pagbabakasyon.

"Ayaw ko lang na umalis ka ng di ako kasama." iritadong sabi nito sa kanya na mas lalo niyang ikinainis. Aaron could be a jerk sometimes she thought.

"It's just 3 days for pete's sake! At isa pa, you said na sobrang busy ka pa. Why can't you just let me go with Trina. Trina is my bestfriend and we are not going to do something na alam kong hindi mo magugustuhan.

"Who knows what you're gonna do there, Kath!"

Lumaki ang mata niya sa sinabi ng kanyang boyfriend. What the heck? Hanggang ngayon ba naman wala pa rin itong tiwala sakanya?

Na realize siguro nitong nasaktan siya sa sinabi kaya lumambot at tinangkang hawakan nito ang kanyang kamay pero mabilis niyang iniwas iyon.

"Look Kath, it's not that I don't trust you, ang wala akong tiwala ay sa mga lalaking nandoon, okay?"


"It doesn't make sense, Aaron. Buti pa, mag-usap na lang tayo pagbalik mo galing Bacolod."

Nagtangka siyang tumayo na at iwan ito pero maagap nitong nahawakan ang kanyang braso.

"I'm sorry hon." pagsusumamo nito. Nilingon ni Kathryn ang nobyo. Lumambot ang ekspresyon nya. Kung hindi lang talaga niya mahal ito ay baka matagal na siyang nagwalk out sa restaurant at iwan ito ng tuluyan.



"I'll just go to the restroom." paalam niya. Kailangan niya munang kalmahin ang sarili niya bago pa humantong ulit sa malaking pagtatampuhan ang usapan nila ni Aaron.


Nang makapasok na siya sa restroom
Ay agad na tinignan niya ang sarili sa salamin. She then realized how stressed her face was. Kung noong kakasimula pa lang nila ni Aaron ay tuwang-tuwa siya kapag nagseselos ito ngayon ay parang nasasakal na siya. She loved him but his unnecessary jealousy brought disappoinment to her. Kung tutuusin, kung may dapat mang magselos sa kanilang dalawa ay dapat siya iyon. Not just because she feels like she has to but minsan di rin nya maiwasang mag-isip ng masama sa nobyo lalo na pag may mga out of town works ito. Ngunit sadya nga yatang pagmahal mo ang isang tao at naniniwala kang hindi nila magagawang lokohin ka ay maniniwala ka pa rin.






"What? Anong hindi ka sasama sa akin, Kath?" naguguluhang tanong sa akin ng bestfriend kong si Trina. Kakasabi ko lang kasi sakanyan sa phone na hindi ako makakasama sa kanya dahil maraming trabahong kailangan kong tapusin. Which I lied.


"I'm sorry bes....hindi ko lang talaga kasi maiwan yung trabaho sa office and may deadline ako na dapat habulin." hinging paumanhin ko sakanya. I know it's wrong to lie to my bestfriend pero hindi ko na kasi alam kung ano pa ang idadahilan ko. After naming mag-usap sa restaurant ni Aaron ay muli niya akong kinausap sa sasakyan. Nangako siyang pag natapos na siya sa Bacolod ay magbabakasyon kaming dalawa sa boracay.


Destined to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon