Chapter 46

2.6K 95 3
                                    




"Are you okay, Love?" she felt DJ's arms snake on her tiny waist. Awtomatiko namang pumalibot ang kanyang mga braso sa matitipunong braso nito saka sabay nilang pinagmasdan ang taong nasa di kalayuan.





Kasalukuyan kasi silang nasa may garden.Nakamasid sa kanyang ama nasa wheelchair pa rin at ipinapasyal ito ng nurse na naatasang mag-alaga rito habang wala siya.





" I'm okay, Love." wika niya habang nasa Daddy pa rin niya ang kanyang mga mata.




Ever since the day his father woke up ay hindi pa niya ito masyadong nakakausap. She miss him terribly. She got a lot of things to say to him but then the doctor's advised her not to force it and just take it slow kasi hindi pa nakakarecover masyado ang utak ng Daddy niya.





Masakit mang isipin na hindi na babalik sa dati ang kalagayan ng kanyang ama ay mas mabuti na ring makita niyang may buhay pa ito. How she wants him to know that she's going to be a mother soon and that she's going to marry the person that he's been wanting her to marry ever since.





"Sabi ng doctor ni Daddy Ted, darating din ang panahong makakausap na natin siya ng matino,Bre. What he is experiencing right now is just the effect of all his medications. Be patient, Love." hinaplos-haplos pa nito ang kanyang braso.




Suddenly, bigla tuloy siyang nag-init. Bakit ba konting pagtama lang ng balat ni DJ sa balat niya ay parang nagliliyab na ang buo niyang katawan?





"I do understand that Love. It's just that I missed Daddy so much." nagsimula ng gumaralgal ang kanyang boses. "I didn't know that him being in a coma for 4 months will affect him like this. Honestly, it breaks my heart to see him this way at sa isiping wala akong magawa kundi tignan lang siya ay mas lalong sumasakit ang dibdib ko."naluluha niyang saad.





DJ enveloped her right away in his arms. She's being hugged now by him and she feel his comfort.





"Shhh...don't be so stressed about it, Love, baka makasama sa baby natin. I know Daddy Ted would not want you to do so too. Let's be patient. And his doctor's has been monitoring his condition. Magtiwala lang tayo. Daddy is a strong man and alam kong kakayanin niya. He may not say it to us but he feel us, Kath. "sinserong turan ni DJ.


Siya naman ay napapatango na lang. Buti na lang DJ never left her side kung hindi ay baka bumigay na siya sa dagok na dumating sa buhay nilang mag-ama.


"Gusto mo bang lapitan si Daddy?"


Tumango siya. Pinakawalan siya ni DJ saka inalalayan papunta sa gawi ng kanyang naka-wheelchair na ama.





Nang nakalapit na sila ay sinenyasan ni DJ ang nurse nitong iwan muna sila saglit.





"I'll leave you two. I'll be back. I'll be at Daddy Ted's study room." si DJ na ginawaran pa siya ng halik sa noo bago ito umalis at iwanan silang mag-ama.


Simula noong inatake ang kanyang ama at noong siya ay nawala, si DJ na ang naging tagapamahal ng lahat sa kanila. Buti na lamang at isang mabuting tao ang kanyang fiancee at hindi nito pinagsamantalahan ang kanilang sitwasyon.



If there's anyone whom they could trust right now, ito ay ang pamilyang Ford. Napakabuting mga tao nito at napakatotoo. DJ had been doing all the works at kahalili ito ng kanyang ama. Nang nakabalik siya ay ito na rin ang tumayong kanyang guardian sa pamamahala ng kanilang negosyo.





She's planning to close some branches of their business, iyong mga malalayo ang location, dahil na rin hindi na niya kayang bumiyahe pa lalo na sa kalagayan niya. Ayaw na rin ni DJ na mapagod pa siya kaya naman balak nilang i-close ito at tatlong branches na lang ang itira.




Wala naman na siyang tutol rito. Alam niyang mas matututukan niya ang mga ito lalo na't balak niya talagang gampanan ang kanyang tungkulin bilang mabuting asawa at ina ng mga anak nila ni DJ. She knew that DJ will take good care of her and her father. Malaki ang tiwala niya sa nobyo niya.





"Dad...."tawag niya sa ama ng nagkasarilinan na sila. Pinantayan niya ito saka ginagap ang kamay ng ama.





Wala itong imik at nakatingin lang sa kanya. Mas lalong sumikdo ang kanyang dibdib ng makita niya sa mga mata nitong may gusto itong sabihin pero wala itong lakas para gawin iyon.





"Dad, next week na yung kasal namin ni DJ. I couldn't thank you enough for bringing me the best man na hindi ko akalaing darating pa sa buhay ko. I can't wait na ihatid mo ako sa altar papunta sa lalaking mahal na mahal ako."nagsimula ng gumaralgal ang kanyang boses.


Huminga muna siya ng malalim saka nagpatuloy sa pagsasalita.





"Magpagaling ka na, Dad. Miss na miss na kita. Noong nawala ako, walang araw na hindi kita iniisip dahil alam kong nag-aalala ka na sa akin. Mahal na mahal kita, Daddy. Sana magkausap pa tayo at magkasama ng matagal. Gusto ko pang makita mo yung magiging anak namin ni DJ. I want you to hold our baby. I want to hear you sing for him or her just like what you used to when I was young. You will absolutely be a good grandfather to my children."




Hindi na niya naipagpatuloy pa ang pagsasalita dahil nagsimula na siyang napahikbi.





"Daddy, please be well soon...hindi ko kayang pati kayo ay iwan rin ako...mahal na mahal ko po kayo, Dad.."




Dahil sa bugso ng kanyang damdamin ay marahan siyang tumayo at pumaikot papunta sa likuran ng ama at doon ay niyakap niya ito. Patuloy lang sa pag-agos ang kanyang mga luha. Though her father wouldn't say a word, she knew na pareho sila ng nararamdaman ngayon.











Lingid sa kaalaman ni Kathryn ay nakatanaw lang sa kanila si DJ. Halos kinukuyomos na ang kanyang puso sa nakikitang paghihirap ng kanyang fiancé. He hates to see her cry everytime. Kung may magagawa lang siya para gumaling na ng tuluyan ang kanyang Daddy Ted ay ginawa na niya. May mga bagay talaga na sadyang hindi nabibili ng pera. All he could hope for is for his father-in-law to be well at magawa pa nitong maihatid si Kathryn sa altar papunta sa kanya at ang makita pa nito ang pagsilang ni Kathryn sa magiging panganay nila. Afterall, Daddy Ted was like a second father to him.














*****

A/N

Basahin nyo din naman yung ALTME and SERENDIPITY beshies! Nakakatampo na ito lang yung binabasa nyo hahaha char! Thankiessss!

Destined to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon