Matapos makapagpahinga ng ilang sandali ay naisipan na nila Kathryn at Trina na lumabas ng kwarto."Lunch time na, gutom na ako." ani ni Trina.
"Teka, I'll just text DJ." sabi niya saka kinuha ang phone niya sa bag niya na nasa kama pa rin.
Pero pag open niya ng phone niya ay may missed calls at text na galing sa binata kaya naman madali niya itong binasa.
DJ:
Hi baby, andito kami ni Marco sa restaurant ng hotel. We thought nagpapahinga pa kayo kaya di na namin kayo kinatok. But if you guys want to join us for lunch, we will be at the restaurant.... :)Pagkatapos basahin iyon ay nalingon niya ang kaibigang si Trina na malapit ng matapos magbihis.
"Nasa restaurant na raw sila DJ at Marco." pahayag niya.
"Okay, pero, Kath, pwede paki tulungan akong itali ito?" ani ni Trina na nahihirapan sa pagtali ng maxi dress nito kung saan nakapaloob ang two piece swimsuit nito.
Buti na lang ay tube type yung maxi summer dress niya kaya no need pang itali niya sa leegan. Yung two piece nama niyang suot ngayon ay white strapless bikini kaya hindi siya nahirapang suotin ang mga iyon. Her hair is in messy bun para mas makita ang kanyang shoulder and her collar bones.
"You look effing hot and sexy, besh..." anas ni Trina habang tinatali niya ang strap ng maxi dress nito sa may likuran.
"Kaw talaga. Ikaw din naman ah..." sabi niya.
Kung tutuusin ay magkasing-katawan lang sila ni Trina. Yun nga lang ay mas maputi lang ng kunti ang kaibigan niya pero maganda din ang katawan nito dagdag pang ang ganda rin ng kaibigan niya.
"Tara, labas na tayo, baka nasa restaurant pa sina DJ.." yaya niya saka lumabas na sila na kapwa sabay pang naglagay ng sunglasses sa mata. Paano kasi ay ang init sa labas dahil kita iyon sa pasilyong nadaanan nila.
"Dude, natawagan mo na ba sila?" tanong ni Marco sa kanya.
Nasa restaurant sila ngayon at naghihintay na lang sa mga pagkaing inorder nila. Halos puno na rin ng mga guest ang restaurant buti na lang ay nakapili sila ni Marco ng mas mabuting table na kung saan kita rito ang magandang view ng beach.
"Walang sumasagot kanina sa phone ni Kath pero tinext ko na siya na nandito tayo sa restaurant. Baka nagpahinga lang sila sandali." saad niya.
Ang totoo ay napagod din siya kanina sa palipat lipat nila ng sasakyan. Mas lalong nakapagod sa kanya ang sobrang init. Buti na lang at medyo naka adjust na siya at nakapagpalit na sila ni Marco ng beach shorts at tshirt.
"Fuck! Ang daming hotties rito!" narinig pa niyang bulalas ni Marco habang pinapasadahan bawat mga babaeng dumaraan na naka two piece lang o di naman kaya'y nakadamit ng sexy.
Kung sa ibang pagkakataon ay baka tulad rin siya ni Marco na humahanga at halos lumuwa na lang mga mata sa nakikita. Noon ay ganito ang mga ginagawa nila ni Marco. Pero simula nang nakilala niya si Kathryn at kahit sa picture pa lang niyo ay hindi na niya nagawa pang ibaling ang mga mata sa ibang babae. Siya man din ay naninibago sa kanyang sarili. Everytime titingin siya sa ibang babae ay mukha ni Kathryn ang nakikita niya.
BINABASA MO ANG
Destined to Love You
FanfictionStandard in life are no use when you are really destined to someone God made it perfect for you. Life isn't about colors and rainbows. Life is about surviving when I mean surviving, it is being happy while you are trying to survive. A man willing to...