Hanggang ngayon ay lutang pa rin ako sa mga nangyari kagabi. Pagkatapos akong makitang umiiyak ni Daniel ay hindi na niya ako nilubayan ng titig. Hindi ko mawari kung naaawa lang ba siya sa akin o may gusto pang ipahiwatig ang kanyang mga tingin. Bago umalis ay inimbitahan ako ng mga magulang niya na magpunta ngayon sa bahay nila.
Di na ako tumanggi pa dahil nakita ko kung gaano ka excited ang Mama ni Daniel. Alam kong kakakilala ko pa lang kay Mommy Karla ngunit ang gaan na ng loob ko sa kanya. Hindi ko na nakagisnan ang aking ina kaya siguro ganito na lang kasaya ang puso ko ng maramdaman ang ipinakitang kabutihan sa akin ni Mommy Karla.
Oo, sabik ako sa pagmamahal ng isang ina. I've been with my Dad until now at hindi naman sa nagkulang ng pagmamahal sa akin pero batid kong may kulang pa rin sa pagkatao ko. Gusto ko pa rin maramdaman kung ano at paano mahalin ng isang ina. Daniel is very fortunate na kumpleto pa ang mga magulang niya.
And speaking of Daniel, aaminin kong late na akong nakatulog kagabi. Hindi mawala sa isip ko ang gwapong mukha niya. He left a big impression in me and it's driving me nuts. Una, dahil first meeting pa namin iyon kagabi pero he occupied my mind na.
At pangalawa, ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit samot-sari ang mga sensasyong nararamdaman ko everytime na magkalapit kami. Yes, I am attracted to him, at first time ever itong nangyari sa akin. Iba ito s naramdaman ko noon kay Aaron. Hindi ko tuloy maiwasang matakot sa kakaibang feelings na ito.
And God knows how far this strange feelings go.
"So what happened last night?" bungad agad sa akin ng bestfriend kong si Trina ng tawagan ko siya.
Super late na akong nakarating sa office. Actually, pinigilan ako ni dad na pumasok ngayon kasi baka daw sunduin ako ni Daniel para pumunta sa bahay nila pero sinabi ko na saglit lang ako dito at uuwi rin ako para magbihis. Plano kong 3 hours lang ako ditto. Gusto ko rin talaga I-check kung okay na ba lahat bago mag weekends. Wala kasing opisina pag Saturday and Sunday.
"Okay naman yung pagkikita namin last night ng mga Ford. They're very good people." sagot ko.
"Gaga! What I meant was kumusta naman yung pagkikita niyo ng fiancé mo?" sabi niya.
Sinadya ko talagang tipid ang sagot sa kanya dahil alam kong mag-uusisa ito. Sandali akong nag-isip ng tamang isasagot sa kanya. I don't want to say that I found him so gorgeous dahil baka tuksuhin na naman ulit ako ni Maja ng walang pakundangan.
Lumunok muna ako bago nag salita.
"He's fine." ani ko.
Gusto ko ng batukan ang sarili ko dahil sa yun lang ang tanging nasabi ko sa dinami-dami ng qualities ni Daniel na nakita ko kagabi ay di ko pa iyon nahanapan ng tamang salita.
Akala ko ay magproprotesta pa si Maja sa sagot ko pero tahimik lang ito sa kabilang linya.
"Okay fine. The guy is beyond gorgeous, Trins!" nahihiya kong pag-amin.
Nailayo ko ang phone sa aking tenga ng marinig ko ang malakas na tili ng aking kaibigan.
"OMG! OMG! That's what I've been waiting to hear from you! My gosh, bakit kasi pinatagal mo pa!" tumitili niyang sabi sa akin.
Napatawa na lang ako.
"So may nararamdaman ka ba agad? May new feelings ba ulit?" tanong niya.
Meron nga ba? Gusto kong sabihing meron pro pinigilan ko ang sarili ko.
"Maj, kakakilala ko pa lang nung tao."
"Kath, ano ka ba? Di ba nga sabi mo he's gorgeous, so meaning you're attracted to him so feelings yun." pagpapalatak niya sa akin. "If I were you, enjoy the moment bes."
BINABASA MO ANG
Destined to Love You
FanfictionStandard in life are no use when you are really destined to someone God made it perfect for you. Life isn't about colors and rainbows. Life is about surviving when I mean surviving, it is being happy while you are trying to survive. A man willing to...