Chapter 16

3.5K 84 6
                                    

Nagising si Kathryn kinaumagahan ng mag-alarm ang kanyang orasan. Pupungas-pungas pa siya habang inaabot ang alarm clock para patayin ito.

Shit! Gusto pa niyang matulog.

Puyat siya dahil di siya masyadong nakatulog dahil sa hindi niya makalimutan ang nangyari kagabi. Para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyari sa party, sa announcement nila ni DJ at lalong lalo na ang nagpapagulo ng sobra sa isipan niya ay ang pagbigay ni DJ ng engagement ring sa kanya habang sinasabi nito ang totoong nararamdaman ng binata sa kanya.

Tinignan niya ang kamay kung saan naroon ang engagement ring niya. Napangiti siya. Talagang totohanan na ang engagement nila ni DJ.

Ano na lang kaya ang sasabihin ng Daddy niya kapag nakita nitong may suot na siyang engagement ring? Panigurado ay masa masaya pa ito sa kanya.

She's happy na lagi niya ng nakikita ang kanyang Daddy na ngumingiti at tumatawa. Naging mas energetic pa ito kaya naman malaki na lang ang pasasalamat niya at nagdudulot ito ng kabutihan sa health ng kanyang ama.

And what about Trina? Tiyak kong wala akong ligtas sa matalas niyang mga mata.

Napatampal siya ng noo ng hindi pa niya ito natatawagan kaya naman ay dali dali niyang kinuha ang cellphone at agad na dinial ang number nito.

"Goodmorning bes!" bungad agad ni Trina sa kaniya. "Ano na? Grabe bakit ngayon mo lang ako tinawagan? Kagabi pa ako naghihintay ng tawag mo" palatak agad ni Trina sa kanya kaya naman natawa siya.

"Goodmorning too Trins! Sorry, masyadong busy kagabi saka nawala na talaga sa isip ko na tawagan ka." guilty niyang sabi.

.
"You better have something nice to say kundi magtatampo na talaga ako." ani ni Trina. "So what happened from the party last night?"


Umayos siya ng upo sa kama na naka-indian style.

"So ayun nga, ini-announce na ng Daddy ni DJ na starting today ay si DJ na ang CEO ng kumpanya nila." simula niyang sabi.

"Wow! Bigatin ang fiancè mo teh! Go on..." sabi nito.

"And then last night din, officially engaged na kami." wika niya


"Waaaaaahhh! I'm so happy for you bes!"


Nailayo pa niya ang cellphone sa tainga dahil sa tili ni Trina.

"So ano may engagement ring ka na? Sheeemmmsss!!! I wanna see it bes!"


Oh well, Trina being Trina. Wala talaga siyang ligtas sa bestfriend niya.

"Oo na." natatawang sabi niya.

"Kath, magkita tayo ngayon. I am off now sa trabaho ko eh kasi sinadya ko talaga para maasikaso ko na yung trip natin bukas sa Boracay. Teka, nayaya mo na ba yung fiancè mo? Anong sabi?"

"Yes, he is in Trina. Pero okay lang ba na magdala siya ng kasama? Darating kasi ngayon yung bestfriend niya from America, yung Marco." sabi ko.

"OMG! OMG! Really? The Marco Gumabao? Na bestfriend ng fiancè mo?" nagtitiling wika nito.

What's with her? Bakit excited ito masyado?

"Trins? May hindi ka ba sinasabi sa akim?" usisa ko.

Sandaling natahimik sa kanilang linya si Trins.

Oh yeah, may something nga.

"I'm waiting..."

.
"Oo na. Yung Marco Gumabao na bestfriend ni DJ ay crush ko lang naman." pag-amin nito.

Destined to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon