Chapter 28

3.4K 110 7
                                    



It was a tiring day pero sobra kaming nag-enjoy. Natapos ang aming whole day activity at ngayon ay pabalik na kami sa hotel. Halos ramdam ko na ang panunuot ng init ng araw sa aking balat. Nang sulyapan ko si DJ ay namumula na ang mukha niya saka pati ang mga braso niya. Maging sina Trina at Marco ay ganun din.



Hindi na kami nag-aksaya pa at nagsilakad na kami papunta sa loob ng hotel. Gusto ko nang makapag-shower at makapagpahinga. Pero hindi pa man din kami nakakapasok sa elevator ay narinig ko ang boses ni Trisha na tinatawag ang pangalan ni DJ.



She's alone. Nagkatinginan kaming apat. I saw how DJ narrowed her eyes on her.


"Can I talk to you just for a short time, DJ?" nakikiusap na sabi ni Trisha.



Pinisil ko ang kamay ni DJ at nagbaba siya ng tingin sa akin. Though I am feeling jealous again, pero mas gusto kong magkausap sila at ma clear kung anuman ang gusto ni Trisha. I trust DJ at alam ng puso kong hindi siya gagawa ng bagay na maaaring makasakit sa akin.



"Just talk to her.." mahina kong sabi sa kanya.


Nagsalubong ang mga kilay niya. I know that he didn't like what I just told him.


"What do you want from him, Trish?" nagtatakang tanong na rin ni Marco.


"Go, DJ..." ani ko kay DJ.



Kung anuman meron sila noon I want them to have a proper closure. Kahit pa may isang parte sa akin na tutol ay hindi ko pa rin maiwasang maawa sa mukha ngayon ni Trisha. I know that she's hurt too.



"No, love!" tutol ni DJ. "Wala na kaming dapat pang pag-usapan." medyo galit na ang tinig niya ng bulungan niya ako pero alam kong rinig iyon ng mga kasamahan namin maging si Trisha.



Sinulyapan ko ulit si Trisha. Tears were slowly flowing now from her cheeks. I know those tears were real. Kung acting man ito ay tiyak best actress na ito dahil sa pagkakatotoo ng pag-iyak nito sa harapan namin.


Pinagtitinginan na kami ng ibang tao at ayokong maeskandalo kami ng mga oras na yun.


Iniyakap ko sa baywang ni DJ ang mga braso ko saka hinalikan sa labi.



"I trust you." sabi ko. "Sige na, kausapin mo na siya. Maghihintay ako." mataman kong sabi sa kanya.


Nakita ko ang pagtaas ng kilay sa akin ni Trina. Ako lang ba ang nakakaramdam ng awa kay Trisha ngayon?



Nagpakawala ng buntong-hininga si DJ saka nagkibit na lang siya ng balikat.



"I'm not doing this because I want to. I'm doing this because you said so." seryosong sabi ni DJ saka ginawaran ulit siya ng halik sa labi. "I love you.." bulong pa nito.


"I love you too.." aniya saka pinakawalan na si DJ na lumapit naman kay Trisha.



"I'll stay with him." anunsiyo ni Marco.



Para akong nabunutan ng tinik ng sabihin niya iyon. Atleast if there's something that Trisha is planning to do ay naroon si Marco para hadlangan ito.



"Mauna na kami sa kwarto." ani ni Trina saka hinila na ako papunta sa elevator.


Hindi ko na nilingon pa sina DJ dahil baka magbago pa ang isip ko.














"I can't believe you did that, Kath!" pagalit na sabi ni Trina sa akin. "How could you let her talk to DJ? Kung tutuusin, wala na silang dapat pang pag-usapan!" saad pa nito.


Destined to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon