Kung hindi pa nakareceive ng tawag si Kathryn mula sa secretary ni DJ ay di pa mapapalagay ang kanyang loob. She was damn so worried for her husband nang hindi niya ito makontak kanina. Good thing, she just got one phone call informing her husband's whereabouts.His secretary told her that DJ is still currently in a private meeting in his office. And the reason why she couldn't contact his phone was because it's battery drained.
Ganunpaman, ngayon ay medyo okay na siya. Marahil na rin siguro sa mga nangyari kaya siya nakakaramdam ng takot at kaba agad.
"Dito na lang ako, Trins..." sabi niya kay Trina nang marating nila ang parking lot ng hotel kung saan ang opisina ni DJ.
Umibis ang sasakyan ni Trina sa parking lot. Inihinto ito ng kanyang kaibigan saka ipinark.
"Thank you, Trins for dropping me off."
"Nah, alangang namang iwan kita sa restaurant. And besides, I'm not going to let you be alone by yourself. I know for sure that DJ won't be happy if I do that." wika ni Trina.
"Thanks, Bes. Ingat ka ha? And ikumusta mo na lang ako kay Marco." aniya.
Nagyakapan sila at nagpaalamanan. Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto at tuluyan ng lumabas sa kotse ni Trina.
Mula roon ay nagtungo na siya sa lobby ng hotel. She was greeted by the security guard and then by DJ's employees.
"Hello po, Ma'am Kathryn! Ang ganda niyo po!"
"Hiyang po kayo kay Sir Daniel!"
"Ma'am, tiyak ang ganda o ang gwapo ng magiging anak niyo ni Sir!"
Ilan lamang iyon sa mga narinig niya mula sa mga empleyado ni DJ. She couldn't help but smile to hear positive feedbacks. Ang sarap ng feeling na matawag na asawa ng isang Daniel John Ford. She's aware that DJ's employees especially women were also desiring her husband and for that she's proud. Imbes na magselos siya ay natutuwa pa siya sa mga paghangang ipinupukol ng mga ito sa asawa niya.
Dumiretso siya sa elevator at pinindot ang floor kung saan ang opisina ni DJ. When the elevator stopped at the floor,lumabas siya mula roon at tuloy-tuloy na sa opisina ni DJ.
"Hi, Ma'am Kathryn!" bati agad sa kanya ng sekretarya ni DJ.
"Hello! Is my husband's in his office?" tanong niya.
"Yes po, Ma'am. Ngayon lang din natapos yung meeting niya. Pumasok na po kayo." sagot nito.
"Alright. Thank you."
She knocked on the door thrice and when she heard him say "come in" ay pinihit na niya ang doorknob.
"Love..." halata ang gulat sa mukha ni DJ nang makita siya. Pero tumayo na rin ito saka sinalubong siya.
Tuluyan na siyang pumasok sa opisina nito at isinara ang pintuan.
"Hi Love! Nakaistorbo ba ako?" nahihiyang saad pa niya ngunit ipinaloob niya agad ang sarili sa mga bisig ng asawa.
"I miss you, Love..I'm glad you are here. And no, you are not disturbing me."sunod-sunod na saad ni DJ. Halata sa boses nito ang pagod.
BINABASA MO ANG
Destined to Love You
FanfictionStandard in life are no use when you are really destined to someone God made it perfect for you. Life isn't about colors and rainbows. Life is about surviving when I mean surviving, it is being happy while you are trying to survive. A man willing to...