Chapter 37

2.3K 90 10
                                    




Another day. Another loneliness for Daniel.





"Iho.." napalingon si DJ nang nagsalita mula sa may pintuan ang kanyang ama. Sinundan nya ito ng tingin hanggang sa nakapasok sa loob ng kwarto nya.



It was one Sunday afternoon. Pagod na pagod na siya at puyat pa. He spent his whole night in the hospital para bantayan ang Daddy ni Kath who was still at the state of coma until now.

"I thought tulog ka pa. I came here to check on you." ani ni Dad.



Nakapamulsa ito at kababakasan ng pag-aalala ang mukha nitong nakaharap sa kanya.



"I can't sleep, Dad. Until now, wala pa ring maayos na balita kay Kath."

Naiisip lang niya ang kalagayan ng nawawalang fiancé ay nanghihina na siya. He's a strong man pero pagdating kay Kathryn ay nawawala ang lakas niya.


"It's been 2 fucking months now, Dad." nahihirapan niyang wika sa ama.



Ang bilis ng panahon. Dalawnag buwan ng nawawala si Kath and wala pa ring lead kung nasaan ito. Kahit pa nakipagtulungan na sila sa pulis at sa agency ng kaibigan niyang si Dominic ay bigo pa rin silang makakuha ng balita sa totoong kinaroroonan ng kanyang fiancé.



The thought of her being killed sent daggers at the pit of his stomach. No! She couldn't be dead. Dahil alam ng puso niyang buhay pa si Kath. Hahanapin niya ito. Hindi siya titigil hangga't hindi nila nakikita si Kath kahit pa suyurin niya ulit lahat ng parte ng mundo ay gagawin niya Makita lang ang babaeng mahal niya.


"Manalig ka, anak. Makikita rin naming si Kathryn. You have to be strong, son. Alam kong ito rin ang gusto ni Kathryn para sayo. Makikita natin siya." pampalubag loob niya na tinapik pa siya sa balikat.

Sa ngayon, malaki ang pasasalamat niyang nariyan lagi ang kaniyang mga magulang na siyang nagsisilbing makakapitan niya.



His heart was numb from hurting and his mind was exhausted for what was happening. It's too much to bear pero alang-alang kay Kathryn at sa Daddy Teddy niya, he has to be strong. He will stay strong. Lilipas din ang unos na ito sa buhay niya, sa buhay nila ni Kath.








"Dad, hanggang ngayon po hindi pa rin nakikita si Kath." para siyang batang nagsusumbong sa ama ni Kathryn ng dalawin ulit niya ito sa hospital.

Kalma lang ang mukha nito pero nakapikit at parang payapa lang itong natutulog. Ang tanging maririnig lang ay ang ingay na nagmumula sa vital machine nitong nasa may uluhan nito.


"I'm sorry kung binigo ko kayong maprotektahan si Kathryn, Dad." aniya.


He couldn't count anymore the number of times he ask his forgiveness. Sinisisi pa rin niya ang kaniyang sarili sa lahat ng nangyayari.


"Mahal na mahal ko po si Kathryn, Dad and I'm sorry for failing you. Hindi ko po alam kung anong nangyayari na sa kanya. Ang sakit-sakit na po Daddy Teddy." madamdamin niyang turan.


He's a man but he couldn't control himself from sobbing. Para kasing kinukuyumos ang puso niya sa sobrang sakit.


"I promise to not stop looking for her, Dad. Pag gising nyo po, I'll make sure na andito na si Kathryn. Ibabalik ko po siya ng ligtas. Maniwala po kayo sa akin. She'll comeback for us. I know it." puno ng determinasyon ang kanyang boses sa mga oras na iyon.


Kathryn, Love....please comeback to me...








Another week had passed but still he is still holding on. Ramdam pa rin niya sa puso niyang buhay pa ang kaniyang mahal at malapit na niya itong Makita.



Destined to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon