Chapter 8

3.4K 100 11
                                    


Nagising si Kathryn sa tunog ng kanyang alarm clock. Pupungas-pungas pa siyang bumangon at iniabot ang bedside table niya to turn off the alarm. She stand up and put her slippers pagkatapos ay hinawi ang kurtina sa kanyang kwarto. Dinungaw niya ang tahimik na paligid ng subdibisyon.



Ngayon ang araw na nakatakda niyang makaharap si Daniel. Marami siyang pangamba sa pagkikita nilang ito. Hindi niya alam kung paano niya sisimulanang pagkilala sa magiging fiancé niya. Kung gaya niya ay tutol ba ito sa ginawa ng kanilang mga magulang. Kung mabuti ba talaga itong tao gaya ng sinasabi ng kanyang ama sa kanya. She has a lot questions in her mind right now.

"Ma'am Kath, nasa baba na po ang daddy niyo." narinig na lang niya ang tawag sa kanya ng katiwala nilang si Eunice.



Nilingon niya ang pintuan. Di niya pala namalayang kumatok ito. Sinarado niya ulit ang mga kurtina at tinungo ang bathroom para maghilamos bago bumaba.



"Good morning, Dad." masayang bati niya sa ama ng maabutan ito sa dining table.

"Good morning, iha." ginantihan siya nito ng ngiti.

Pagkita niyon ay napangiti na rin si Kathryn. She likes her dad to be this way. Nakangiti lang at parang ang saya ng aura nito. May kung anong kirot ang naramdaman sa isang bahagi ng puso niya. Sandaling napawi ang kanyang mga ngiti ng maalala ang totoong kalagayan ng ama.

"Iha." tawag nito sa kanya.

"Yes, dad."

"Papasok ka pa ba ngayon sa opisina? Pwede ka naming mag-absent kung gusto mo."

"Papasok po ako ngayon Dad. May naiwan pa akong trabaho na kailangan kong tapusin." ani ko at nagsimula na akong kumain.

"Pero ngayon ang araw ng pamamanhikan ng mga Ford." may pag-aalalang wika nito.

"Dad, okay lang. I'll make sure na makakarating ako sa napagkasunduang time, 6:30 pa naman mamaya di ba?" I told him assuringly. Kahit pa noong una ay tutol ako sa ganito ay hindi ko pa rin maatim na biguin ang aking ama. Alam kong isa ito sa mga dahilan kung bakit masaya siya ngayon.

"Sinabihan ko na sila Eunice sa kung ano ang mga dapat gawin at kung ano ang mga lulutuin." naka ngiti pa ring sabi nito.

Tinignan ko lang si dad. Gusto ko ng mapailing dahil sa nararamdaman kong excitement mula sa kanya. Tuloy ay gusto ko siyang biruin na hindi ako sisipot pero baka dahilan pa iyon para atakihin siya.

"At iha, pwede bang wag mong kalimutan magdal rito ng specialty natin sa bakery para matikman naman ng mapapangasawa mo?

Muntik ko na tuloy maibuga ang iniinom kong juice.

"Yes dad."

Nagulat pa ako ng mataman akong tinignan ni dad.

"Wag ka na palang mag drive, ipapahatid at sundo na lang kita kay Mang Mario." seryosong sabi niya.

Umiling ako. Alam ko kung bakit ito ginagawa ni dad.

"Dad, I'm going home after my work. Don't worry, haharapin ko ang mga Ford." paninigurado ko sa kanya.

Mukhang naibsan naman ang pangamba ni dad kaya umaliwalas ulit ang kanyang mukha.




Almost 11 am na ng nakadating ako sa office. Agad kong trinabaho ang mga paper works na naiwan ni Rona. Kailangan kasing matapos iyon bago ang liquidation month.

*KRIIIIIINNNNNGGGGG*

"Bread and Butter office, this is Kathryn. Good morning!" masiglang bati ko sa tawag.

Destined to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon