Chapter 35

2.3K 84 23
                                    




Hindi alam ni Kathryn kung ilang oras na siyang naroon sa kwartong iyon. She doesn't feel the need to shout Aaron's name anymore for she felt like she lost all her energy sa kakasigaw kanina at wala man lang siyang naririnig na salita mula sa labas. She's scared as hesll dahil hindi niya alam kung nasaan siya at kung ano ang balak gawin ni Aaron sa kanya.

Ni sa hinagap ay hindi niya akalaing magagawa ito ni Aaron sa kanya.

What is happening with him?

Kung ang buong akala niya ay naubos na lahat ng luha niya kanina sa kakaiyak, pero hindi pa pala. She's still crying and tears continued to flow down her cheeks sa tuwing naiisip niya ang kaniyang ama na tiyak nag-aalala na sa kanya ngayon. And her fiancé, DJ must have been worried just like her father.

Paano siya hahanapin ng mga ito? Paano siya makakatakas kung wala man lang siyang makitang pwede niyang lusutan?

Naiyakap niya pa ng mahigpit ang mga braso sa kanyang tuhod. She's beginning to get cold and hot at the same time. Namamawis na rin siya. Pakiramdam niya ay hindi na siya makakahinga.

"Bakit mo ito ginagawa sa akin, Aaron?" walang enerhiyang usal niya sa sarili.

Patuloy lang sa pag-agos ang kaniyang luha. She's too weak and she couldn't think straight right now. Naguguluhan siya.


Bigla ang pag-alsa agad ng kaba sa dibdib niya ng marinig ang paggitgit ng pintuan. Bumukas iyon ay sumungaw mula roon si Aaron na may dalang pagkain sa kamay nito. Agad siyang napaatras sa kanyang kinauupuan. She's afraid of him. Hindi na ito ang Aaron na kilala niya.

She hates it that she couldn't control herself from shivering ng makalpit na ito saka umupo sa paanan ng kama.

"Kumain ka muna, hon." si Aaron na inilagay ang platong may lamang pagkain sa harapan niya.

Nanatili lang siyang nakatingin rito pero panay pa rin ang pagluha niya.

How could she eat when she's worried sick like this? At talagang may gana pa siyang tawagin siyang "hon"!

"Pakawalan mo na ako rito Aaron. Ano bang ginagawa mo? Bakit mo ba ako dinala rito?" sunod-sunod niyang tanong.

Nagpakawala ito ng malalim na hininga saka tumayo na at pumormal ulit ang mukha nitong tinignan siya.

"Kumain ka na. Pagkatapos mong kumain ay aalis tayo rito." aniya saka tinalikuran na siya.

Hindi na siya nakapagpigil pa. Mabilis siyang tumayo at hinabol si Aaron na ngayon ay nasa bukana na ng pintuan. She has to get away from there.

Hinila niya ito ng marahas kaya napaatras ang lalaki.

"Kathryn!" sigaw nito pero hindi siya nagpatinag sa halip ay tinadyakan niya ang pagkalalaki nito.

"Aghhhh!" napayuko ito sapo ang gitnang bahagi ng hita nito.

When she saw that he's still in deep pain ay agad siyang nagtatakbo palabas ng pintuan. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyo dahil baka mahabol pa siya ni Aaron.

Kahit na pagod na pagod siya ay pinilit niya pa rin ang sariling takbuhin ang may labasan ng bahay. Wala na siyang panahon para isipin kung saang bahay siya dinala nito dahil ang tanging gusto lang niya ay ang makalayo ng tuluyan roon.

Pagkalabas niya ng bahay ay nakita niya ang sasakyang ginamit ni Aaron kaya naman ay nilapitan niya ito pero naka lock ang mga pintuan nito.

"Shit!" mura pa niya habang pilit na binubuksan ang pintuan.

Destined to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon