Dahil 1 hour lang naman ang itinagal ng biyahe nila ay hindi na nakuha pang matulog ni Kathryn sa eroplano at isa pa'y hindi niya pa rin nakakalma ang sarili niya dahil sa magkahawak kamay nila ni DJ.
Pakiramdam niya ay namamawis na ang mga palad nila dahil simula kanina ay hindi pa ito naghihiwalay.
Nilingon niya sina Trina at Marco sa likuran nila ni DJ ngunit gulat niya ng nasa balikat na ni Marco ang ulo ng natutulog niyang bestfriend.
Langyang Trina ito! Para paraan talaga! Nakatulog agad?
Nang tumingin si Marco sa kanya ay nakangiti lang ito na para bang di nito alintana ang ulo ng bestfriend nyang nasa balikat nito.
Tuluyan ng lumapag ang eroplanong sinasakyan nila sa Caticlan. Sina DJ at Paulo ay nasa likuran nina Kathryn at Maja kung saan nauna na silang lumabas ng eroplano.
Pagkalabas nila ng airport ay agad na nakita ni Maja ang van ng hotel kung saan sila mag-i-stay.
"Welcome to Caticlan, Ma'am, Sir..." masayang salubong sa kanila ng driver.
"Thank you." ani nila.
"Sa likod niyo na lang po isakay yung mga bagahe nyo Sir." aning driver na bumaling kina DJ at Marco.
Sumunod naman ang mga lalaki rito. Pagkatapos ay nauna ng pumasok si Kath na sa Likod ng driver seat naupo habang ang bestfriend nya ay sa likod nito.
"DJ, dito ka na.." ani ni Kath na tinawag si DJ saka tinapik ang katabi niyang upuan.
Ngumiti si DJ sa kanya saka pumasok na rin roon at umupo sa tabi niya.
"I guess I have no choice huh.." bulalas pa ni Marco saka naupo sa tabi ni Trina.
Nang na settle na sila sa van ay agad na pinaandar ng driver ang sasakyan.
"Manong, ilang minutes po yung byahe from here to Boracay?" tanong ni Trina.
"Mga 35 minutes lang po, Ma'am." sagot naman ng driver. "First time niyo po ritong magbakasyon?"
"Yes."
"Ay tiyak mag-eenjoy po kayo kasi maraming mga activities ang pwede niyong gawin at mga magagandang lugar ba pwede niyong pasyalan." pagbibida pa ng driver.
Nakangitian lang sina Kath at DJ ng nagkatinginan sila.
"Are you okay?" mahinang sabi ni DJ sa kanya.
"Yeah. Ikaw?" baling nya rito.
"I am."
Sandaling namutawi ang katahimikan sa kanila. si Kathryn ay inabala ang mga maya sa pagtanaw sa bawat nadadaanan nila. Nagulat na lang siya ng hawakan ni DJ ang kamay niyang nakadantay kanina sa lap niya. Dinala ni DJ yun sa lap nito.
Nang tapunan niya ulit ng tingin ang binata ay nginitian lamang siya nito. Para bang nakakahipnotismo ang mga titig ni DJ aa kanya kaya naman ay kusang sumilay ang ngiti sa labi niya.
Nakikiliti si Kath ng pinagsiklop ni DJ ang kanilang mga daliri. Rumaragasang sensasyon ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon kaya naman ay umayos siya ng upo at saka isinandal ang likod niya sa upuan.
BINABASA MO ANG
Destined to Love You
FanfictionStandard in life are no use when you are really destined to someone God made it perfect for you. Life isn't about colors and rainbows. Life is about surviving when I mean surviving, it is being happy while you are trying to survive. A man willing to...