Kinabukasan ay maagang nagising si Kathryn. Inimpake muna niya ang mga gamit at damit na dadalhin nya para sa trip nila. They'll be staying there for 4 days and 3 nights kaya naman ay isang maliit na maleta ang naisipan nyang dalhin. Although light clothes at swim suits lang naman ang dadalhin niya naisip niyang mas maigi pa rin iyon kaysa sa big bag ang paglalagyan nya ng mga iyon.
Naglalakad siya papunta sa closet nya para ihanda ang gagamitin niya pagkatapos ay nagtungo na ito sa bathroom para gawin ang morning rituals niya.
DJ couldn't help but to feel excited dahil makikita niya ulit ngayon si Kathryn. Napapangiti sa tuwing sumasagi sa isip niya ang nangyari kagabi. How he was able to be that sweet to her that night is hindi niya alam. Kusa na lang niyang ginawa iyon. He's not like that noon pero nabago ang panuntunan niya pagdating kay Kath.
Heck! He himself couldn't believe sa mga pinaggagagawa niya. Kung malaman ito ni Marco ay tiyak na pagtatawanan siya ng bestfriend niya.
Kath was the only woman na ganito siya. Hindi niya alam kung anong meron kay Kath na gusto niyang makita ito at ang marining ang boses nito ay parang humahaplos na sa puso niya. Nakakabakla pero wala eh ganun siguro talaga.
"DJ"
Natuon ang mata niya sa nakangiting papalapit na si Marco. Halatang bagong paligo lang ito at kakababa lang ng hotel. May sukbit na itong back pack sa likod.
"Marco!" aniya saka nag fist bump sila ng matalik na kaibigan.
"So, where to? Are we going to the airport now at ginising mo talaga ako ng napakaaga?" ani ni Marco.
Nagsimula na silang lumakad papalabas ng hotel lobby.
"We're going to my fianće's house. We will going to fetch her." aniya.
"Wow! Fianće..." tudyo agad ni Marco at sabay na sumakay sa sasakyan niya.
Natawa na lang siya saka sumakay na rin at pinaandar ang kanyang sasakyan.
"So, this fianće of yours, Kathryn, right? Mukhang okay na sayong ipinagkasundo kayo ng parents niyo ah.." usisa agad ni Marco habang nasa daan sila.
How is he going to tell his bestfriend that he is more than happy na na-engage siya kay Kathryn?
"Why do I feel like nagustuhan mo na rin ang arrange marriage na ito, pre?" nangingiting sabi ni Marco sa kanya.
Napangiti na lang siya.
"By the looks of it, DJ, pre, I know na gusto mo na din. Hmmmm...I wonder what this Kathryn looks like at nagustuhan mo agad.." ani ni Paulo.
Wait, until you see my Kathryn, Marco...usal niya sa sarili.
"Finally, I could visit Boracay and see it for myself. Matagal na rin itong nire-recommend ng mga kakilala natin." wika ni Marco.
Ilang sandali pa ay lumiko na siya sa kanto kung saan papunta na ito sa bahay nina Kathryn.
Nang makarating na sa bahay ng mga Bernardo ay ipinark niya agad ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Wait here, Marco. I'll just get inside.." sabi niya sa kaibigan saka lumabas ng kanyang sasakyan.
Nakita niyang nakabukas na ang gate at pumasok na siya.
"Si Kathryn?" tanong niya sa nakasalubong na katiwala.
"Ay nasa taas pa po, Sir. Teka po, tatawagin ko. Doon na lang po muna kayo maghintay sa sala." sabi niyo at saka dali-daling pumasok sa loob saka umakyat na sa hagdanan.
Siya naman ay naupo na sa sala. Pero agad din siyang tumayo ng nakita niya ang pababa sa hagdanan ng ama ni Kathryn.
"DJ, iho!" anong Daddy Teddy niya.
BINABASA MO ANG
Destined to Love You
FanfictionStandard in life are no use when you are really destined to someone God made it perfect for you. Life isn't about colors and rainbows. Life is about surviving when I mean surviving, it is being happy while you are trying to survive. A man willing to...