Nasa isang kilalang restaurant ngayon si Kath at DJ. They are going to meet up with Trina and Marco after the two just arrived from their 1 week vacation in Korea. Though, hindi pa masyadong nakakausap ni Kathryn ang kanyang bestfriend pagkatapos ng nangyari sa kanya ay may ideya na siya kung ano na ang nangyayari sa bestfriend niya since DJ told her some things that Marco also had told her fiancé.But then again, she wanted to hear it from Trina herself dahil iba pa rin kapag sa mismong bibig ng bestfriend niya mangggaling ang mga kasagutan sa mga tanong na nasa isipan niya. She's happy for Trina no doubt about it kasi alam niyang hindi ito pababayaan ni Marco. She might not know DJ's bestfriend that much except noong nakasama ito sa get away nila noon sa Boracay, pero feeling naman niya ay mabuti itong tao gaya na lamang ng kanyang groom-to-be.
"Are you okay, Love?" narinig niyang wika ni DJ sa kanya at ginagap nito ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa.
She always find his gesture sweet kahit hawakan lang nito ang kamay niya. It sent shivers on her system. Para lang siyang nakukuryente sa tuwing maglalapat ang kanilang mga kamay.
"Yes, Love. I'm okay. I just can't wait to finally see my bestfriend." aniya saka nginitian ito.
"Do you want to order anything while waiting for them?"
Tumango siya. "Water na lang muna, Love. Medyo nauuhaw na rin kasi ako."
Tinawag ni DJ ang waiter saka umorder ito nang dalawang mineral water. Nang nawala na ito sa harapan nila ay muling hinawakan ng nobyo niya ang kanyang kamay. He intertwined their fingers and sometimes he plants small kisses at the back of her hand.
"You look so beautiful, Kath..."biglang anas naman nito kaya naman ay napangiti siyang bigla.
Tagos hanggang buto kung titigan siya nito kaya naman hindi niya maiwasang kiligin. Sa edad niyang ito ay naroon pa rin ang parang high school na feeling niya sa tuwing kikiligin siya. Paano namang hindi? Ikaw ba naman ang sabihan ng ganito ng isang isa na yata sa mga lalaking nakasalo ng kagwapuhan noong nagsabog ang langit.
"And you don't look so bad yourself, Love. You're handsome as always." ganting puri naman niya.
Simpleng white polo shirt lang ang suot nito na pinarisan ng khaki pants at sneakers pero napakagwapo talaga nito. Yung tipong ang lakas ng dating kaya naman kanina ay hindi maiwasang mag-ngitngit ng kalooban niya ng pagpasok pa lang nila sa restaurant ay napapalingon na kay DJ ang mga babaeng naroon. She's jealous. Kung nakakamatay lang ang mga titig niya kanina ay matagal nang nakabulagta ang mga babaeng kung titigan si DJ ay halos hubaran na ito at pagnasaan.
"Here, drinks this." si DJ na siyang nagbukas nang kanyang mineral water saka nilagyan nito ang kanyang baso saka iniabot iyon sa kanya.
"Thank you, Love."
Ilang sandali pa'y dumating na nga ang kanilang hinihintay. Agad na sumilay ang ngiti sa labi ni Kathryn nang makita ang paparating sa table nilang sina Trina at Marco. Her bestfriend was full of glow in her face. Blooming pa ito sa salitang blooming. Halatang hiyang na hiyang sa pag-aalaga ni Marco.
Natuon ang mga mata niya sa tiyang bahagi nito. Trina was wearing a fitted blouse kaya naman medyo halata na ang maliit na umbok sa may belly nito. Mas lalo pa siyang napangiti. Who would have thought na pareho na silang magiging ina ng kanyang bestfriend?
BINABASA MO ANG
Destined to Love You
FanfictionStandard in life are no use when you are really destined to someone God made it perfect for you. Life isn't about colors and rainbows. Life is about surviving when I mean surviving, it is being happy while you are trying to survive. A man willing to...