Chapter 17

3.4K 91 7
                                    

Gabi na ng makauwi sa bahay si Kathryn. Nalibang kasi sila ni Trina sa paglilibot sa mall pagkatapos nila sa travel agency. Nagkayayaan sila na mag shopping ng mga susuotin para sa bakasyon nila bukas.

Kaya naman nagulat pa siya pagdating sa bahay nila ay naabutan niya sa may sala nila ang Daddy niya na kausap si Daniel.

Bigla ang pagtambol agad ng puso niya ng magtama ang mga mata nila ni DJ. Agad itong tumayo mula sa pagkakaupo pero ang Daddy niya ay nanatiling nakaupo lang sa sofa ng nakalapit na siya sa mga ito.

"Good evening Dad!" aniya sa Daddy niya saka hinalikan ito sa pisngi.

"Iha.."

Nakangiti ang kanyang Daddy ng batiin siya nito.

Agad siyang bumaling kay DJ.

"Hi!" aniya saka bineso nya si DJ ngunit naramdaman na lang niya ang paglapat ng lips nito sa pisnge nya.

Nagregudon agad ang sistema niya sa init ng labi nito.

"Kanina ka pa?" aniya kay DJ.

Saka sinenyasan niya itong maupo sila ulit.

Ngayon ay magkatabi na sila ni DJ na nakaharap ang Daddy niya.

"I have just arrived earlier than you." ani DJ.

"O paano, DJ, Kath, I'll leave you two now." sabi ni Daddy niya saka tumayo ito. "By the way iha, DJ told me na hindi pa siya nag didinner kaya naman ay sabayan mo na siyang kumain."

Saad ng Daddy niya bago ito tuluyang umakyat sa hagdanan.

Napalingon agad siya kay DJ. Nakita niyang nakatingin din ito sa kanya.

"Hindi ka pa kumain?" gulat niyang sabi rito.

"No. I wanted to eat with you." sagot nito.

Shit na malagkit!

"Alright." aniya saka tumayo. "Let's go to the dining table then." yaya niya rito.

Although kumain na sila ni Maja kanina sa isang resto ay gusto pa rin nyang samahan si DJ. Nakakahiya naman kung hindi dahil naghintay pa talaga ito sa kanya. But why didn't he text me or call me para malaman ko ang nasa utak niya?

"Upo ka muna. Ipaghahain kita." aniya kay DJ na nakasunod lang sa kanya kanina pero ngayon ay umupo na ng inguso niya ang upuan sa dining table nila.

Dahil nagpapahinga na siguro si Yaya Eunice ay siya na lang mismo ang mag-aasikaso kay DJ.

Batid niyang nakatingin si DJ sa kanya dahil pakiramdam niya ay tumatagos bawat titig nito sa kaloob-looban niya.

Hindi niya tuloy maiwasang makadama ng pagka-concious.

Okay pa ba yung suot ko? Mukha na ba akong messy dahil sa maghapon akong nasa labas?

Nang lumingon siya sa gawi ni DJ ay nakita niyang nakamasid lang ito sa kanya na para bang bawat galaw niya ay sinusundan nito. Nang sumilay ang ngiti nito ay agad siyang tumalikod at kinagat ang labi niya para mapigilan ang sarili sa pagngiti.

Kath! Get hold of yourself!
Kalma...kalma...kal....

Hindi niya natapos ang pag-kalma ng sarili niya dahil naramdaman nya ang presensya ni DJ sa likuran niya kaya naman napahinto siya sa pagsasandok ng kanin.

Halos mabingi na siya sa lakad ng pintig ng puso niya. Dagdag pa ang nakakabaliw na mabangong male scent ni DJ na siyang mas nagpatuliro pa lalo sa sistema niya.

"D-DJ...what are you doing?" nanginginig niyang sabi rito.

"I'm sorry but I can't just control myself, Kath..." ani ni DJ na ngayon ay ipinalibot na ang mga braso sa kanyang baywang saka niyakap na siya mula sa likuran.

Destined to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon