Chapter 5

3.4K 96 10
                                    

Naagaw ang pansin niya ng lalaki at babaeng kakapasok lang ng restaurant. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng mapagsino ang lalaking nakaakbay sa babae. Hindi siya pwedeng dayain ng kanyang mga mata. Ito ay walang iba kundi ang kanyang nobyo na si Aaron. Nakaakbay ito sa babae habang nakapulupot ang kamay ng babae sa beywang nito. Nababakas sa mukha ni Aaron ang kasiyahan. Something that she never saw from him when he's with her. May kung anong kirot sa puso niya.

She wanted to confront him but she stopped herself. Hindi siya pinalaki ng ama nya na maging bastos. If she's going to create a scene magmumukha lang siyang talunan kaya kahit nanggagalahiti na siya sa kanyang kinauupuan ay kinuntrol niya pa rin ang sarili.

Tinignan nya ulit ang mga ito na halos langgamin na sa kasweetan. Hindi pa siguro siya napapansin ni Aaron na nasa tapat lang ng kanilang table dahil sa sobrang abala ito sa paghalik at pagpapasweet sa kasama nito. Parang kinukurot ang kanyang puso at nawala na yata ang kaluluwa sa sistema niya. Nanginig siya at gusto na niyang mapaiyak. Lumingon lingon siya at sakto namang pabalik na ang bestfriend niya.

Gulat pa ito ng makita ang itsura niya. Hindi siguro napansin si Aaron sa katapat na table dahil nakatalikod ito sa kanila.

"Kath, are you okay?" ani nito sa akin ng tuluyan ng makaupo sa tapat ko.

"Ye-yeah, I'm okay." sabi ko na may halong garalgal ang aking boses.

My eyes sting when I felt the tears ready to fall down in my cheeks. I inhaled deeply and closed my eyes. Namalayan ko na lang na isa isang tumulo ang aking mga luha. I sob. Agad akong dinaluhan ng aking kaibigan.

"Hey, what happened? Kath, are you okay?" she sounded worried. I tried to control my sobbing but I failed. Niyakap niya ako at hinaplos haplos ang aking likuran. "What happened ba?" usisa nito sa akin habang ako ay patuloy lang sa pag hikbi.

"He-he's cheating on me." I said.

"Ha? Sino? Si Aaron? How did you know? nagtatakang tanong nito sa akin. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Tinignan niya ako at tinuro ko sakanya ang table kung saan naroon ang mga ito.

Pagkalingon ni Trina sa gawi nila ay parang tigreng sumugod sa katapat na mesa. I tried to stop her pero parang wala siyang narinig.

"Well well well, look who's here!" narinig na lang na sabi ng kaibigan. I saw how shock written in Aaron's face and the girl he's with. Tumayo si Aaron at akmang hahawakan sana si Trina sa braso pero pumalag ito.

"Wow ang lakas din naman ng apog mong manloko sa kaibigan ko ha Aaron! Pagkatapos ng ginawa niya para sayo ito lang ang igaganti mo? Walangya ka!" pasigaw at galit na wika ng kaibigan ko. Dinuro duro pa niya ito.

"Honey, what is this all about?" naguguluhang tanong ng babae. Halata sa mukha nito ang pagtataka. Walang halong pagkukunwari ang nasaksihan niya mula rito.

"You know what Aaron tama lang talaga na di kita nagustuhan para sa kaibigan ko dahil alam ko noon pa man na sasaktan mo lang siya."

Lumingon si Trina sa kinalalagyan ko. Maging sina Aaron at ang kasama niya ay napalingon na rin sa aking gawi.

"Kathryn..." tanging nasambit ni Aaron na para bang nakakita ng multo. Nagtangka siyang lapitan ako pero agad na pinigilan siya ng babae.

"Anong ibig sabihin nito Aaron?" mahinang wika ng babae.

"Siya lang naman ang girlfriend ni Aaron." mataray na sagot ni Trina. Napasinghap ang babae at hindi na rin mapigilang mapaluha.

Destined to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon